ATTENTION!
I really appreciate all the comments for the survey Dears! Grabe, yung iba- imbes na mag-comment, nag-pm nalang sa akin kung kaninong team sila with SUPER DUPER LONG REASONS.
PERO, as I've said... Ang kailangan ko ay DAHILAN. Medyo na-dissapoint lang ako sa KARAMIHAN na nag-type lang ng simpleng "zx" or "za" saan ang points dun? Walang explanation. Kaya nga sinabi ko na- kumbinsihin niyo ako 'di ba? :)
THIRD PERSON
"Sorry, Kuya, akala ko dito sila pwedeng mahanap." pahayag ni Lauren.
Nandito na kasi sila sa Rest House nila sa Vigan. Ito lang kasi ang pwedeng maisip ni Lauren na madadalahan ni Xander si Zaira. Unfortunately, nabigo sila.
Napasabunot nalang si Austin sa buhok niya. Dismayado siya. Natataranta na rin siya. Alalang-alala na rin siya. He kept on blaming himself dahil sana sinamahan niya noon si Zaira sa labas ng bahay. Masyado palang ma-utak si Xander.
"It's ok, Lau... Naunahan lang ako, fuck." Napa-upo si Austin sa isa sa mga sofa doon at dismayadong napa-buntong hininga.
"Our little brother is very tricky, you know..." sabi ni Lauren at umupo sa kabilang sofa at nilibot ang paningon sa buong rest house. "...I kinda miss this place." sabi niya.
"Ano bang meron sa lugar na 'to?" takang tanong ni Austin sa kapatid.
"Noong bumalik ako, ito ang naisipan kong puntahan muna pero, hindi ko rin naman aakalain na nag-babaksyon sila Zaira at Xander dito, Kuya." Paliwanag ni Lauren.
"Really?" sabi ni Austin at mukhang interasado sa sinabi ni Lauren.
"Yup. Ang akala ko nga noon e, masaya na sila sa marriage nila- pero isang araw nalaman ko pala na- 'yon." nag-aalangang sabihin ni Lauren.
"Bwisit." Ang tanging nasabi nalang ni Austin sa sarili.
Dahil walang nadatnan... Umuwi nalang sila at bigo pa rin na mahanap kung nasaan ang kinaroroonan nila Zaira at Xander.
= ======================== =
"Phone." Maikili pero mataray na sinabi ni Zaira.
"No." maikli rin at matigas na sinabi ni Xander.
"Pahiram lang naman, Xander!"
"At ano? Tatawag ka kay Austin?! Zaira naman... Wala pang isang lingo." Reklamo ni Xander.
"Impyerno na ang buhay ko dito! Lalo na at kasama ko ang isang demonyong katulad mo!"
Kailan kaya mahahanap ni Zaira ang kapatawaran sa puso niya? Pumikit nalang ng mariin si Xander sa sinabi ng asawa, at piniling itikom ang bibig.
Isang linggo na niyang tinitiis lahat ng mga masasakit na sinasabi sa kanya ni Zaira. At sa loob ng isang lingo na 'yon ay pinipili nalang niya na tumahimik at tiisin lahat ng mga binabato sa kanya kahit masakit. NOW, the tables were turned. Siya naman ang mag-titiis para makuha ULIT ang pag-mamahal ni Zaira na dating nasa kanya. He wants Zaira's feelings for him to be back. At gagawin niya ang lahat.
"Matulog ka nalang, Zaira... Gabi na." utos ni Xander.
"How would I sleep?! Kung alam kong nasa tabi-tabi lang ang isang demonyo?!" singhal ni Zaira.
Binilhan ni Xander ng mga damit si Zaira na kasya sa isang buwan. Pati na rin siya kanina ay bumili na rin ng mga damit niya. Pero bago pa siya umalis kanina ay kinadena na muna niya ang mga kamay ni Zaira, para hindi ito makatakas. Kailangan lang niya talaga itong gawin para sa plano niya.
BINABASA MO ANG
Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)
General Fiction[The Architects Series: Xander Del Valle (part 1)] Despite of having a 'secret' fiancee, Xander Del Valle needs to obey and follow what his parents wanted for him. Marrying Zaira Garcia. But, he wouldn't make things easier for her. He'll make sure...