Chapter 46

39.1K 420 32
                                    

THIRD PERSON

HINDI AKALAIN NI AUSTIN na ganon kabilis kumilos si Xander. Inis na inis siya ngayon sa sarili niya dahil hindi niya akalain na magagawa 'yon ni Xander. Yes, he already knew na kinuha ni Xander si Zaira. Nakita nila ang CCTV footage mula sa labas ng kanilang bahay at nakita nga nila na si Xander ang kumuha kay Zaira noong umaga na 'yon habang dindiligan niya ang mga halaman...

Biglang nag-ring ang kanyang cellphone at agad din niyang sinagot ito. "Any updates?" Tanong niya kaagad sa isa sa mga kinuha niyang private investigators.

("I'm sorry Sir, pero hindi talaga namin ma-trace kung nasaan siya.")

Napatayo siya sa sobrang inis. "THE HELL?! Kung kailangan kong triplehin ang bayad sa'yo at sa mga tauhan mo gagawin ko! Basta hanapin niyo lang siya!" Singhal niAustin.

("Y-yes Sir...")

Inis na binagsak ni Austin ang cellphone sa sofa. Huminga nalang siya ng malalim para kahit papaano ay mabawasan ang pagka-dismaya niya. Napapikit siya ng mariin at humawak sa kanyang sentido, sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya naprotektahan si Zaira. He misses her so damn much...

"Kainis." Madiin niyang sinabi at saka umakyat sa kwarto ni Larzene.

Pero bubuksan niya palang ang pinto ay naririnig na niyang umiiyak nanaman si Larzene. Pumasok na siya ng kwarto ng bata. "Baby?"

Sinundan ni Austin ang iyak ni Larzene at nakita niyang kayakap ng bata ang isang stuff toy at patuloy sa pag-hikbi. Agad niyang binuhat si Larzene at hinalikan sa pisngi.

"Is Mommy h-home?" Tanong ng bata habang umiiyak.

"Let's wait for her, Ok?" Sagot ni Austin.

Mas lalong umingay ang kwarto dahil umiyak pa ng mas malakas si Larzene at niyakap si Austin. "I want Mommy!"

"Sshh... Baby—"

"F-find her Daddy! I miss Mommy!"

Pina-upo ni Austin si Larzene sa gilid ng kama at tumabi sa kanya. "I'm trying my best, Baby."

"Then try it harder, Daddy! I want Mommy h-home!" Iyak pa ni Larzene.

Tumayo si Larzene para yakapin si Austin. "She will come back, Baby."

Hindi pa rin tumigil sa kakaiyak si Larzene. "Does Mommy h-have another man?"

Austin stiffened; he just kissed Larzene's forehead "None, Baby." Simpleng sagot ni Austin.

"I want Mommy, home!" Iyak pa ulit ni Larzene.

Agad naman na bumukas ang pinto at pumasok si Lauren. "Kuya." Tawag niya.

"Oh?"

"Parang alam ko na kung saan pwede dalhin ni Xander si Zaira."

Saktong pagkarinig ni Austin 'yon ay agad siyang nabuhayan. "Name it, we'll come there."

Hinalikan muna ni Austin sa noo si Larzene bago sumama kay Lauren. Sumakay na sila ng kotse at pinaandar na ni Lauren ang sasakyan dahil siya lang ang nakakaalam kung saan ang lugar na 'yon.

= ============================ =

"Kumain ka na, Zaira." Binigay ni Xander ang isang plato kay Zaira.

Inis naman na kinuha ni Zaira ang pinggan pati na rin ang kutsara at tinidor ng isang kamay. "Pwede ba? Tanggalin mo muna itong posas na naka-kabit sa atin para makakain ako ng maayos?" Mataray na sinabi ni Zaira. "Bwisit." Reklamo niya pa.

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon