CHAPTER 24

3.8K 56 18
                                    

"If it doesn't break your heart. It isn't love."


TRAVIS' POV


Pagkatapos maka pirma ni Marcus sa mga papeles na magpapatunay na kasal na nga ako kay Audrey ay nag-aya na akong umalis. Ayokong makita silang lahat dahil mas lalo lang akong nagagalit.

"Bro, hindi mo man lang ba ihahatid si Audrey sa bahay niyo?" tanong ni Marcus. Tinapunan ko lang ito ng masamang tingin at nauna ng pumunta sa kinaruruonan ng kotse ko.

Sumunod naman ito at ng makapasok na ito sa loob ay pinaharurot ko na ang Audi ko paalis sa lugar nayun at tinungo ang tambayan naming magkakaibigan. Hindi nakasama si Troy dahil may business meeting ito at kung ako lang ang masusunod ayoko ring isama si Marcus kaso kabilin-bilinan ni dad na magsasama ako ng isang witness kaya wala akong magawa at sinama si Marcus.

Pagkarating namin ay agad din akong pumasok sa bar at tinungo ang private room naming magkakaibigan na exclusive lang para sa amin. Kay Andrew tong bar nato at alam kong busy na naman yun sa mga babae nito kaya wala dun.

Hindi ko na nakita si Marcus na sumunod sa akin kaya malamang andun na naman yun sa baba at naghahanap ng pwedeng paglaruan.

Kumuha ako ng wine na nakalagay na doon at saka nagsimula ng uminom.

Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyari. I still remember the day na sinabi ni Audrey sa akin na buntis ito. At ako ang ama. Galit na galit ako dahil hindi ko maalala na may nangyari sa amin. Galit ako dahil kahit hindi ako sigurado nakakaramdam ako ng munting saya ng marinig ko na buntis ito at ako ang ama. Hindi ko alam pero parang totoo at gusto kong maniwala pero kahit anong gawing pagpiga sa utak ko wala akong maalala sa gabing yun!

Pero I know Audrey. Alam kong hindi yun magsisinungaling. But, it changed. Noong aksidenting narinig ko ang pag-uusap nila ni mommy. Noong nalaman kong matagal na niya akong mahal. I started to doubt her. Dahil baka ganun na siya kadesperada na magpabuntis sa iba at ako ang iturong ama.

That's why I hate her so much! And kahit gustong gusto kong lumayo dito ng malaman kong alam na nila dad ang tungkol sa sitwasyon ni Audrey ay wala akong magawa. Pinagbantaan ako ni dad na kukunin ang lahat sa akin sa oras na hindi ako magpapakasal sa kanya.

Damn hell for doing these things to me!

Uminom lang ako ng uminom habang nag-iisip. Kung kailan nagiging okay na kami ni Kate ulit, saka pa ito nangyari. Galit na naman ito sa akin dahil sinabi kong kailangan kong panagutan si Audrey. I can't blame her, sino ba naman ang tatanggap sa desisyong magpapakasal ang boyfriend mo sa ibang babae dahil sa nakabuntis ito?

Damn it! Gulong gulo ang buhay ko ngayon. Sina Kate at ang mga kaibigan ko lang ang nakakaalam tungkol sa kasal aside sa family namin ni Audrey. Isali pa yung Dylan na hindi ko alam kung bakit andun kanina.

Bigla akong nakaramdam ng galit ng maalala si Dylan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw na ayaw ko sa lalaking yun.

Alam kong andun na si Audrey sa bahay na binigay nila mommy para sa amin. At kahit ayaw ko kailangan ko paring umuwi doon dahil sa oras na malaman ni dad na hindi ko siya tinuturing na asawa, hindi pa rin ito magdadalawang isip na kunin lahat sa akin kahit kasal na kami ni Audrey.

Audrey. Kasalanan niya to lahat. Siya ang rason kung bakit hindi ko makakasama ang taong mahal ko. Siya ang dahilan kung bakit kailangan kong makasal sa taong hindi ko naman mahal at hindi ko kayang mahalin.

Siya ang dahilan kung bakit to nangyayari lahat.

At pagbabayaran niya to. I'll make her life a living hell!

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon