"I fought for someone who will never fight for me."
Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako or should I say hindi talaga ako nakatulog. Paano pa ako makakatulog kung alam kong magkikita kami ngayon ni Travis. Matapos kong mareplyan si tita at sinabing pupunta ako ay hindi na talaga ako nakatulog. Pinilit kong iwakli muna si Travis sa utak ko pero sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko ay siya pa rin yung nakikita ko.
Hindi ko na namalayan at pasikat na yung araw kaya nagpasya nalang akong bumangon. Kaya ito at nagkakape ako para hindi ako antokin mamaya. Sanay na rin naman akong walang tulog.
Nakalublob ang mga paa ko sa swimming pool at nakaramdam ako ng konting kaginhawaan na bigay ng malamig na tubig mula sa pool. Kinuha ko ang telepono ko at saka tinawagan si Alex.
Matapos ang ilang ring ay sumagot ito agad...
"Good morning po, doc." Bati nito sa kabilang linya.
"Good morning, Alex. Any updates sa mga pasyente ko?" tanong ko dito.
"All is well, doc. Naghihintay nalang po sila ng go signal mula sa inyo para ma-discharge na."
"Good. I'll be there tomorrow. Kindly call me if anything important happens."
"Okay po, doc." Nagpaalam na ako dito at saka binaba ang telepono. Huminga ako ng malalim at saka pumikit habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Nakapikit pa rin ako ng makaramdam ako ng presensya sa likod ko at saka minulat ito at tiningnan kung sino. Napatayo ako ng makita si daddy.
"Dad?" may dala itong kumot na maliit at saka lumapit sa akin.
"Baka lamigin ka." Sabi nito saka pinatong ito sa mga balikat ko. Hindi ko pala sinuot ang robe ko kaya naka puting t-shirt na oversize lang ang suot ko at saka naka cycling pero dahil mahaba at malaki ang t-shirt parang wala akong suot na pambaba.
"Thank you po." Umupo ito sa dating inupuan ko at saka niloblob rin ang mga paa sa pool gaya ng ginawa ko. Tumabi ako kay dad at saka binalik ang pagloblob ng paa ko sa pool.
Walang nagsasalita sa aming dalawa at takot rin akong magsalita. Tumingin ako dito at kita kong sobrang lalim na iniisip nito habang nakatanaw sa malayo.
"I love you, iha. Alam mo yun diba?" biglang sabi ni dad at saka tumingin ito sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagod.
"Opo, and alam nyo rin naman po na mahal ko rin kayo." Sagot ko.
"Kahit hindi kita totoong anak, alam ko sa puso't isip ko na mahal kita bilang isang tunay na anak..." hindi ko alam kung bakit to sinasabi ni dad.
"Dad ..."
"Mahal mo si Travis, am I right?" nabigla ako sa tanong ni dad. Hindi ko inaasahang ito ang sasabihin niya.
"Dad ..." yun lang ulit ang nasabi ko.
"You love that man. The way you reacted when I mentioned his name, answers it all." Ngumiti ito at saka iniwas ang tingin sa akin.
"Mahal kita anak. Sobra. Ikaw nalang ang natitira sa akin kaya gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala." Nakaramdam ako ng sakit sa mga sinabi ni dad. Tumingin ito ulit sa akin at this time hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kusa ng tumulo dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata ni dad.

BINABASA MO ANG
He Used Me
RomanceShe broke him. I fixed him. She left. I stayed. He means the world to me but she means the world for him. I love him with all my heart but he loves her more. And because of that love I agreed to something I knew would break me over and over again. H...