Chapter 6

68.6K 598 19
                                    

THIRD PERSON POV

Agad naming nag-empake ang mag-asawa ng mga gamit nila sa kwarto. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Zaira kung saan sila pupunta.

Bakit ba bigla akong hinatak ni Xander mag-empake ng gamit ?

At isa pa, bakit naman niya ako minamadali?

'Yan ang mga taong na nag-lalaro sa isipan ni Zaira. Nalilito rin siya.

"Uh, Xander saan ba tayo pupunta?"

"Dalian mo nalang dyan."

Imbes na mag-tanong pa, ay ipinagpatuloy na lang ni Zaira ang pag-eempake.A moment of silence went on habang nag-eempake ang dalawa.

Binuhat na lang bigla ni Xander ang bagahe ni Zaira at bumaba na... "Manang, pakisabi sa driver na ihanda na ang van, Medyo malayo ang pupuntahan namin ni Zaira." Utos ni Xander, habang buhat-buhat ang mga bagahe.

"Sige po, sir." Saka tinawag ni Manang ang driver at inutusan na ihanda na ang van.

Pag-karaan ng ilang minuto...

"Sir, handa na po ang van."

"Sige, Thank you po." Sabay hawak sa braso ni Zaira. "Tara na." at pinasakay na siya sa loob ng sasakyan.

Nasa likod si Zaira habang katabi naman ni Xander sa front-row seat ang driver.

"Manong, sa resthouse namin." Utos ni Xander.

Sabay arangkada na sila sa resthouse..

KINABUKASAN....

Mahaba talaga ang biyahe papuntang Vigan. Kaya inabot rin sila ng 8 hours, siyempre may stop-over din para i-refill ang gasolina.

Nagising si Xander sa init ng araw, Habang si Zaira ay mahimbing sa pag-kakatulog, Hindi maiwasan ni Xander na tignan si Zaira sa likod.

Hanggang sa nakarating na rin sila sa Vigan/ Resthouse of the Del Valle's.

"Sir, ma'am nandito na ho tayo."

Agad namang nagising si Zaira sa pag-kakasabi ng Driver... At agad nang bumaba ng van. Entrance pa lang ng bahay ay marami nang mga punong nakapalibot dito. Fresh Flowers, Healthy trees, Nag-gagandahang mga vines.

Napapikit si Zaira ng mga mata dahil sa sarap ng nararamdaman niya ngayon.

She feels... PEACE

Damang-dama niya ang nature.

"Wag ka ngang nakatulala diyan." Agad kinuha ni Xander ang bagahe ni Zaira. "Oh, heto buhatin mo." At saka binato ang mga bagahe kay Zaira at sinalo rin nito ng babae.,

At sinunod na ni Zaira ang asawa papunta sa loob ng bahay.

Pag-dating nila sa bahay ay umupo agad sila Xander sa sofa at kinuha ang isang magazine para basahin. Sa ngayon silang dalawa ang nasa sala.

Hanngang sa nag-initiate si Zaira na tumayo para mag-luto ng lunch si Xander.

"Sandali, lang Xander ah? Mag-luluto lang ng tang-halian natin."

"Dapat, lang kanina pa ako nagugutom."

Sa pag-kakasabi ni Xander ay agad ng tumakbo si Zaira papuntang kitchen para ipag-handa na ng makakain si Xander.

Kinuha na rin niya ang mga ingredients sa ref na kakailanganin.

Habang nag-luluto si Zaira ay bigla na lang pumunta si Xander at niyakap si Zaira..

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon