THIRD PERSON
Agad kinalimutan ni Zaira ang nangyari kahapon... Bigla niyang napag-tanto, na ipaglalaban niya ang pag-ibig niya kay Xander. As a WIFE-- AS THE LEGAL WIFE. Paninindigan niya ito hanggang sa huli. Hanggang sa kaya niya pa.
Sige, kayo nga... Kung mag-aasawa kayo, tapos nakalimutan ang kauna-unahang anibersaryo ninyo bilang mag-asawa anong mararamdaman niyo? Di ba MASAKIT? Tapos imbes na lumigaya kayo sa kaarawan na 'yon ay ikaw pa mismo ang mag-dudusa at higit sa lahat ang pag-dadala niya pa ng kerida sa mismong araw ng wedding anniversary niyo.
Yung tipong nag-halikan pa sa harapan mo at halatang enjoy-na-enjoy sa ginawa nila. Anong mararamdaman mo?! Isipin mo nalang ang sarili mo na pinagsasasak-sak ng ilang beses na kung sino man mga lalaking holdaper dyan. Ang hirap tanggapin na sa loob ng isang taon ay puro sakit lang ang nararamdaman mo kasama ang asawa mo...
Mag-asawa nga kayo pero sa papel lang... Pero hindi kayo nag-mamahalan ng tunay.
PILIT pa rin gustong makalimutan ni Zaira ang mga nangyari pero kahit anong gawin niya bumabalik lamang ito at patuloy na paulit-ulit na nag-lalaro sa kanyang isipan ang mga nangyari...
Bilang asawa ni Xander, siya ang may karapatan para halikan ito sa labi, siya ang may karapatan para hawakan ito at pagsilbihan ito at higit sa lahat siya ang may karapatan na pasiyahin ito... Hindi dapat ito makaranas ng kaligayahan kundi dapat sa piling lamang niya. AT WALA NANG IBA PA!
Kumikirot nanaman ang dibdib niya.. Agad naman niya itong hinawakan at pinahid-pahid ito ng madiin.
Gusto sana niyang bumaba pero parang may humihila sa kanya na 'wag bumaba... Tatayo na sana siya ng may narinig na nag-tatawanan sa baba.. Hindi siya madalas makarinig ng mga ganitong tawa tuwing siya'y nagigising.
Biglaang nanaman na sumakit ang ulo niya, hindi na siya nakatayo pa at hinawakan na lang ang ulo. Minasahe niya ito hanggang sa medyo humupa na rin ang sakit...
DAHAN-DAHAN siyang bumaba para hindi marinig ang foot-steps nito sa hagdan.
Mas lalo niya tuloy pinag-sisihan ang nakita... May mga maleta sa sala at mapag-hahalataan mo talaga na pang-babae ito. Apat na maleta ang kasulukuyang nakikita niya, may dalawang boxes din na malalaki.
"Oh god, Xander! Stop it! Ahahaha!!" malanding tunog ng tawa ni Aubrey...
Napalingon kagad siya sa nag-salita-- si Aubrey.. Kasalukuyang nag-kikilitian ang dalawa sa loob ng kusina at kitang-kita ito ng dalawang mata ni Zaira!
"Just wait here, Love, I'll get something..." paalam ni Xander kay Aubrey... Saka siya iniwanan sa loob ng kusina.
Bigla nalang nag-dilim ang paningin ni Zaira... Nang nakita niyang wala na si Xander ay sinamantala na niya ang pagkakataon na sugurin si Aubrey! Mabilis siyang nag-lakad papunta kay Aubrey at...
*PAK!*
"DON'T YOU DARE FLIRT WITH MY HUSBAND, AUBREY!!"
Malakas na sampal ang natanggap ni Aubrey mula kay Zaira... Nako, 'wag niyong gagalitin si Zaira! Napahawak nalang si Aubrey sa pisngi at tinignan ng masama si Zaira.
*PAK!*
Ginantihan naman ni Aubrey si Zaira.
"WHY?! ARE YOU JEALOUS?! IS IS IT BECAUSE XANDER DIDN'T TREAT YOU LIKE HE USED TO TREAT ME??!!"
*PAK!*
Saktong pag-katapos sabihin 'yun ni Aubrey ay ginantihan niya ito kagad ng isa pang sampal-- sampal na mas malakas kanina at mas madiin kaya halos matumba si Aubrey sa ginawa ni Zaira.
BINABASA MO ANG
Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)
General Fiction[The Architects Series: Xander Del Valle (part 1)] Despite of having a 'secret' fiancee, Xander Del Valle needs to obey and follow what his parents wanted for him. Marrying Zaira Garcia. But, he wouldn't make things easier for her. He'll make sure...