CHAPTER 26

4.2K 66 17
                                    

"The only reason why I won't let go of what's making me sad is because it was the only thing that actually made me happy."



Parang nakalutang ako sa alapaap dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko. Nakatingin ako ngayon sa nakayukong Travis na hawak hawak ang tiyan ko at nakangiti. Hindi ko napigilang mapangiti at tumulo ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos.


Nananaginip ba ako ngayon? Kung oo, ayoko ng magising. Gusto kong tumigil ang oras at mag-stay lang ng ganito. Lahat ng sakit na pinaramdam ni Travis sa akin biglang naglaho ng bigla dahil lang sa simpleng ginawa niya. 



"T." di ko napigilang bigkasin. Napansin ko ang pagkabigla nito at saka tiningnan ako. Naglaho ang ngiti sa mga labi nito at maging ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.



Biglang naglaho ang lahat ...



Tumayo ito ng tuwid at saka nag-iwas ng tingin. Napatulala ako sa biglaang pagbabago niya. Kanina lang parang sobrang saya niya dahil sa pagsipa ni baby, kanina lang nakaramdam ako ng konting pag-asa na baka nagbago na ito at tanggap na si Baby...



Pero bakit ngayon parang kulang nalang magsorry ito dahil nagkamali siya.



"I'm sorry about it. I'll go ahead." hindi na niya ako hinintay na sumagot at saka nilampasan ako at tuloyan ng pumasok sa loob.



Naiwan akong sobrang gulat at sakit ang naramdaman. Ang kaninang munting kasiyahan ay agad napalitan ng sobrang sakit. Totoo sigurong pag nakaramdam ka ng sobrang kasiyahan ay may kaakibat itong sakit. Dahil yun ang nararamdaman ko ngayon.



Biglang sumakit ang ulo ko dahil hindi ko na pinigilan ang tuloy tuloy na pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Napahagulhol na ako dahil sa sobrang kirot at sakit dahil sa umasa ako. Dahil sa naging masaya ako sa isang bagay na alam kong hinding hindi mangyayari.



Hindi ko na alam pero sobrang sakit at pighati ang naramdaman ko ngayon. Napahawak ako bigla sa ulo at tiyan ko ng sabay itong sumakit. 



"Aarrghhh!!!" hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon! Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit! Nanglalabo na rin ang paningin ko kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa upoan.



At mas lalong nanginig ang mga tuhod ko ng maramdaman ko ang munting likidong dumadaloy na ngayon sa binti ko. Nagsimula na akong kabahan.



"Ang baby ko!!!" sigaw ko at sinubukan kong humakbang para sana humingi ng tulong pero huli na ang lahat dahil bigla nalang nanglabo ang paningin ko at parang humina na ang buong katawan ko at bumigat. 

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon