Chapter 27

46.5K 445 25
                                    

THIRD PERSON

"Girls, ang panganay sa magka-kapatid na Del Valle... Meet my kuya, Austin Zach S. Del Valle." nakangiting pagpa-pakilala ni Lauren sa kapatid.

"WHAAAAAT?!" sigaw ng tatlo.

"Tatlo kayong magka-kapatid?!"

"How come?! Hindi namin ito alam?!"

"Eldest brother?!"

"KYAAAAA!!!" sabay-sabay na sigaw ulit ng tatlo.

"Tsk, 'wag maingay!" naiiritang sigaw ni Lauren. "By the way, Kuya... Sila Del, Ivy at Lia ang magka-kapatid na Perez."

Kumikislap na mga mata habang inaalay nila ang kamay kay Austin.

"And Kuya, siya nga pala si Zaira." pagpapa-kilala naman ni Lauren kay Zaira.

"N-nice meeting you po." inalay ni Zaira ang kamay kay Austin at tinanggap naman iyon ng binata.

"So, she is the one that you've been talking about, huh?" tanong ni Austin.

"Yes, Kuya." sagot kaagad ni Lauren.

"Our little brother's wife, eh? Pleasure to meet you." nakangiting sinabi ni Austin kay Zaira.

"A-ako rin po..." nahihiyang sinabi ni Zaira kay Austin.

"Please, make yourselves at home here." sabi naman ni Austin sa apat.

"Definetely!"

"Sure!"

"Ofcourse!"

Tuloy-tuloy na sagot ng tatlo.

= ======================== =

"Na'ko girl! Ikaw na talaga ang swerte!!"

"A-ako? Swerte? Tss." dismayadong sagot ni Zaira.

"Hindi mo ba nakita?!"

"Ano ba ang dapat makita?" nalilitong tanong ni Zaira.

"Slow poke... Tsk."

"Eh, ano nga 'yon?" tanong ulit ni Zaira.

"KUNG PAANO TUMINGIN SA'YO SI AUSTIN ZACH S. DEL VALLE!!!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

Buti na lamang ay nasa kwarto silang apat at soundproof pa ito. Buti na lang ay hindi iyon maririnig sa labas.

"Iba na talaga appeal mo, Zaira!"

"Oo nga! malay mo si Austin talaga ang lalake para sa'yo!"

Nagulat naman si Zaira sa pinagsa-sasabi ng tatlo. "Umayos nga kayo!"

"Yieeee! Si Zaira oh!"

"Alam mo, bet ko siya para sa'yo!"

"Ako rin! Ako rin! Sayang lang, hindi napansin ni Austin 'yung ganda nating tatlo!" dismayadong sigaw ni Lia.

"Magsi-tigil nga kayo! Hindi magandang biro 'yan ah!" Zaira said in warning tone.

"Oh... Sorry! Sorry!" itinaas ni Del ang kanyang dalawang kamay na para bang may kasalanan.

"Pero... Pansin ko lang, mas gwapo siya kaysa kay Xandemonyo! Ahahaha!"

"Uy! Gusto ko 'yan ah! Xandemonyo! Hahaha!"

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon