CHAPTER 33

4.9K 77 5
                                    

"It's hard to wait around for something you know might never happen; but it's harder to give up when you know it's everything you want."





Inaya ko na na sumabay sa amin kumain si Dylan. At kahit na nabinyagan na ang mga kambal noong tatlong buwan pa sila ay ninong pa rin daw siya ng kambal. At kahit di niya sabihin yun ay automatic na ninong at ninang rin si Monique.



Mas lalo kong namiss si Monique at mas lalo akong nag-aalala sa kanya dahil wala akong contact sa kanya at sa nangyari sa amin ngayon malabo ring matatawagan niya ako dahil iniwan ko na lahat sa Maynila kahit pa yung cellphone ko. Pero alam kong kahit asan man siya ngayon, nasa mabuting kalagayan siya. Yun pa?



Excited na akong makita siya and of course ang baby din nito. Alam kong magkakasundo silang tatlo pagdating ng panahon.


Dinala kami ni Dylan dito sa isang coffee shop para sana mag merienda ... kahit na dalawang oras pa ang lumipas ng kumain kami sa Jollibee. Nasa kabilang table lang si Lenlen na nagfe-facebook habang naghihintay kasama ang kambal na payapang natutulog sa mga stroller nila. At kami naman ni Dylan magkaharap ngayon. Alam kong hindi pa kami tapos mag-usap dahil naputol ito ng nakabalik na si Lenlen.



"Aud, I'm sorry for asking you this. Pero open ka ba na makipag-usap kay Travis kung sakali?" seryosong tanong nito na nakatingin ng maigi sa akin.



"I really don't know ... alam ko na kahit sabihin kong kaya ko ... natatakot ako." wala ng point na magsinungaling kay Dylan.


"He really needs to know ... kahit pa na gusto ko ring wag na niyang malaman ang tungkol sa kambal because he don't deserve them .. pero alam ko na alam mo kung ano ang tamang gawin." sinulyapan nito ang kambal bago binalik ang atensyon sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa kaguluhan.



"How should I do it, Dy? And why should I do it? In the first place, he is Travis Montecillo. He can do anything ... at hindi kami nagtatago sa kanya. I just went away from him pero andito pa rin ako sa Pilipinas. Pero bakit? Bakit hindi niya ako hinanap? Bakit hindi niya hinanap ang kambal?" di ko matago ang pait at galit sa mga sinabi ko.



"Di niya alam? Wala siyang alam?! It's not even a damn excuse! Oo gusto kong di sabihin nina mommy Trina na andito ako o nanganak na ako. Not because I don't want him to know! Pero umaasa pa rin kasi ako na hanapin niya kami ... na magsosorry siya and tell me he don't mean those words. Na he wants us to be in his life. Na kami ng kambal ang pipiliin niya and not Kate ..." napaiyak na ako dahil ngayon ko pa ito napalabas lahat. Napatakip na ako mukha dahil ayokong makita ng ibang andun na umiiyak na ako.



Naramdaman ko nalang ang mga bisig ni Dylan na yumakap sa akin ...

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon