"You can't go back and change the beginning, but you can start where you are and change the ending." -C.S. LEWIS
AUDREY'S POV
Matapos akong makapili ng gown na susuotin para bukas ay nagpasya na akong umuwi dahil pasado alas tres na pala ng hapon at di ko man lang namalayan ang bilis ng paglipas ng oras.
Nagtake-out lang ako ng cake para kainin naming meryenda ni Dylan. Laking pasasalamat ko sa ginawa ni Dy dahil ngayon ko palang naranasan ang ganito ang magkaroon ng "me" time. Dati kasi na wala pa ang kambal sobrang busy ko sa trabaho at hindi ko rin hilig ang mga ganito, minsan lang ako sumasama kay Monique.
At mas lalong di ko nagawa noong nakasal kami ni Travis, sa sobrang stressed ko at lungkot di ko na naisipang gumala o magrelax. How much more ngayon na andito na ang kambal. Di man halata pero hindi ko talaga magawang iwan sila ng matagal.
Di ko nga inakala na napapayag ako ni Dylan gawin to at iwan sa kanya ang kambal ng ilang oras, pero marahil sa rason na malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi niya pababayaan ang kambal.
May mga kasambahay rin naman na tumutulong sa akin minsan pero "hands-on" talaga ako pagdating sa pag-aalaga sa kambal, humihingi lang ako ng assistance pag di ko na kayang isabay ang dalawa.
Mabuti at may home service ang boutique na pinuntahan ko, idi-deliver nila mismo ang gown bukas at sa kanila na rin ako kumuha ng makeup artist at stylist na mag-aayos sa akin para sa party. Alam nyo naman na wala akong kaalam-alam pagdating sa mga bagay na yan.
Di ko namalayang andito na ako sa labas ng bahay, kahit sa pagda-drive sobrang bilis ng paglipas ng oras. O sadyang namiss ko lang talaga ang kambal. Ipinark ko na muna ang sasakyan ko sa likod ng kotse ni Dylan, mamaya ko nalang ito ipapasok dahil excited na akong makita ang kambal.
Agad akong pumasok at nakitang nasa living room si Dylan kasama ang kambal na tulog na tulog. Nilatag nila ang mat mula sa kwarto ng kambal dito sa sala. Napansin kong nakaupo lang si Dylan at minamasdan ang kambal, di niya ako napansin kaya mas lumapit ako.
"Dy?" mahinang tawag ko dito para di magising ang kambal na sobrang himbing ang tulog. Doon lang ako napansin ni Dy. Tumingin ito sa akin at saka ngumiti. Sininyasan ko siyang pumunta sa kusina. Tumango naman ito kaya nauna na ako.
Nilapag ko ang cake na dala sa kitchen counter, nakasunod na pala si Dylan sa akin.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...