LienneKinabukasan maaga kaming gumising ni Mat. Pinasyal ko siya sa bukid na sinasaka ni tatay. Pinakita ko sakanya kung ano ang ikinabubuhay namin rito sa probinsya. Sinamahan naman kami ng dalawa kong kapatid dahil mamimitas sila ng gulay. Tinuruan nila si Mat. Sinabi kong wag nalang at baka katihin siya. Hindi pa naman siya sanay sa mga ganito, kaso mapilit siya. Gusto niya raw matuto. Hinayaan ko nalang.
"Wag mo akong sisihin pag kinati ka mamaya. Sasapukin ko yang ulo mo." sabi ko sakanya habang pauwi na kami.
"I can handle it baby don't worry." panigurado niya naman sa akin.
Dumating kami na handa na ang agahan. Nagulat pa si Mat ng lahat kami ay naka kamay kung kumaen. Nakisabay rin. Tinuruan naman siya ni Andres kung papaano. Tuwang tuwa naman yung mga magulang ko sakanya.
Maya maya ay nagsi datingan na yung mga bata. Ako naman ang nagbigay ng konting regalo para sa kanila. Tuwang tuwa pa nga si Sean nung siya yung nagbibigay tapos kay Mat siya nanghihingi ng pera.
--
MatHabang pinagmamasdan ko yung mag-ina kong nagbibigay sa mga bata hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay bago lahat sa akin. Nakakabakla man pakinggan pero ganun talaga.
Mabait ang pamilya ni Lienne. Simula palang kahapon ay sobra na silang mag asikaso. Ganitong pamilya yung gusto kong buoin.
Masaya lahat.Natapos akong maligo ng may mapansin akong mga pantal sa katawan ko.
"Sabi na nga ba. Mangangati ka. Tignan mo puro pantal na yung katawan mo. Lika tarang kwarto." yaya nito sa akin.
"Anong gagawin natin baby." biro ko sakanya.
"Gagamutin ko yang pantal mo dahil baka mamaya dumami na yan at mapuno na yung buo mong katawan kaya halika na. Puro kalokohan na naman kasi pinag iisip mo." sabi niya tska ako hinila papasok sa kwarto.
Tinanggal ko yung damit ko at humarap sakanya. Nakita ko ang pagkabigla nito sa ginawa ko.
"Baby yung laway mo tutulo na." agad naman akong hinampas sa braso.
"Battered husband talaga ako pag naging mag-asawa tayo. Lagi akong kawawa sayo. Napaka amasona mo baby." ang sakit niyang pumalo as in.
"Sus. Ang tanda mo na para mag puppy eyes. Nakakadiri ka Mat."
"Binabanatan mo na naman ako sa edad ko. Alam ko namang mas matanda ako ng ilang taon sayo pero sa stamina baby parehas lang tayo."
"Sus. Oo na lumapit kana sa akin ng malagyan ko na ng gamot yang mga kati mo." sinimulan niya ng lagyan ng ointment yung mga pantal ko.
Tanghali ng inaya ako ni Lienne sa bukid para dalhan ng pagkaen sila tatay. Sinabi nito sa akin na baka duon na kami mananghalian. Makulimlim at mahangin ang panahon. Bitbit ko ang iba habang naglalakad kami sa pilapil. Si Lienne naman ay hawak hawak ang anak naming tuwang-tuwa naglalakad sa pilapil.
Pagkarating namin roon ay nakaahon na at nakasilong na sa kubo sila tatay at ang iba pang kasamahan nito sa pagtatanim. Sakto ang pagdating namin kaya inayos na ni Lienne ang mga pagkaen para makakain na sila.
"Tikman mo anak itong ginataang agurong dito sa amin. Nakatikim kana ba ng ganito sa Manila." sabi sa akin ni Tatay sabay pakita sa akin yung sinasabi niyang ginataan. Kumuha naman ako ng konti tska tinikman.
Nakatingin pa sakin si Lienne kung ano yung magiging reaksyon ko.
"Masarap." nasabi ko nalang. Hindi ko nga namamalayan na napadami na pala yung lagay ko sa plato ko.
