THIRD PERSON
LAHAT NG KASAMA NI ZAIRA ay tulog na at nanatili siyang gising... Gabing-gabi na pala... Lumabas siya sandali para magpa-hangin. Umupo siya sa isa sa mga benches sa harapan ng bahay at tinignan ang buong paligid— Ang bahay sa harapan nila at ang mga halaman sa paligid niya.
Tumingala siya para pagmasdan ang mga bituin... Agad na naipinta ang ngiti sa kanyang mga labi. "Good-evening..." sambit niya sa kanyang sarili.
ILANG SANDALI PA ay may nakita siyang pinarada na kotse sa harapan ng bahay nila dati. Agad niyang sinilip ang nasa loob— Hindi naman tinted ang bintana ng kotse kaya nakita niya kaagad na si Xander ang nasa loob ng kotse. Nang pinatay na niya ang makina ng kotse ay nakita na niya itong bumaba sa kanyang kotse.
He was bleeding! There was blood from all over his left side of his head!
Agad na napatayo si Zaira at nilapitan si Xander. "X-Xander?! Ok ka lang ba?!" tarantang tanong ni Zaira.
Tinignan ni Zaira si Xander mula ulo hanggang paa. His right shoulder was also bleeding. Nagulat nalang siya ng biglang niyakap siya ni Xander using his right hand. "N-napirmahan ko n-na... Zaira..." Xander said weakly as he utters those words.
Imbes na saya ang mararamdaman ni Zaira ay parang may humahadlang para maramdaman niya 'yon. "S-salamat..." wika naman ni Zaira.
"G-gusto ko ng second chance Zaira... P-pero, a-ayaw mong ibigay." sabi ni Xander at saka niyakap pa ng mas mahigpit si Zaira.
"A-ano bang nangyari sa'yo? B-bakit ka duguan?" pag-iiba ni Zaira sa usapan.
"Pina-bugbog ako ng mga m-magulang mo, Zaira." nanghihinang sinabi ni Xander.
Agad na nagulat si Zaira sa sinabi ng binata. "WHAT?!" agad siyang kumalas sa yakap ni Xander at inalalayan ito.
"P-paraan daw nila 'yon para m-maranasan ko daw kung g-gaano kasakit ang m-masaktan." Halos pabulong na binigkas ni Xander ang mga salita na 'yon.
Hindi na naka-tiis si Zaira at inalalayan si Xander papasok sa bahay. "H-hindi nila magagawa 'yon, Xander!" pag-tatanggol ni Zaira ng maka-upo na sila sa sofa.
===
PAG-KATAPOS NA PIRMAHAN NI XANDER ang annulment papers ay agad na umalis ang mga tao sa kanyang paligid...
Nang biglang may narinig siyang nag-salita. "Make him suffer." Narinig niyang huling nag-salita si Mrs. Garcia at narinig niyang sinaradona pala ang pinto.
Tatayo na sana siya ng biglang may kumuha sa kanyang kwelyo at pinag-susuntok sa mukha. Mga nasa limang maskuladong lalake ang mga sumuntok na sa kanya at para bang walang sawang pinag-susuntok si Xander hanggang sa napadapa na siya sa sahig.
"S-stop!" he begged.
Pero mukhang hindi siya naririnig ng limang lalake at patuloy siyang pinag-susuntok. They won't stop until he was near his death...
Pinikit na lamang ni Xander ang kanyang mga mata at iniinda pa rin ang sakit."I'm sorry... Zaira..." ang tanging nabanggit niya.
ILANG ORAS na rin ang naka-lipas at nagising si Xander dahil may bumukas ng ilaw. Ganon pa rin ang posisyon niya he was lying on the floor with blood all over his body. Hinang-hina siyang tumayo...
BINABASA MO ANG
Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)
General Fiction[The Architects Series: Xander Del Valle (part 1)] Despite of having a 'secret' fiancee, Xander Del Valle needs to obey and follow what his parents wanted for him. Marrying Zaira Garcia. But, he wouldn't make things easier for her. He'll make sure...