Lienne
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Tinignan ko ang orasan na nasa bed side table. Past 10 na pala ng umaga. Buti nalang at wala akong pasok sa opisina ngayon. Kinapa ko ang cellphone na laging nasa tabi ng unan ko kapag natutulog ako pero wala akong makapa.
Agad akong napatingin sa kumot na nakabalot sa aking katawan. Babangon na sana ako subalit hindi alintana ang sakit ng buo kong katawan. Konting galaw ko lang ay mapapangiwi na ako sa sobrang sakit.
Muli inilibot ko ang paningin sa paligid, hindi ko silid ito. Siguro nga ay nasa isa akong silid ng isang mamahaling hotel base sa design ng buong kwarto.
Muli inalala ko ang kaganapan kagabi. That was a totally blured for me.Hindi ko kilala ang lalaking nakaniig ko ng buong gabi ni pangalan nito wala akong kaalam alam. Ang alam ko lang ay ang gwapo nitong itsura.
"Oh god." Nasambit ko nalang sa aking sarili. Mabilis kong pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Agad kong tinungo ang banyo at makapagbihis na.
Lilisanin ko na sana ang lugar na iyon. Subalit nahagip ko ang sulat na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at may tseke pang nakaipit dito.
"Thank you for tonight. That was totally great. I hope we will see again. I'm willing to pay how much price on the service that you may offer. My payment is in there."
-Sean.Tuluyan na akong napaiyak sa nabasa. So after that night ang tingin niya lang pala sa akin ay isang bayarang babae. Agad kong pinunit ang tseke kasama narin ang sulat ng kung sino mang Sean na yun. Gwapo siya pero yung ugali ang pangit kaya pangit parin.
Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Ang gaga ko naman. Hindi porke gwapo sinasamahan. Iniyak ko lahat. Pinangako ko na kahit anong mangyari never na akong iinom ng alak.
Pakiramdam ko napakadumi ko ng babae. Wala na akong maipagmamalaki sa lalaking mamahalin ko kasi naibigay ko na sa hindi karapat-dapat. Nasaan na yung pangako ko sa sarili ko na hindi ko kanino man ibibigay ang bataan kundi sa taong makakasama ko lang sa buong buhay ko.
Wala na.
Ang gaga ko talaga.
Sa huling pagkakataon nilibot ko ang aking paningin sa kwarto at hindi nakatakas ang mantsa na naiwan sa kama. I decided to leave, wala na akong dahilan para manatili pa sa lugar na ito. Pinagsisisihan kong uminom ako ng alak, pinagsisisihan kong hinalikan ang lalaki na iyon.
Pinagsisisihan kong sumama sa estranghero at mas lalo akong nagsisi na inalay ko ang virginity ko sa lalaking walang kwenta. Alam kong kasalanan ko rin ito. Napaka walang kwenta kong babae. Tinungo ko ang pinto at tuluyang nilisan ang lugar na iyon ng luhaan at punong puno ng pagsisisi.
Isipin ko nalang na hindi ito nangyari. Kahit alam ko naman sa sarili ko na meron talaga.
---
Short chapter.
