CHAPTER 7

3.9K 56 4
                                    

 "Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him." 

 Dumating na rin ang araw na matagal ko ng kinakatakotan. Mamayang gabi na ang party na gaganapin sa isa mga hotel na pagmamay-ari nila Travis. Umaga palang ngayon pero ramdam na ramdam ko na ang kaba. Nagtatalo na ang utak at puso ko sa kung ano talaga ang dapat kong gawin.

Sigaw ng isip ko, wag akong pumunta. Pero, iba yung gusto ng puso ko. At yun ay sundin ang gusto ni Travis. Mabuti at hindi ko duty ngayon dahil malamang lutang lang ako at baka malagay ko pa sa panganib ang buhay ng mga pasyente ko. Nagtext si Travis sa akin bago lang na on the way na daw yung damit na isusuot ko. At mas lalo akong kinakabahan.

Nakarinig ako ng doorbell kaya agad akong tumayo at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin ang sekretarya ni Travis.

"Good morning po, Ma'am. Ito po yung pinapabigay ni Sir Travis sa inyo." masayang bati ni Lawrence. At saka inabot sa akin ang malaking kahon na agad ko namang tinanggap.

"Thank you Law. Ikaw pa talaga ang inutosan niya." 

"Okay lang po yun, Ma'am. Parte na rin po ng trabaho ko yun." at ngumiti na naman ito kaya napangiti narin ako.

"Ang bait mo talaga. Sige, salamat." nagpaalam na rin ito sa akin at umalis.

Inilapag ko sa malaking center table sa sala ang kahon na naglalaman sa susuotin ko mamayang gabi. At marahil dahil na rin sa kaba ay hindi ko ito magawang buksan. Mamaya na siguro. Poproblemahin ko pa kung saan ako pupunta o ano yung gagawin ko. Hindi ako marunong mag-ayos. 

Because it is your first time ...

Bago pa madagdagan ang mga iniiisip ko ay biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko.

Monique calling...

Oh my gosh! Si Monique! Agad ko itong sinagot!

"Monique!!!" hindi ko mapigilang isigaw ang pangalan nito dahil sa excitement!

"Grabi ka naman makasigaw Audrey! Muntik ng mabasag ang eardrums ko!" ganting sigaw din nito.

"Eh sumisigaw ka rin naman ah! Gaga! Ang tagal mong di nagparamdam!" sigaw ko na naman.

"Hey! Hey! Easy lang. Kakarating ko lang from States." kumalma na rin ako.

"So all these years, nasa States ka lang pala nagtatago? You never said goodbye to me. Anong klase kang bestfriend?" may halong pagtatampo sa boses ko.

"I know and I am so sorry. Pero alam ko naman na naiintindihan mo kung bakit ako umalis diba?" 

"Yeah. How are you now? Magkita tayo please. Sobra kitang namiss. Two years kang nawala." 

"Okay na ako, naka-move on na rin at last. And yeah sure. In fact, I'm on my way na sa bahay niyo. Sinigurado ko lang na anjan ka sa bahay niyo at wala sa ospital." 

"Oh my God. Sige, hintayin kita. Ingat sa pagmamaneho. Bye!" matapos naming mag-usap ay dumiretso ako agad sa labas at doon ko hinintay si Monique. I missed her so much. Kaya ganito nalang ako ka-excited na makita siyang muli.

We've been friends since college. Noong nag-aaral pako for my pre-med course kami nagkakakilala. Pareho kasi kaming part ng student council kaya ayun naging close kami at naging bestfriends. 

Pero two years ago, bigla nalang itong naglaho na parang bula. Although alam ko na kung bakit, pero hindi ito nagsabi kung asan siya pupunta. Umalis lang ito pagkatapos nung gabing pumunta ito sa akin na umiiyak dahil sinaktan na naman siya ni Andrew, ang boyfriend niya for three years. Kaya yun yung naging dahilan kung bakit umalis ito.

Nang makita ko agad ang sasakyan ni Monique ay tinakbo ko na ito. Kaya nong lumabas ito sa passenger's seat ay niyakap ko ito agad ng sobrang higpit.

"Oh my God! I missed you!" sabay naming sigaw. At naramdaman ko rin ang munting butil ng luha na tumulo sa pisngi ko. She's not just my bestfriend but my sister. The sister I never had.

Nang makapasok na kami sa loob matapos naming magmoment sa labas at nainitan ay nagpasya rin kaming pumasok at doon na taposin ang kadramahan naming dalawa.

"Parang walang nagbago sa'yo ah." kumento ko sa kanya.

"Yeah, I'm still the same Monique. Ikaw rin ah, wala ring nagbago. Manang na manang ka parin hanggang ngayon. And worst you're wearing eyeglasses?" Ito na naman po siya sa panglalait sa akin.

"Ayan ka na naman." maktol ko.

"Audrey naman. Two years akong nawala tapos ganyan pa rin ang ayos mo? My gosh, kaya nga hindi ka napapansin ni Travis eh. Ooopps. Kumusta kayo? May progress ba?" 

Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Kaya ayun, kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Travis. Lahat. Wala akong iniwan ni katiting na detalye. Pati na rin yung deal namin at yung nangyari sa amin.

"Oh my God. Bakit ang tanga mo? Isinuko mo pa talaga ang bataan sa kanya! At hindi man lang maalala ng hinayupak na yun?!" 

"Alam kong may kasalanan ako. Kaya nga eh heto at naguguluhan ako kung tama ba yung naging desisyon ko."

"My gosh, Audrey! Of course mali yung desisyon mo. Pumayag ka na magpagamit sa kanya para lang makuha niya ulit yung babaeng mahal niya talaga?" bawat katagang sinasabi ni Monique ay tumatagos sa puso ko. Kasi tama siya. Naiiyak nako. At malamang napansin ito ni Monique kaya agad itong lumapit sakin at niyakap ako. 

"I'm sorry for shouting at you. I'm sorry, Audrey. Ayoko lang kasing makita kang nasasaktan." 

"Mahal ko eh. Wala akong magawa." iyak na sagot ko.

"I know. Ssshh." pagpapatahan nito.

"Aha I know na! May plano ako." bigla niya akong inilayo sa kanya at tumingin agad ito sa mga mata ko. I smell something fishy.

"Let's give Travis a hard time. Ipapakita natin sa kanya na you are the best choice and not Kate. Ipakita natin sa kanya kung anong meron ka na wala si Kate." At makikita mo talaga sa mga mata ni Monique ang determinasyon na nagsasabi sa akin na OO dapat ang isagot ko at pumayag sa plano niya.

"P-pero, paano?" 

"Hmmm. Let's start with your look. Dapat hindi ka na ganito mag-ayos. Mamayang gabi na yung party diba?" tanong nito at tumango lang ako.

"Perfect! Let's go sa salon. Ipaayos natin yang buhok mo, at lahat! Let's show Travis your hidden beauty. When in fact mas maganda at sexy ka pa kaysa sa Kate na'yon!" 

"P-pero Monique..." 

"Walang pero pero Audrey. Let's go. Tingnan natin kung hindi ba magbabackfire kay Travis ang plano niya." Hinila na ako ni Monique palabas ng bahay at kinaladkad. 

I don't know kung ano ang magiging resulta nito. Pero wala rin namang mawawala kung susubukan ko diba? Bakit ba mas lalong nagiging mahirap to?! 

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon