CHAPTER 27

4.3K 58 18
                                        

"Even when I'm hurting so bad inside, I'll still smile and say I'm fine."



Matapos ma-check ni dad ang lahat ng results ng tests na ginawa sa akin at masigurong wala ng problema ay pinayagan na rin akong umuwi. Alam kasi ni dad na kahit isa akong doctor ayokong mag-stay sa ospital bilang isang pasyente.



Pero yun nga rin, complete bed rest muna ako for the whole week para masigurong wala ng problema dahil mas magiging delikado ang kalagayan ko ngayon lalo na't twins pala ang dinadala ko. Mas dobleng pag-iingat na ang gagawin ko ngayon.



Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at para akong baliw dahil nakangiti ako ng sobrang lapad habang hinahaplos ang tiyan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon sa mga nangyayari. Kahapon lang sobrang sakit ang naramdaman ko hindi lang physically kundi pati emotionally dahil sa ginawa ni Travis pero pagkatapos kong matulog ng almost 24 hours dahil sa nangyari nagising nalang ako na ganito na.



Hindi pa rin mapasok sa isip ko na nag-open up na si Travis. Hindi ako makapaniwalang nangyayari itong lahat at kasama ko na si Travis. Simula ng malaman namin na dalawa ang laman ng tiyan ko ay hindi na ito lumayo sa akin at sobrang pag-iingat ang galaw nito pagdating sa akin. Kahit nga pag-akyat sa akin dito sa kwarto ko ay akay-akay niya ako. Hindi niya ako pinayagang maglakad dahil baka mabinat daw ako at may mangyaring masama.



Hindi ko alam na mararanasan at makikita ko ang side na ito ni Travis. Hindi namin alam kong anong gender ng babies namin dahil mas gusto kong surprise na iyon para mas maexcite akong manganak. Mabuti at pumayag rin si Travis sa gusto ko kaya mas lalo akong naligayahan.



Nabaling ang atensyon ko sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako agad doon. Nagulat ako dahil iniluwa nun si Travis. Kahit sobrang seryoso ng mukha nito ay hindi ko pa rin maiwasang masiyahan dahil nakikita ko na ito ngayon. Pumasok na ito at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Umupo ito sa tabi ng kama ko at saka tiningnan ako ng maigi.



"Starting from now, you'll sleep with me in my room." diretsong sagot nito. Literal na napalaki ang mata ko sa pagka straightforward nito at hindi ko rin inasahan na yun ang sasabihin niya.


"Ha?"


"Doon ka na matutulog kasama ko. Hindi pwedeng naiiwan kang mag-isa lalo na ngayon at medyo delikado ang kalagayan mo." 


"P-pero T..." 


"No more discussion Aud, doon ka na simula ngayon. May pinapuntang mga yaya si mommy dito para may gumawa ng gawaing bahay sila na bahalang maglipat ng mga gamit mo sa kwarto ko."


Hindi na ako tumutol dahil alam ko naman sa sarili ko na gusto ko ang bagong setup namin ni Travis. Sino bang asawa ang hindi gugustohing makasama sa isang kwarto ang kanyang asawa diba?


At kailangan namin ito ni Travis para makapagsimulang muli. Kailangan ko ito para mas mapalapit ako kay Travis. Kaya nagpaubaya na naman ako sa kanya ng kinarga na naman niya ako para mahatid sa loob ng kwarto niya. Ng makapasok kami ay hindi ko maiwasang ipalibot ang paningnin sa buong kwarto.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon