Chapter 45

39.3K 393 30
                                    

THIRD PERSON

"HINDI KO ANAK ANG NASA SINAPUPUNAN NOON NI AUBREY!!"

Umatras ng bahagya si Zaira dahil buong lakas na sumigaw si Xander sa harapan niya. Hindi pa rin nawawala ang takot niya sa lalake kahit ilang taon na ang nakalipas. Tuwing sumisigaw si Xander ay parang sasaktan ulit siya nito... And she doesn't want that tragedy of hers to be repeated again. NEVER AGAIN.

"What?" mahinahong sinabi ni Zaira.

Hinawakan ni Xander ang mga kamay ni Zaira at hinalikan 'yon. "Wife, believe me... Noong araw din na 'yon nalaman ko na hindi ko anak 'yon at nalaman ko rin na pinag-laruan lang niya tayo— ang marriage natin!" sabi ni Xander.

Kumalawa si Zaira sa hawak ni Xander at ngumisi hanggang sa ito'y naging tawa at hanggang sa tuluyan na siyang humagulhol sa tawa. "Hahaha! Seriously?! That was hilarious, Xander! Ahahaha! Is that some kind of lie you made?!" napahawak nalang si Zaira sa kanyang tyan dahil sa sobrang tawa.

"Zaira." malungkot na binanggit ni Xander ang pangalan ng asawa...

"Ilang pelikula ba ang pinanood mo at nakakuha ka ng mga linyang ganyan?!" Zaira was laughing as she utter those words. "Hindi ka 'man lang ba nag-isip ng ibang linya na mukhang kapani-paniwala?! How should I believe a demon like you?!"  

"Please, Zaira?"

"Hindi ba't 'yan ang gawain niyo?! Ang mag-sinungaling?! Walang duda nga, Xander! Demonyo ka talaga!" sarkastikong sinabi ni Zaira na naka-tapak na sa ego ni Xander.

He clenched his fists. Ngumiti nalang si Zaira sa nakita na galit na galit si Xander sa harapan niya. She doesn't care about it AT ALL. Why would she care? Does Xander even care for her?

NAG-LAKAD SI XANDER papalayo at siyempre, napapasama rin si Zaira dahil sa posas na naka-konekta sa kanilang dalawang kamay.

"XANDER! ANO BA?! STOP!" singhal ni Zaira pero patuloy pa rin siya sa pag-lalakad.

Halos matapilok si Zaira dahil masyadong mabilis mag-lakad si Xander. Hingal na hingal niyang sinundan ang lalake. "Xander! I said STOP! Can't you understand?!"

Tumigil nalang bigla si Xander at humarap kay Zaira. He went near her. Hindi magawang umatras ni Zaira dahil ginagamit ni Xander ang pwersa ng posas para hilain ito para hindi umatras ang babae. Hindi na siya nag-dalawang isip at hinalikan na niya ng tuluyan si Zaira sa kanyang mga labi.

Bumilog ang mga mata ni Zaira sa ginawa ni Xander at sinimulang suntukin ang mga matigas na dibdib ni Xander. "Mmm!— "

Hindi na nakapalag si Zaira dahil mas lalong hinigit ni Xander ang pagkakahalik sa kanya at sinamahan niya pa ito ng pagkakahawak sa bewang ng asawa. Gusto niyang maging kalmado si Zaira sa halik na binibigay niya ngayon. But he was just expecting.

Gamit ang isang kamay ay buong lakas na tinulak ni Zaira papalayo si Xander para itigil ang kahibangan na ginagawa sa kanya ni Xander. Diring-diri siya... After that, naka-tikim pa ng sampal si Xander mula kay Zaira.

"Nakakadiri ka! Bakit mo ginawa 'yon?!"

Lumapit si Xander kay Zaira pero umatras ang babae. "I love you, Zaira! Mahal na mahal!" buong sinseridad na sinabi ni Xander.

"Mahal?! Na halos araw-araw ay binibigyan ako ng mga pasa at sugat?! Mahal na tratuhin ba naman ako na parang katulong?! Mahal na halos ikahiya ako na asawa mo?! Mahal na iparamdam sa akin kung gaano mo ako kinasusuklaman?! Mahal ba ang tawag 'don kapag pinatira mo ang isang kerida sa bahay?! Mahal ba ang tawag sa nakikipag-talik sa kerida?!  Mahal na sabihan ako ng mga masasakit na salita?! Ngayon, Xander! Sabihin mo sa akin kung nasaan ang tinatawag mong MAHAL diyan!" mahaba pero puno ng hinanakit na sinabi ni Zaira kay Xander.

Nakita ni Xander ang mga luha na unti-unting pumapatak sa mukha ni Zaira. The pain that he has given to her was really worst. Parang mismo ang sarili niya ay hindi niya kayang patawarin ng dahil sa ginawa niya kay Zaira noon. Hindi lang masyado... SOBRA-SOBRA ang binigay niyang sakit kay Zaira. Kahit siya ay nasasaktan na rin dahil parang isang butil ng luha na pumapatak sa mukha ni Zaira ay parang isang higanteng itak ang tumutusok sa kanya.

Wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang yakapin ito. "I'm sorry... I am very sorry."

Kahit siya ay naiiyak na rin. Pero natigilan siya ng pinag-hahampas siya ng malakas ni Zaira braso. "Demonyo ka talaga! Wala kang awa! W-wala kang... A-awa!" Zaira cursed na mas lalong nagpa-hagulhol pa sa kanya sa iyak habang patuloy na hinahampas ang braso ni Xander.

Mas lalo nalang hinigpitan ni Xander ang pagkakayakap sa asawa at hinalikan ang buhok ng babae. "Kahit na ilang beses kitang pinagtulakan noon papalayo sa akin Zaira. Pero, sumuko ka e. Sumuko ka." Xander can still hear Zaira's sobs. "Pero sa labang ito. Ako ang hindi susuko, Zaira. Mas magiging matatag ako. Dahil may rason ako para ipag-laban ang marriage natin, Zaira." buong sinseridad na sinabi ni Xander.

Pinahid na ni Zaira ang mga luha na dumaloy sa kanyang mukha at hinarap si Xander. "'Wag kang mag-alala, Xander. Dahil darating rin sa punto na susuko ka. At kapag sumuko ka? 'Yon na siguro ang pinaka-masayang pangyayari sa buhay ko." Buong-buo na sinabi ni Zaira...."At isa pa. Pwede bang mawala ka nalang sa buhay ko? Si Austin na ang kinilalang ama ni Larzene!"

Muling nanumbalik ang galit ni Xander ng marinig niya ang huling sinabi ni Zaira. "Tulad ng sinabi ko kanina. May pamilya tayo Zaira. At isang malaking dahilan 'yon para ibigay  sa anak natin ang buong pamilya! Ayaw mo ba 'non, Zaira?"

"Mas mabuti pala na hindi nalang sana ikaw ang ama ni Larzene! Dahil kung ako nakakaya mong saktan noon ay baka pati si Larzene ay kayang mong saktan!" sigaw ni Zaira.

That was below the belt. Masyado nang masakit ang mga sinasabi ni Zaira at kanina pa siya dinudurog-durog. Pero imbes na lumaban ay pinili nalang ni Xander na manahimik at hinayaan na mag-salita si Zaira. Kahit gaano pa kasakit. Kaya niyang tiisin dahil kung ito lang ang paraan para mawala ang galit at pagkamuhi ni Zaira sakanya ay tatanggapin niya. Para hindi lang lumayo sa kanya si Zaira.

"I love you Zaira." ang tanging nasabi ni Xander.

Zaira looked at him with full of anger. "You should die!" sigaw ni Zaira.

Napayuko nalang si Xander sa sinabi ni Zaira. She really wants Xander to be out of her life and this world huh?

BUT is that an excuse to give up? Tulad nga ng ipinangako niya sa sarili niya. HINDI SIYA SUSUKO.

 

= ======================== =

A/N:

Five Chapters to go + EPILOGUE! 

#PLMAILY55


Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon