Chapter 26

47.9K 468 27
                                    

THIRD PERSON

GABI na, Halos lahat ng tao ngayon dito sa kanilang subdivision ay natutulog na, eh paano kasi mga 11:30 p.m. na. Kinuha na niya ang kaniyang mga maleta at nag-simula ng mag-empake sa guest room. 

WALA siyang ititira kahit ni isa sa mga gamit niya. Pero iisang bagay lang ang maiiwan niya dito-- Ang wedding ring nila ni Xander. Ang wedding ring na kailanman hindi isinuot ni Xander sa harapan niya. Sinusuot lamang niya ito 'pag nasa harapan ng mga magulang nila. 

She took a last glance at their gold wedding ring at itinapon nalang ito sa sahig. At itinuloy ang page-empake ng kanyang mga gamit. 

Kanina pa naka-balik si Lauren at sinabi kay Zaira na naka-handa na ang private plane na sasakyan nila. In Italy... there, she will start a new life. Buti nalang at tutulungan siya ni Lauren. 

May karapatan pa ba si Xander para alamin na aalis na sila? 

Umiling-iling na lang siya at patuloy na nag-empake. Sana nga mas masaya si Xander oras na iwanan na niya ito. 

Ang mga magulang lang ni Zaira ang hindi pwedeng maka-alam na aalis siya. Kung 'di, mawawala ang partnership. 

Huminga siya ng malalim... She can't believe it, aalis na siya at wala ng atrasan 'to. She's going to change and fix her life for good. Ano pa nga ba ang purpose niya para ipag-laban pa si Xander? Wala na 'di 'ba? Buntis si Aubrey, and that stupid, fvcking reason is very enough to leave those two alone. 

Magkaka-roon na sila ng PAMILYA... Bakit pa siya eepal? Mas malaki ang rason nilang dalawa para mag-sama dahil bumubuo na sila ng pamilya. Eh si Zaira? Wala. Hiniling niya na sana siya nalang yung nabuntis, hindi si Aubrey. 

Pero wala eh... Ma-swerte si Aubrey dahil siya ang babae na makakasama ni Xander habang- buhay. 

Ang sakit noh? Malaman mo nalang sa isang iglap na may nabuntis na iba ang asawa mo. Pero hanggang kailan nila ito kayang isikreto? Walang sikreto ang hindi nabubunyag. 

GARCIA? DEL VALLE? ARSENAL? Wow, three big names when it comes to Architectural Business. Tatlong pangalan na magkaka-laban dati. Pero naging dalawa nalang dahil sa pag-merge ng DEL-VALLE at GARCIA. Na ngayo'y tinatawag na D.V.G.G.C. (Del Valle-Garcia Group of Companies). Ang tanging kalaban na lamang ng DVG ay ang A.C. (Arsenal Corporation). Ang kompanya nila Aubrey. At magiging habang-buhay na magka-kompitensiya. 

Ano ang mang-yayari kapag nalaman ng mga magulang nila Xander at Aubrey ito? 

Mag-tatago pa ba sila? Kaya bang gumawa ni Xander ng mga palusot? Ilang taon kaya mag-tatagal si Zaira at Lauren sa Italy? 

"You, ready?" hindi niya namamalayan na naka-pasok na pala si Lauren sa guest room at dala-dala ang kanyang mga maleta sa likod niya. 

Isinara na niya ang huling zipper ng isa sa mga maleta niya at bumaba na sila. 

TINULUNGAN sila ng mga katulong sa pag-baba ng mga maleta nila. Tahimik nilang ginawa 'yon. May naka-abang na rin na taxi sa labas para maihatid na sila sa airport. 

Nilagay na nila ang kanilang mga maleta sa likod ng taxi. Unang sumakay si Lauren. Zaira took a last glance at their house. 

Ang bahay ang tanging witness sa lahat ng pang-yayari... Marami... marami siyang karanasan doon na hindi maganda. Masakit aalahanin, masakit tanggapin, masakit sa puso, hindi magandang pag-usapan. Ang bahay lang ang natatanging nakakita ng mga 'yon, ng LAHAT ng mga ginawa sa kanya ni Xander. 

"Hey, Zaira?" Zaira got back to her senses when she heard Lauren called her. 

Hindi nalang umimik si Zaira at sumakay na ng taxi. Nag-paalam na rin sa kanilang ang mga maids ng bahay nila at pumasok na. 

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon