CHAPTER 42

3K 47 5
                                    

"Life is so ironic, it takes sadness to know what happiness is, noise to appreciate silence, and absence to value presence."





Napatulog ko na ang kambal dahil lagpas na ng oras ng tulog nila. Nakahiga na ako ngayon sa kama at nakatingin sa crib ng kambal na nasa tabi ng kama ko.




May sariling kwarto ang kambal dito sa bahay ni daddy pero mas pinili kong magstay sila kasama ko. Napa-praning kasi ako minsan ... kaya para makatulog ako ng maayos dito lang sila.




Tumingala ako paharap sa kisame at bumuntong hininga .. parang pagod na pagod ang pakiramdam ko ngayon dahil sa mga nangyari.




May anak si Dylan ... baby girl. Then nalaman ko pa ang nangyari sa kanila ni Shiella na may pagkakahawig sa mga nangyari sa buhay ko. Parang replay sa mga nangyari sa akin.




Mabigat pa rin ang pakiramdam ko hanggang ngayon.




Kung ganito rin kaya ang ginawa ni Travis same sa ginagawa ngayon ni Dylan para kay Shiella? Baka iba yung naging takbo ng buhay namin ngayon.




Kung tinago ko rin kaya kay Travis ang tungkol sa pagbubuntis ko baka hindi kami nakasal at hindi naging mas kumplikado ang sitwasyon namin.




Pero huli na ang lahat, nangyari na ang dapat mangyari. Sa ngayon dapat mas maging masaya ako para kay Dylan.




Bukas na ng gabi ang party at hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong magkikita kami ni Travis doon. Dalawang linggo na itong hindi nagpakita, kaya mas lalo akong nasasaktan.




Dahil sa bawat oras, araw na lumilipas na wala ito ay mas lalong bumibigat ang hinala ko na hindi kami ang pinili niyang makasama.




Baka nagkausap sila ni Kate tapos narealized nitong mas gusto niya si Kate kaya kahit mali , ipaglalaban niya pa rin ito.




Bumangon ako at saka lumapit sa crib ng kambal. Masuyo ko silang tiningnan at hinahaplos ang mga pisngi nila.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon