Chapter 50

64.5K 622 85
                                    

ANNOUNCEMENT!

Sasabihin ko muli, ang panalong Team ay malalaman sa EPILOGUE/ ENDING/ KATAPUSAN.

#PLMAILYLastChapter

 

THIRD PERSON POV

AGAD din na ipinikit ni Xander ang mga mata nang subukan niyang buksan ito. Masyadong maliwanag ang araw na tumatama sa kanyang mga mata ngayon.

Hinang-hina siyang tumayo at agad na nag-tungo sa lababo para basain ang kanyang mukha. He inhaled deeply. Wala na. Walang-wala na. It is his damn fault kung bakit tuluyan nang nawala sa kanya ang kanyang pamilya.

A total LOSS... Malaking kawalan sila Zaira at Larzene sa kanyang buhay. He couldn't even imagine a second, a minute, an hour, a day, a week, a month or even a year without them.

Mas mabuti nang mamatay pa siya kaysa sa mabuhay siya na wala na ang pamilya niya...

Maraming SANA...

Sana... hindi nalang niya sinaktan si Zaira.

Sana... Nakuntento nalang siya kay Zaira.

Sana... Inamin nalang niya noon na mahal na niya si Zaira.

At higit sa lahat... Sana hindi nalang niya pinakawalan ito.

"Sobrang mangunglila ako sa'yo, Zaira." Sambit niya at tumulo nanaman ang isang butil ng luha.

"Ang pag-hahanda ng susuotin ko papunta sa opisina..." sabi niya pa.

"Ang pag-luluto ng agahan, tanghalian at hapunan maski meryenda para sa akin ay talagang mangungulila ako."

"Pati na rin ang pagbati mo sa akin ng 'good-morning' o 'di kaya'y 'good-night' ay gusto ko pang marinig."

"Pero... Hindi ko na ata maririnig mula sa'yo 'yon... K-kasi—" napa-tigil siya sa pag-sasalita at umiyak...

He is a man... Pero iba na talaga kapag lalake na ang umiyak, hindi ba?

"K-kasi... Pinakawalan kita! Puta!"

Hindi na makontrol ni Xander ang sarili at sinimulan na niyang mag-basag ng mga kung ano 'man ang makita niya sa loob ng banyo, na kahit pa ang salamin ay bumigay na rin sa sobrang gigil niya. Nakakabingi ang tunog ng nababasag na mga babasagin at iba pa. Ang gusto lamang niya sa ngayon ay ang mag-labas ng sama ng loob.

Napuno na ng dugo ang kanyang dalawang kamao.

He really is depressed right now. Wala na. Wala na. WALA NA TALAGA!

"You might have moved on but Wife but, you should know! Ikaw pa rin talaga!"

HE ATTEMPTED to call Zaira's phone... ("Xander—")

"Zaira, p-pwede bang..."

("Pwedeng... Ano?")

"I want you to tell Larzene that I am her real father... Please,  Zaira!"

("WHAT?!")

"S-sige naman Zaira... I want to hug and kiss my daughter!"

Narinig ni Xander na huminga ng malalim si Zaira mula sa kabilang linya. ("K.") matipid na sagot ni Zaira.

Full of hopes were painted in his eyes. "Thank you, Zaira! Thank you."

Binaba na rin niya ang tawag at saka nag-palit.

YES. He was planning to bond with his daughter. Gusto niyang kilalanin ang anak ng lubusan.

===

Please Love Me As I Love You (The Architects Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon