CHAPTER 25

4K 66 4
                                    

"I hate that I'm still hoping."



Wala si Myla ngayon dahil may klase ito at si mommy Trina naman may meeting kasama ang mga kaibigan nito kaya hindi ito makakapunta. Ako lang mag-isa ngayon at inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng stories kay baby.


May mini garden dito sa may pool kaya andito ako ngayon at nakaupo sa maliliit na upuang nilagay doon.

"The prince took all his courage and went to the forest to rescue the lost princess..." pagkukwento ko habang hinahaplos ang tiyan ko.

"He almost reach the abandoned castle where he knew the princess was hidden when a big dragon showed up... " with all the feelings pa ang pagkukwento ko. Nadadala na rin kasi ako sa story.


"And then..." napatigil ako dahil bigla akong nakaramdam ng mga matang nakatingin sa akin. Sinundan ko kung saan ko nafefeel ang mga tingin at nagulat ng makita sila Marcus, Troy, Andrew at si... Travis.



Noong kasal ko lang nakilala si Marcus at yun yung first time kong nalaman na magkaibigan sila ni Travis. At si Troy and Andrew naman naipakilala sila ni mommy sakin once nung nakakita ako ng mga litrato nilang apat. Masyado rin kasing private ang mga buhay ng apat na ito kaya hindi masyadong nalalagay sa headlines ang mga pangalan nila. Kaya sobrang big deal yung once na naging laman kami ng headlines ni Travis.

But it was his plan. So kaya ayun kumalat.



Nakangiti sila Marcus pero si Travis first time kong nakitang nakatitig lang ito sa akin. Last month ko lang ito nakita at hindi ko matago ang pagtambol ng puso ko ng makita ito ulit.

Nakatitig lang ito at parang nalulunod na rin ako sa lalim ng mga tinging binibigay ng mga mata niya.

Napabalik ang pag-iisip ko sa kasalukuyan ng makalapit na si Andrew sa kinaruruonan ko.


"Hi. I'm Andrew. Sorry at ngayon lang kami nakapagpakilala sa'yo. Formally I mean." nakangiting sabi nito habang inilahad ang kamay. Tinanggap ko yun at saka sinuklian ang ngiting binigay nito.

"Nice to meet you too."

Si Troy naman ang lumapit sakin at naglahad ng kamay.

"I'm Troy. Sorry hindi kami nakapunta sa kasal niyo. We're somewhat busy that time." Explain nito sa akin. Ngumiti lang ako.

"It's fine. Nice to meet you." sagot ko.

"Hi Audrey! I'm Marcus. Sorry hindi ako nakapagpakilala sayo ng maayos nung kasal niyo. Alam mo naman..." may halong birong sabi nito. Tumango lang ako at sinabing

"It's okay."


"May I offer you something to drink? Or I'll prepare something for you to eat." offer ko sa kanila.


"No, no. We're fine. Kami nalang. Napag-isipan kasi naming dito na kami magbonding kaysa magstay sa bar. You should rest, bawal sayo mapagod." sagot naman ni Andrew. Napansin kong nakalapit na rin si Travis sa amin at umupo lang ito sa isa sa mga upuan doon at nakatanaw sa malayo.


"No it's okay. I can still cook. Kanina pa din kasi ako nakaupo kaya I'd prefer cooking this time." masayang sabi ko dito.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon