Chapter 24

2.6K 86 6
                                    


Lienne
Naging busy narin ang mga sumunod na araw para sa paghahanda ang mga tao rito dahil nga sa okasyon na gaganapin mamayang gabi.

Buong maghapon ay pinasyal kami ni Mat sa hacienda ng angkan nila. Ang namamahala nito ay ang pamilya ng Tita Miranda ni Mat. Sinakay pa kaming dalawa ni Sean sa kabayo. Magaling mangabayo si Mat. Kapag wala nga raw siyang ginagawa ay nagpupunta siya rito para mangabayo. Pampawala ng mga isipin kumbaga. May mini falls rin sila sa dulo na ikinatuwa naman ni Sean.

Pagkauwe namin ay kinuha na ng mga matatanda si Sean at sila muna raw ang bahala. Dumiretso kami sa kwarto ni Mat. Humiga na ako dahil medyo pagod rin ako. Gusto ko na munang umidlip kahit saglet lang. Medyo maaga pa naman.

"Tired." rinig kong sabi ni Mat ng tumabi ito sa akin at yumakap sa likuran ko.

Tumango nalang ako sakanya bilang sagot. Antok na antok na talaga ako. Buti at hindi na ako kinausap ni Mat.

Padilim na ng magising ako. Dinig ko rin ang ingay na nagmumula sa baba. Bumangon na ako at nagtungo sa cr para maligo.

Pagkatapos ay nakita ko ang kahon na nakapatong sa ibabaw ng kama. May sticky note pang nakalagay. Sa mommy ni Mat.

Naglagay lang ako ng konting make up sa mukha ko. Marunong naman ang mag-ayos ng sarili ko. I bun my hair into messy na siyang nagpabagay sa ayos ko tsaka ko kinuha ang damit at isinuot.

Hapit na hapit ito sa katawan ko na siyang nakapagpahulma ng hubog ng aking katawan. It was back revealing long gown. Isinuot ko na stilletos tsaka na ako bumaba.

Marami ng tao sa baba. Lahat ng nakakasalubong ko ay may mga kakayahan sa buhay. Mga angat sa lipunan kumbaga.

Nakita ko ang mommy ni Mat tsaka si Tita Miranda habang hawak ang anak ko at sa tingin ko ay pinapakilala nito sa kausap. Nakita ko kasing bumati ang anak ko sa mga kausap nito.

"Mommy." sigaw ng anak ko na siyang nagpalipat ng atensyon sa mommy ni Mat at sa mga kausap niya. Tumakbo ang anak ko sa akin at humalik ako rito.

"You look gourgeous mommy." nasabi ng anak ko na siyang ikinangiti ko. Kinurot ko ang pisngi nito. Hindi nga kasi nagsisinungaling ang mga bata tandaan niyo yan lalo na si Sean.

"Magandang gabi po." nahihiyang banggit ko sakanila.

"Who's this beautiful lady." sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kaedaran ni Mat.

"My wife." nagulat nalang ako sa biglang pagsulpot ni Mat sa tabi ko. Pinulupot nito ang braso sa bewang ko. Naramdaman ko pa ang pagpisil nito.

"Oh. I see. And this cute little boy is your son."

"Yes." sagot ni Mat. Tumango nalang ako at ngumiti sa lalaki.

"You look stunning tonight iha." sabi ni Tita Miranda na siya namang sinang ayunan ng Mommy ni Mat.

Pagkatapos makipag-usap ay inaya ako ni Mat sa isang lamesa dahil hindi pa nga raw ako kumakaen. Pinaghila ako nito ng upuan tsaka inalalayan na makaupo roon. Siya na rin ang nanguha ng pagkaen ko.

"Bakit ba kasi ganyan ang pinadala sayong damit ni mommy." inis na sabi ni Mat.

"Bakit maganda naman."

"That gown exposing your skin too much and I hate it. Lahat nalang ng nakakasalubong natin napapatingin sayo at nililingon ka. Gustong gusto ko na ngang balian ng leeg at tusukin yung mga mata lahat ng tumitingin sayo."

"Sorry. My fault." natatawang sambit ko rito.

"Ang hirap naman kasing magkaroon ng head turner na girlfriend. Tara nalang kaya sa taas doon nalang tayo." yaya nito sa akin.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon