"Loving someone who doesn't love you in return... is like trying to fly with a broken wing."
Matapos kung paanakin ang tatlong bagong dating na buntis at maging yung pasyenteng kanina pa namin hinihintay ay dumiretso ako agad sa doctor's quarters para sana umidlip ng saglit dahil parang hindi ko na kaya ang pagod sa buong araw na pag-aasikaso sa walang humpay na pasyente. Hindi na rin kami nagkasabay mag-lunch ni daddy dahil may emergency siyang dinaluhan kaya isinubo ko ang pagod ko ng katawan sa mas nakakapagod na trabaho kaya hindi na ako magtataka kung pati dinner ay hindi ko na naman makakain.
Pasado alas-syete na rin ng gabi ng maisipan kong ipikit ang mga mata ko para sana matulog kahit saglit tsaka na ako kakain ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Kainis naman oh.
Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan ang caller ID ng kung sino dahil hindi ko na magawang idilat ang mga mata ko sa sobrang pagod.
"Hmmm.." ito lang yung nasagot ko dahil wala na akong enerhiyang makigpag-tsikahan pa sa kung sino man ang tumatawag ngayon.
"Audrey?"
Parang familiar yung boses niya. Asan ko ba to narinig?
"Hmmm?" ulit ko.
"What the heck is wrong with you? Bakit hindi ka makapagsalita diyan?"
That voice! Shit! Bakit ko ba hindi agad nakilala ang boses na yun?! How can I forget that voice?!
Agad akong napabangon sa paghiga ng maging pamilyar sa akin ang boses ng caller. Tiningnan ko agad ang cellphone ko at ng makilala kung sino ay parang naubosan ng dugo ang buong katawan ko.
Shit!
"Audrey?" ulit nito ng hindi ko pa rin magawang sumagot.
"Y-yes?"
"What's wrong with you? Where are you right now?" parang boss na tanong nito.
"H-ha? Uhmm.. nasa ospital ako ngayon." Uutal na sagot k okay Travis.
"May pasyente ka pa ba ngayon?" tanong nito na biglang ikinagulo ng utak ko.
Why is he asking me?
"Uhmm, wala na. Off ko na ngayon." Sagot ko naman.
"Okay, papunta na ako diyan. I'll pick you up." Call ended.
Napaawang nalang ang bibig ko sa sinabi ni Travis. Anong ibig niyang sabihin na pupunta siya dito? Nakanga-nga parin ako at hindi pa rin ma-sink in sa utak ko na papunta na ito.
It's my first time to experience Travis picking me up from work.
Sabi ng utak ko. Oo, he never picked me up. Usually kasi ako yung pumupunta sa kanya, masakit man sabihin pero totoo. Isang tawag lang niya na pumunta ako dito o doon, kahit trabaho ko kaya kong iwan para lang mapuntahan siya agad.
Kaya nagtataka ako kung bakit siya pupunta dito.
Don't tell me?!!
Oh my God! No way!
Bakit ko ba nakalimutan yung kagabi?! How the hell did I forgot what happened last night?! Alam ko na kung bakit siya pupunta! For sure, tungkol ito kagabi. What should I do?!
Hindi ko alam ang dapat gawin kaya nagsimula na akong kabahan at palakad-lakad na ako sa loob ng quarters habang nag-iisip ng pwedeng gawin. Iiwasan ko ba siya o haharapin ko?
Nagtatalo pa rin ang utak ko kung ano ang dapat kong gawin ng biglang may kumatok sa pintoan at iniluwa doon ang mukha ni Alex.
"Doc? Andito po si Sir Travis, hinahanap po kayo."

BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...