"You can't stop the feelings you have for someone. You can't lie to yourself either. Your heart knows the truth too well."
TRAVIS' POV
I really need to leave pa-Hong Kong dahil sa problema na kailangan kong asikasohin dun. Gusto sana ni daddy na siya nalang ang pumunta dahil kailangan ako ni Audrey dito pero alam ko rin na kailangan siya ni mommy lalo na't may inaasikaso rin itong bagong branch sa Baguio. Kaya mas pinili kong ako nalang ang pumunta dahil alam ko naman na di nila pababayaan si Audrey dito.
Akala ko madali lang magpaalam kay Audrey pero nung binanggit ko na ang tungkol sa pag-alis ko at ng makita ang lungkot sa mga mata nito dun ko naramdaman ang feeling na hindi ko maipaliwanag kung ano.
Simula nung nagkaayos kami ni Audrey, yung dito na ako umuuwi at inaalagaan siya. Aaminin kong dahil talaga sa konsensya kaya ako nagstay dahil sinisisi ko yung sarili ko sa nangyari sa kanya. At natakot ako na maging dahilan na may mawala. Kaya ginawa ko ang lahat para malinis ang konsensya ko.
Pero lahat ng yun sa una lang ... di ko namamalayang kusang gumagalaw na ang katawan ko at isip ko na parang alam kong ito yung pinaka gusto kong gawin na hindi ako napipilitan dahil sa konsensya ko. Inaamin ko na hindi kami okay ni Kate sa mga araw na yun, sinusuyo ko ito pero sobrang tigas kaya pinabayaan ko na muna. Alam kong napapansin na rin niya na unti-unti akong nagbabago. Lagi akong distant sa kanya. Yung gusto niyang dun ako sa condo niya magstay pero lagi akong may excuse na kailangan kong umuwi dahil hinahanap ako ni daddy at dapat masiguro nilang kasama ako ni Audrey.
Marami na kaming lakad na di natutuloy dahil lagi akong may excuse para hindi sumama. Hindi ko alam kung bakit pero mas gusto kong kasama si Audrey kaysa kasama si Kate. Na alam kong mali dahil alam ko sa sarili ko na si Kate ang mahal ko.
Sa tuwing nasa bahay kami ni Audrey, dun ko siya mas nakilala. Never ko siya binigyan ng pansin, ang tingin ko lang sa kanya eh anak ng bestfriend ni daddy. Nothing more. Nakikita ko lang siya pag pumupunta ako sa bahay nila to have dinner dahil minsan dun na nag-uusap sila daddy tungkol sa business. Lagi lang itong naka-jeans at simpleng t-shirt o polo shirt ang suot at laging nakatali ang buhok. Idagdag na lagi pa itong may suot na eyeglasses. Pero kahit ganun napapansin ko pa rin ito dahil sa nahuhuli ko itong pasulyap-sulyap sa akin.
At hindi ko alam kung paano kami nagka-close ni Audrey. Yung siya na yung tinatawagan ko para pagsumbongan sa mga problema ko kay Kate. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat na lagi ko nalang siyang hinahanap pag di kami okay ni Kate. To the point I asked her a favor by using her to make Kate jealous para matauhan ito.
But it never happened ... Di ko alam pero noong nakita ko siya na pinaggugulohan ng mga reporters dahil nga sa kilala ang daddy ni Audrey not just bilang isang doctor kundi isang successful businessman, at alam ng publiko na may anak ito pero never nakikita sa mga parties o any social gatherings kaya sobrang highlight ang pagpunta nito sa anniversary ng kumpanya.
BINABASA MO ANG
He Used Me
RomansaShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...