CHAPTER 34

5.1K 105 24
                                    

"The people that are quick to walk away are the ones who never intended to stay."




Dalawang araw na mula noong nagkita kami ni Kate ... andito kami ngayon sa bahay at masayang naglalaro ang dalawa sa sala .. nilagyan ko ng malaking floor mat na intended lang para sa paglalaro ng babies na safe sila at siguradong malinis.


Naglalaro lang sila sa mga laruang inilatag ko. Nakatingin lang ako sa kanila at masayang pinagmamasdan ang mga masasayang mukha nila na parang wala silang paki sa mundo basta masaya lang silang naglalaro ...


Ang bilis ng panahon dahil ilang araw nalang magsisimula na silang kumain ng solid foods. At tiningnan ko si Kayla .. mas lalong gumaganda ito. Medyo mahaba na ang buhok nito na may pagkakulot at sobrang pinkish ng matabang cheeks nito .. at ang mga mata niya, nakuha niya talaga sa akin. Para siyang baby version ko .. Nakangiti habang hawak hawak ang isang maliit na bear at pinagmamasdan lang ito ...


My curious little baby girl ...


Si Kayden naman ... nakahiga habang kinakain ang kamay .. medyo mahaba-haba na rin ang buhok nito at kahit ayoko habang tumatagal mas nagkakamukha na sila ni Travis .. Kahit saang anggulo mo siyang tingnan makikita mo talaga si Travis.


Magpapatuloy na sana ako sa pag babasa sa librong kanina ko pa sinimulang basahin ng bigla nalang umiyak si Kayden ... agad koi tong kinuha at pinatahan dahil alam kong pag nagtagal ito ay iiyak din si Kayla. Sinulyapan ko ito at mabuti nalang parang wala itong narinig dahil busy pa rin sa teddy bear niya.


"Gutom ka na ba munti kong prinsipe?" nakangiti kong sabi dito. At parang naintindihan nito ang sinasabi ko dahil ngumiti ito. Inayos ko muna ang pagkakarga ko sa kanya at saka pina-dede na ... hindi na ako nag-abalang kumuha ng pangtakip sa medyo naka-exposed na parte ng dibdib ko at maging ang piklat ng tahi ko dahil kami lang naman ni Lenlen at ang mga kambal ang andito sa bahay.


Masaya akong nakikipag-usap kay Kayden dahil nakatingin lang ito at hinahawakan ang pisngi ko .. ng makarinig kami ng tunog ng doorbell .. napatingin ako sa pinto at akmang tatayo na para buksan dahil baka yung lolo ni Lenlen ito dahil bibisita daw ito ngayon para sa kaarawan ni Lenlen ng sumulpot ito mula sa kusina ..


"Ako na po ..." masayang sabi nito. Alam kong excited itong makita ang lolo nito kaya bumalik na ako sa pakikipag-usap kina Kayden at Kayla ..


"Ate, may naghahanap po sa inyo .."


"Ha? Sino naman?" sagot ko pero hindi koi to sinulyapan dahil sa inaabot ko yung laruan ni Kayla na napalayo sa kanya na pilit niyang inaabot. At ng makuha ko ay umayos na ako ng upo dahil nakadede pa si Kayden sa akin saka pa ako nag-angat ng tingin at sinulyapan si Lenlen ...


"Siya po ..." sabi ni Lenlen at saka bumalik na sa loob ng kusina at iniwan kami ..



Literal na tumigil ang mundo ko ng makilala kung sino ang dumating .. nakatingin ito sa akin na nakakunot ang noo at gulat na gulat.. bigla itong naglipat ng tingin kay Kayla na nasa sahig at saka kay Kayden na kasalukuyang dumi-dede parin ...

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon