CHAPTER 37

4.3K 61 42
                                    

"Sometimes two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together."


AUDREY'S POV


Hindi nagtagal si Travis dahil may gagawin pa ito kaya matapos kaming mag-usap ay nagpaalam na rin ito at nangakong babalik agad. Hindi ko rin kayang magtagal sa isang lugar na kasama siya. Pumayag akong makipag-usap ng maayos at harapin siya hindi para magkabalikan kami kundi dahil alam kong kailangan namin yun. Para sa mga bata.



"Pero alam mong sa sarili mo na gusto mo siyang makita at makausap dahil mahal mo pa rin" bulong ng isip ko.



Agad kong iwinaksi sa isipan ko ang pumasok na ideya. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil bumabalik lahat ng mga sinabi ni Travis kanina lalo na yung pinaka huling sinabi niya.



"Alam kong pagod ka ng ipaglaban ako, kaya pahinga ka na .. dahil ngayon ako naman ang lalaban para sayo at sa kambal. It's my turn."



Napapikit ako habang hawak ang dibdib kong kumakabog. Alam kong mali ang papasokin ulit si Travis sa buhay ko. Alam kong walang kasiguradohang magiging okay na ngayon. Pero bakit di ko magawa? Bakit sobrang hirap? Bakit masaya ako dahil nagpakita ito ulit sa akin? At humihingi ng isa pang pagkakataon para itama ang lahat.. na ngayon kami na yung pipiliin niya.



Alam kong iba ang sinisigaw ng puso ko sa sinisigaw ng utak ko .. minsan ko ng pinakinggan ang pintig ng puso ko kaya ngayon susubukan kong isip ko naman ang paganahin.





Pinuntahan ko agad ang kambal upang tingnan ang kalagayan ng mga ito. Naabotan kong mahimbing ang tulog ng dalawa habang binabantayan ni Lenlen. 



"Len, ako na dito. Magpahinga ka muna." nakangiting aya ko dito.



"Okay po ate ..." akmang aalis na ito ng muli itong tumingin sa akin.



"Iyon po ba ang daddy ng kambal?" tanong nito. Marahil ay nagtataka rin ito kasi ni minsan hindi namin napag-usapan ang tungkol kay Travis.



"Oo." maikling sagot ko at saka binawi ang tingin sa kanya at ibinaling sa dalawang anghel na natutulog.



"Kamukhang kamukha niya si Kayden." napangiti ako sa sinabi ni Lenlen.



"Sobra." sagot ko.



"Hindi sa nangingialam ako ate, pero sana bago mo buksan ulit ang puso mo sa kanya sigurado ka ng hindi na siya aalis ulit. Dahil nasaksihan ko lahat ng dinanas mo sa mga panahong dapat andyan siya kasama mo at ng kambal." napabuntong hininga ako sa narinig mula kay Lenlen.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon