CHAPTER 14

4.2K 56 6
                                    

Nagising ako ng maramdaman ang sobrang sakit na sinag ng araw na tumatama ngayon sa mukha ko.

Iminulat ko unti unti ang mga mata ko at saka nilibot ang paningin. Where am I? Yun agad ang pumasok sa utak ko. At saka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi.

Bigla akong napaupo sa kama at hinanap si Travis. Tandang tanda ko pa lahat ng nangyari kagabi. Saka wala sa sariling pinakiramdaman ko ang buong katawan ko.

At ng masigurong walang kakaiba ay napanatag ulit ako. Tiningnan ko ang suot ko ngayon at saka inamoy ito.

Travis ...

Pero bakit wala dito ang kumag na yun? Tumingin ako sa bedside table kung saan may alarm clock doon at napansing alas syete na pala ng umaga.

May nakita rin akong paperbag sa tabi nito at saka nilapitan at tiningnan ang laman. May nakakabit na sticky note kaya binasa ko.

Wear these. -T

Nilabas ko ang isang simpleng dress na stripes at namula ng makitang may kasama itong isang pares ng underwear mula sa isang sikat na brand... Victoria's secret.

Malamang maaga itong umalis kaya mas malaya na akong gumalaw ngayon dahil wala ito. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at saka nagsimula ng mag-ayos.

Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin sa loob ng banyo ni Travis.

Siya ba yung bumili nito? Sobrang iksi ang dress na pinili nito dahil hindi umabot sa tuhod ko. Hindi ako sanay sa mga ganito dahil mas madalas akong makitang nagsusuot ng jeans at simpleng tshirt lang. Kaya medyo di ako kumportable. At yung underwear na binili nito. Paano niya nalaman yung sizes ko?

Di kaya ... no way! Pinamulahan ako ng mukha sa mga iniisip ko kaya bago pa ako mabaliw dito ay lumabas na ako sa banyo at tiningnan ulit ang kabuohan ng penthouse ni Travis. Kasi hindi ko na alam kung kailan ulit ako makakabalik dito.

Ibang iba ito sa bahay niya. Malamang. Ang alam ko lang kasi ay pag ayaw ni Travis na magstay dun sa bahay niya ay dito ito pumupunta. At napansin ko rin na walang ni kahit isang bakas ni Kate dito sa kwarto niya.

Kaya napangiti ako dun.

Lumabas ako sa mini living room nito at tinungo na naman ang malaking glass wall na ngayon ay natatakpan ng malaking kurtina. Hinawi ko ito at mas lalong napangiti ng makita ang napakagandang view. Kitang kita mo ang mga naglalakihang buildings.

Umalis ako sa harap ng glass wall at saka nilibot ulit ang paningin sa buong sala. At dumako ito sa nag iisang picture frame na nakita ko dito.

It's a picture of a young Travis. Tantya ko mga 15 years old siya nito at nakasuot ng Taekwondo uniform, sobrang lapad ng ngiti nito habang hawak hawak ang gold medal na nakasabit sa leeg nito.

Isa na naman ito sa mga bago kong nalaman tungkol sa kanya.

Bago pa ako mawala sa tamang pag-iisip at magstay lang dito ay umalis nako.

Dumiretso na ako dito sa ospital pagkaalis ko sa hotel nila Travis. Hindi na ako nag-abalang magbihis dahil tinatamad na rin ako.

Habang wala akong ginagawa ay nakatambay lang ako dito sa opisina ko. Napadalhan ko na rin ng text si dad at sinabing andito ako sa ospital. Hindi ko na pinaalam sa kanya na hindi ako umuwi sa bahay.

May biglang kumatok sa pinto at iniluwa doon si Dylan.

"Hi. Nalaman ko mula kay Alex na andito ka kaya pinuntahan kita agad." masiglang bati nito sa akin.

He Used MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon