Chapter 36

46.9K 499 41
                                    

THIRD PERSON

THAT was just the starting point... Hindi pa nila alam kung anong pwedeng gawin ni Zaira. Parang paramdam lang 'yon eh. Kung baga parang ambon pa lamang 'yon at hindi ang malakas na bagyo. 

Malala kapag nagalit si Zaira. 

Wala siyang sinasanto... Walang kaibigan sa kanya. 

This is the new her. 

And it is going to be her... 

Bahala sila... Sila ang dahilan kung bakit nag-bago si Zaira at sila rin ang dahilan kung bakit lumabas ngayon si Zaira na ganyan. 

BINALOT siya ng galit... Buong pagkatao niya ay puno ng galit. Galit sa mga taong nanakit sa kanya. Galit sa mga taong nag-pahirap sa kanya. At higit sa lahat... GALIT sa mga taong sumira ng buhay niya... 

Para siyang sasabog... Gusto niyang mag-madali... She wants to wreck the neck of those people... Actually gusto na nga niyang patayin sila eh. This is now the result... The result that you have been waiting for... Kung sinira nilang ang buhay ni Zaira dati... Pwes MAS sisirain niya ang buhay nila.

Ipaparanas ni Zaira kung gaano kasakit ang traydurin ng isang kaibigan. At pinapangako niya sa sarili na luluhod silang lahat sa harapan niya...

One down... Three to go... Napa-luhod niya sa harapan niya si Lily... Crying for forgiveness at huminga pa ng sorry... How pathetic... Dahil kahit kailan hindi niya magagawang patawarin ang mga taong 'yon. 

They gave her so much PAIN... Then she will give them MORE pain... 

They gave her a DISASTER... Then she will give the most BALEFUL disaster. 

She was HOPELESS before... But now, she is full of hopes... FULL OF HOPES to destroy their fvcking lives... 

She was BROKEN before... But now, she will let them... she will LET THEM experience the feeling of being broken... 

HINDI niyo siya masisisi... Sobrang bigat ng mga pinag-daanan niya sa mga taong 'yon. 

And she is sure... She is going to purely enjoy this... 

TOTAL KATAPAT LANG NAMAN NG BAHAY nila Zaira sila Xander at Aubrey ay pwede sa kahit na anong oras ay pwede itong manggulo. And besides, hindi pa rin naman alam nila Xander at Aubrey na katapat lang pala nila ang bahay nila Zaira. 

Madalas rin na nakikita ni Zaira na mag-landian ang dalawa sa terrace. Pasimple siyang sumisilip paminsan-minsan... Pero, hindi niya alam... Walang epekto ito sa kanya. Nandidiri nga nalang siya sa nakikita. Minsan pa nga gusto na niyang barilin ang dalawa. Kaso, hindi pwede dahil may bata. Walang duda nga at kay Xander ang bata. 

Imbes na masaya siya sa dalawa ay galit ang nararamdaman... Galit na hindi selos... Kung hindi ang galit sa ginawa nila noon sa kanya. Her worst NIGHTMARE... Hinding-hindi niya makakalimutan lahat ng 'yon. Gusto niyang triplehin lahat ng mga sakit na binigay nila sa kaniya noon. 

Paano nga ba niya makakalimutan lahat ng 'yon? Isang taon na nag-hirap siya sa kamay ni Xander. Gusto niyang sakalin, sabunutan, at patayin si Xander ngayon. At higit sa lahat, kinamumuhian niya ito. 

HINDI niya gagamitin si Austin para pag-selosin si Xander... At hindi mangyayari 'yon. Kagaya nga ng sinabi niya. Hindi niya ginawang panakip-butas si Austin. At higit sa lahat... Masyado niyang mahal si Austin para gamitin ang lalake. 

= ========================================= = 

 .

"Mama!" tawag ni Aireen kay Aubrey. 

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon