Chapter 41

44.3K 476 57
                                    

THIRD PERSON


"Eh bakit ka pa kasi nakipag-suntukan kay Xander?!" tanong kaagad ni Zaira pag-dating nila sa bahay.

"Ayaw niyang pirma— Fvck!"

"Ay sorry! Hon! Sorry! Sorry! Nadiinan ko ata! Sorry!" hinipan ng malakas ni Zaira ang kamay ni Austin na kasulukuyang ginagamot niya. "Sorry! 'Yan kasi eh! Pinatulan mo pa!"

"The fvck I care. Para matauhan din 'yong bastardo kong kapatid." Maanghang na sinabi ni Austin.

"Pati tuloy yung gwapo mong mukha may pasa na rin!" hinarap ni Zaira ang mukha ni Austin para lagyan ng gamot.

"'Wag masyadong madiin... Masakit."

Bawat pahid ni Zaira ng cotton na may laman na alcohol ang mukha ni Austin ay pinapalayo ng lalake ang mukha niya. "Lumapit ka! Hindi pa nalalagyan ng gamot ang iba oh!" reklamo ni Zaira.

"Mahapdi ka gumamot, Hon."

"Sama mo! Pasalamat ka ginagamot kita!" pag-tatampo ni Zaira.

"Ang bigat pa ng kamay mo."

"Hon naman eh! Inaasar mo nanaman ako! Oo na! Dadahan-dahanin ko na!" sigaw ni Zaira.

"Sumisigaw ka nanaman."

Huminga ng malalim si Zaira at lumapit kay Austin. "I love you, Honey..." malambing na sinabi ng babae.

"Hindi gagana sa akin 'yan." Malamig na sinabi ni Austin.

"Hon! Kasi! Mahal na mahal kitaaa." Lumapit si Zaira at hinalikan si Austin sa labi.

"Better." Ngumiti naman si Austin. "I love you more, Hon."

Nag-patuloy nalang ang dalawa sa pag-lalambingan habang ginagamot ni Zaira ang mga sugat ni Austin.

= ======================================== =

 

"PIRMA." Utos ni Austin kay Xander at kinuha ang folder at binuksan ito.

"ALIS." Matigas na sinabi ni Xander.

"Gusto mo na talagang mamatay?"

"Akin na muna ang pamilya ko."

"Talaga bang hindi ka pa natatauhan?! Mga magulang na mismo ni Zaira ang humihiling ng annulment!" pag-titimpi ni Austin.

"Whatever it takes... I will not fvcking sign it, Kuya!" pag-mamatigas naman ni Xander.

"Kuntento na sila Zaira at Larzene sa akin, Xander!"

"Ibigay mo na saakin ang pamilya ko!"

"In your wildest dreams... Brother." Sarkastikong sinabi ni Austin.

"Ibigay mo sila sa AKIN... Kuya." Ganti ni Xander.

"Pirmahan mo na." inabot ulit ni Austin ang folder.

"In your wildest dreams too." Seryoso pero asar na sinabi ni Xander sa kapatid.

Umiling-iling si Austin at pilit na kinokontrol ang galit. "FVCK! Inuubos mo ang pasensiya ko, Xander! Just sign it!"

"Inuubos mo din ang pasensiya ko, Kuya! I said, NO!" sigaw ulit ni Xander.

Galit na kwinelyuhan ni Austin si Xander. "Masyado akong maraming nagawa sa kanila para hindi sila bumalik sa'yo, Xander; At sapat na dahilan ang mga 'yon para hindi babalik sa'yo si Zaira at hindi ka rin dapat kilalanin ni Larzene bilang tunay niyang ama." Mariin na sinabi ni Austin at binitawan si Xander.

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon