CHAPTER 6

4K 54 0
                                    

"Even if the day ends... I still found myself falling in love with you. Even more." 

"What are you going to cook?" parang batang excited itong si Travis na nagmamasid sa akin habang hinahanda ko ang mga kakailanganing rekados.

"You've been asking me the same question for almost 5 minutes, Trav. I said it's a surprise."

"Naahhh, tell me please. Para malaman ko kung ka nga bang magluto." sagot naman nito at sinamahan pa ng pout.

Gosh! It's my first time seeing this side of Travis. Para siyang five years old na bata. I've known him for almost 3 years na, and I never saw this side of him.

Ehh. Paano mo naman makikita kung hindi naman kayo laging magkasama? Don't forget, mabait lang yan sa'yo kasi may kailangan siya sa'yo. sabi naman ng kabilng parte ng isip ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa naisip ko. Tama. I almost forgot. Andito si Travis dahil kailangan niya ako. He needs me to get her back.

"Audrey? Hey. Are you okay?" nagulat ako sa biglaang pagtapik ni Travis sa kamay ko.

"Ha? Ahh, oo. I'm fine. May naisip lang ako about work." pagkakaila ko.

Savour the moment, Audrey. Set aside your worries, think of the present.

Tama. Ang mahalaga ay kasama ko si Travis ngayon, kahit ngayon lang.


After 30 minutes na pagluluto at pangungulit ni Travis ay natapos ko na rin ang niluto kong Crispy Parmesan Garlic Chicken.

"Hmm, ang sarap ah. Can't wait to taste it." parang batang sabi ni Travis. Ito mismo ang naghanda ng dining table. Umalis rin kasi si Manang Tessa at nagpaalam na pupunta muna sa simbahan.

"Go, try it. Tell me kung masarap ba." pag-aya ko sa kanya. Ako na rin mismo ang naglagay sa pinggan niya. Parang nagrarambolan ang mga organs ko sa loob dahil sa kaba.

Magugustohan ba niya? Masarap ba? Paano kung hindi? 

Mas nadagdagan pa ang kaba ko ng isusubo na nito ang maliit na parteng kinuha. Ng masubo na nga nito ay pinilit kong basahin ang mukha nito. As usual, hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung nasarapan ba siya o hindi. As in wala, flat affect lang. And then, bigla itong tumingin sa akin.

"Hmmm! Wow! The best! Ang sarap nito Audrey!" biglang sigaw nito. At ngayon ko lang napakawalan ang hiningang hindi ko napansing kanina ko pa pala pinipigilan.

"It's good to hear na you like it." 

"I never knew you could cook. Not just cook. You are a great cook! You can be a chef if you did not pursue medicine." 

"I just learn. Pag may spare time ako ginagawa kong libangan ang pagluluto. Kaya ayun. Nakahiligan ko na rin." 

"How I wish Kate can cook too." naptigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang pangalang yun. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang biglaang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.

"She can't cook?" tanong ko nalang.

"Yeah. Iyon yung palagi naming pag-awayan. She don't like cooking. Mas gusto niyang laging sa labas nalang kumakain." 

Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko ngayon. Maging masaya kasi sa unang beses nag-open up sa akin si Travis. Na parang walang pader na nakapagitan sa amin. O maging malungkot kasi kahit anong gawin niya nasa isip pa rin niya si Kate.

At nasa puso rin niya. Don't forget about that, Audrey. Sigaw ng isang panig ng utak ko.

"Yet you still love her." bulong ko.


Matapos naming kumain ni Travis ay nagtambay muna ito sa sala at nanood ng TV. Simula noong gabing nagkakilala kami ni Travis ay nasundan pa ito ng ilang beses na pagkikita. Minsan yung family nila yung nag-iinvite sa amin ni dad at ganun rin kami. 

"I think I should go. May pupuntahan pa pala ako ngayon." biglang sabi ni Travis.

"Ahmm, yeah sure. Ingat sa byahe." yun nalang ang nasabi ko at hinatid ko na rin ito sa labas.

Akmang papasok na ito ng biglang humarap ito sa akin at lumapit.

"Don't forget about the party. Ako na ang bahala sa lahat. Ipapadala ko nalang yung isusuot mo. Okay?" 

Tsup.

Hindi ako nakasalita agad dahil sa sunod na ginawa niya. HE KISSED ME! Sa pisngi lang! Hindi na ako hinintay ni Travis na sumagot at umalis na rin ito. Nailagay ko sa may bandang dibdib ang kamay ko dahil sa sobrang bilis ng tibok na puso ko.

Ang daming firsts na nangyari sa araw na ito. Gosh, how can I let him go kung ganito siya. 


"Iha, are you coming sa party nila Travis?" tanong ni dad. We are currently having our dinner now. 

"Ahmm, yes dad. How about you?" 

"I don't know if I can make it. May scheduled operation kasi ako sa araw na yun. And I don't think I still have the energy to attend." 

"Maybe, you should rest nalang dad. I can manage it alone." ngumiti ako para mas makumbinsi si dad.

"Thank you, anak. I know I can really count on you." I know dad too well. Ayaw nitong iniiwan ako mag-isa sa mga ganitong parties. Dahil alam niyang ayaw na ayaw ko ng mga ganito. 

Pagkatapos naming kumain ni dad ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. I need to calm all my nerves and ready myself para sa mangyayaring party. Mas lalo akong kinakabahan dahil until now hindi ko pa nasabi kay dad ang tungkol dito. Hindi ko alam kung paano siya magrereact, na ang Travis na anak ng kaibigan niya, ay boyfriend ko na.

Fake boyfriend. To be exact.

And how about the media? How can they accept it? Alam halos ng buong mundo na si Travis at Kate ang totoong magkarelasyon. And so far, hindi pa alam ng media na wala na sila. Paano sila magrereact kung biglang i-announce ni Travis na kami na? For sure they will really hate me. 

"Arggghh! What should I do?! Ang tanga ko! Bakit pa kasi ako pumayag?!" ang sarap iiyak na naman dahil sa frustrations. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa lahat ng nangyayari. 

Bakit ang hirap mong mahalin, T? Bakit ikaw pa? Sa dinami-dami nyong mga anak ni Adan bakit sa'yo pa na may nagmamay-ari na? You were so different this day. Mas lalo mo akong pinapahirapan. Mas lalo mo akong pinapahulog sa'yo. Mas lalo mo akong pinapaasa. 

The way you smiled and laughed awhile ago. I only dreamed of it but you really did. You talked so comfortably with me. And I never imagined it. You were different. Parang hindi ikaw yung Travis na nakilala ko before. And I loved it. It made me happy. 

How I wish itigil mo nalang tong planong to. How I wish you'll stop looking for her and look at me. Ako na andito sa harap mo. Hindi yung taong pilit na lumalayo sa'yo. How I wish you'll stop chasing her and run towards me. 

AUTHOR'S NOTE:

Hello dearies! Another update for you! I hope you'll like it. This is all because of you! Thank you for reading this story! God bless everyone! Mwaah!

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon