THIRD PERSON
Sinimulan ng kumatok si Lauren sa kwarto ng tatlo pero walang bumubukas... Kaya, kinuha nalang niya ang spare key ng kwarto ng kwarto ng tatlo at binuksan.
Nagulat nalang siya sa pag-pasok sa kwarto ng tatlo.
"Yung totoo... Mga babae ba talaga sila?" tanong nalang ni Lauren sa sarili habang tinitignan ang buong kwarto ng tatlo.
Eh paano ba naman kasi... Nakakalat ang mga sinuot nilang kahapon na mga dress sa lapag at pati na rin ang mga sapatos nila na ang isang piraso lang ang makikita mo at nasa ibang side ng kwarto ang isang kapares. Ang lahat naman ng mga maleta nila ay naka-bukas at magulong-magulo ang mga damit na nasa loob.
Tulog na tulog ang tatlo... Si Del ay parang starfish ang itsura kapag natutulog at naka-nganga. Si Ivy naman ay kabaliktad ng posisyon sa pag-tulog ni Del. Samantala, si Lia naman ay fetus-style na naka-taas ang dalawang kamay.
"Tsk." dismayadong tinignan ang tatlo habang natutulog.
Isinarado na muna niya ang pinto ng kwarto para makasiguro na walang maririnig na ingay, at huminga ng malalim... "GISING NAAAAAAAAAAAAA!!!" malakas na sigaw ni Lauren para gisingin ang tatlo.
Pero, wala pa rin itong nagawa, dahil parang tulog mantika ang tatlo. Nasayang lang ang malakas na boses na nailaan ni Lauren.
"WAAAH! MAY SUNOG BA?!"
"BAKA... BAKA! MAY MAG-NANAKAW!!"
"HINDI!! BAKA ISANG HIRED KILLER!!"
LATE REACTION ang naibigay ng tatlo at ikinagulat naman iyon ni Lauren. Hindi naman pala sayang ang pag-sigaw niya 'di ba?
"Mga baliw! Ginigising ko lang kayo!" singhal ni Lauren.
"Ay! Ganun ba?"
"Sorry, hindi naman namin alam eh."
"Oo nga at paano ka ba naka-pasok dito?!"
"Tss.. Kinuha ko ang spare key malamang!" paliwanag ni Lauren, tinignan niya ulit ang buong kwarto. "At bakit ganito ka-kalat ang kwarto niyo?! You sure three are women?!" reklamo ni Lauren.
Sabay na nag-peace sign ang tatlo. "Hehe... uhh.."
"Hashtag... Medyo tamad eh!"
"Walang ganang mag-ligpit eh, hahaha!!"
Sabay na tumawa ang tatlo. Tinignan ni Lauren ang tatlo ng matatalas na titig. Saka naman napalitan ang tawa nila na may halong kaba ng tatlo.
Tinaasan ng kilay ni Lauren ang tatlo at saka nag-cross arms. "I WANT THIS ROOM TO BE CLEANED...
NOW!!" sigaw na utos ni Lauren sa tatlo.
"Oo na!"
"Sorry po!!"
"Right away ma'am!"
Agad na kumilos ang tatlo at niligpit din ang buong kwarto....
ILANG MINUTO din ang naka-lipas at tapos na rin sila sa pag-lilinis ng kwarto... Nakapag-ayos na rin sila ng kanilang mga sarili at lumabas na din sila kaagad at naabutan sila Zaira at Austin na nag-aalmusal na.
"Uy! Pag-kain!"
"Nom! Nom!!"
"Wahh! Italian breakfast!!"
Tumakbo ang tatlo sa kanilang upuan at sinimulan ng kumain... Umupo na rin si Lauren sa bakanteng upuan katapat ni Zaira.
"Oo nga pala, dadating na mamaya ang mga instructors niyo." panimula ni Lauren.
BINABASA MO ANG
Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)
General Fiction[The Architects Series: Xander Del Valle (part 1)] Despite of having a 'secret' fiancee, Xander Del Valle needs to obey and follow what his parents wanted for him. Marrying Zaira Garcia. But, he wouldn't make things easier for her. He'll make sure...