Chapter 33

46.5K 433 19
                                    

THIRD PERSON

AUSTIN was now awake... He can see right now na kayakap niya pala si Zaira sa kwarto nila ngayon... A smile was traced on his lips. Sarap na sarap siyang titigan ang babaeng pinakamamahal niya habang natutulog. Kahit sa iba pang mga ginagawa ni Zaira, sarap na sarap din niya itong titigan. Kung pwede nga na hindi na gumising si Zaira dahil gusto niya lang itong tignan lamang ng mag-damag. 

Hanggang sa na-realize niya na masaya niyang hinahaplos ang buhok ng babaeng mahal niya. Ang babaeng nag-bibigay sa kanya ng saya, ang babaeng nag-bibigay sa kanya ng pag-asa, ang babaeng minahal niya ng todo, ang kauna-unahang babaeng minahal niya, ang babaeng nag-papalakas sa kanya. 

Ilan lamang 'yan sa mga pwedeng ilarawan ni Austin kay Zaira. Mas gusto niya na siya ang unang magigising kaysa kay Zaira. Mas gusto niyang pag-masdan muna ang babae bago gumawa ng iba. Dahil minsan ay bumababa na si Zaira para mag-luto at nagigising nalang si Austin na wala na si Zaira sa tabi niya. 

Hindi niya akalain na dadating sila Zaira at Larzene sa buhay niya. It was all UNEXPECTED... Parang dati lang, binabanggit lang ni Lauren sa kanya si Zaira, pero hindi rin niya akalain na mahuhulog siya ngayon sa babaeng katabi niya ngayon. Binabanggit lang ni Lauren sa kanya si Zaira as his' sister-in-law. Tama naman 'di ba? Zaira is his sister-in-law... 

NARAMDAMAN naman ni Austin na gumalaw ng bahagya si Zaira... Naka-pikit pa rin ang mga magagandang mata nito. A smile was traced on his slips again... Gusto lang niyang pag-masdan si Zaira ng ganito... 

Such a beautiful morning... -Austin. 

"DAADDDYY!! MOOMMMYY!!" hindi namamalayan ni Austin na naka-pasok na pala ng kwarto nila si Larzene. 

Teka? Naka-lock yung pinto ah? -Tanong ni Austin sa sarili. 

Hindi rin maitatanggi na mai-ihalintulad rin ang boses ni Larzene sa isang megaphone kapag sumigaw.... Nag-simula nang tumalon-talon si Larzene sa kama para gisingin silang dalawa. 

"Good-morning, Baby!" sigaw kaagad ni Austin. 

Tumabi naman ang bata sa gitna nilang dalawa at tinapik-tapik ang pisngi ni Zaira. "Mommy?" 

"Don't disturb her, Baby... Maybe she's tired." bulong ni Austin sa bata. 

Hindi pinansin ni Larzene ang bulong na iyon at tinapik-tapik pa ulit ang pisngi ni Zaira. "Mommy... wake-up!" Gising pa ni Larzene sa kanya. 

Unti-unting idinilat ni Zaira ang kanyang mga mata at pumikit pa ng ilang beses, napa-ngiti siya ng una niyang makita ang anak niya. "Good-morning, Baby..." inaantok na sambit ni Zaira. 

"Mommy, when is our flight going to Philippines?" tanong kaagad ni Larzene. 

"I don't know yet, Baby... I think tita Lauren will book a flight for us today." sagot naman ni Zaira. 

"Ohh... Mommy, Daddy?!" 

"Yes, Baby?" sabay na tanong ng dalawa. 

"Is it beautiful there?" tanong ni Larzene. 

Hinaplos ni Zaira ang pisngi ni Larzene. "Yes, Baby... There are many places in the Philippines we can go." 

"Really? Mommy?! I'm really excited!" 

"Just to remind you Baby... Don't talk to strangers... Ok?" seryosong sinabi ni Zaira sa anak. 

"Yes, Mom!" 

Hindi talaga maaalis ang takot kay Zaira... Ayaw niyang mawala ang anak niya sa kanya. Pero, alam naman niyang nandyan si Austin para protektahan si Larzene kay Xander. Hindi rin kasi maiiwasan na talagang mas makapangyarihan si Xander kaysa kay Austin. Unang-una, si Xander ang ama nito... At pangalawa, asawa pa rin niya ito... At pangatlo, ang sakanya ay sakanya lamang... Hindi rin imposible na mangyari na pwedeng kunin ni Xander si Larzene mula kay Zaira. Mas mayaman pa rin si Xander dahil sa nag-daang limang taon pala ay tuluyan na siyang naging CEO ng DVG. 

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon