Chapter 8

3.2K 96 2
                                    

Lienne

It's Saturday. Balak ko sanang maglinis ngayon ng bahay namin dahil wala akong pasok sa trabaho pero mapilit ang baby ko. Kaya pinagbihis ko na at mamamasyal daw kami.

Gumayak narin ako at ng makaalis na kami.Naglakad kami palabas ng subdivision at pumara ng jeep. Nag cocommute nalang kami ngayon. Binenta ko ang kotse ko dahil kailangan ko ng pera para sa anak ko. Lumipat na nga rin ako ng mas murang tirahan para makatipid.

Nakarating kami sa mall ng magkahawak kamay. Nung nakita ng anak ko ang National Bookstore agad itong bumitaw sa akin at tumakbo roon. Mahilig ang anak ko sa mga libro, everytime na nagpupunta kami rito naghahanap ito ng mga series ng Harry Potter. His favorite.

 
Nang sumunod ako sakanya nakita ko itong nasa magazines section. Nakita kong busy itong nagbubuklat, hindi ko alam kung ano na naman yung tinitignan niya roon.

"Baby c.r lang ako. Stay there, babalikan ka ni mommy." Sabi ko sakanya at tango lang ang natanggap ko mula rito. Mukhang busy na siya sa binubuklat niya. Hindi na nga ako nag-aksayang tignan kung anong tinitignan niya.

Naglakad ako palabas at nagtungo sa 3rd floor ng mall. Pagkatapos kong mag cr bumalik na ako sa kinaroroonan ng anak ko subalit laking gulat ko ng wala na ito sa lugar nito kanina. Dun na talaga ako sobrang kinabahan. Naiiyak narin ako. Nagtanong ako kay manong guard kung may bata siyang nakitang lumabas sabi naman neto na meron daw.

Kaya agad akong umalis roon para hanapin ang baby ko. Ang tanga ko talaga ba't kasi di ko nalang sinama si Sean eh tas bumalik nalang sana kami ulit dun.

Nagtungo akong 3rd floor nagbabakasakali kung naroon si Sean. Nagtanong tanong narin ako sa mga taong nakakasalubong ko.

"Geez. Sean where are you." sabi ko sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad yung sarili ko kung may mangyaring masama sa anak.

 

Ilang beses na rin akong nagpa ikot-ikot hanggang sa nakita ko ito sa tapat ng play station. Doon na bumuhos ang luha ko. Nakita ko itong may hawak na bottled water and burger sa kabilang kamay.

Agad ko itong tinawag, sa di kalayuan ay may nakita akong lalaki na naka business suit at may kausap ito sa cellphone. Wala akong pake basta ligtas ang anak ko.

"Mommy is so worried of you baby. Saan kaba naman kasi nagpunta. Sabi ko naman kasi sayo to stay where you are at babalikan ka ni Mommy." sabi ko rito ng umiiyak.

"You're crying again mommy. I'm sorry I didn't mean to disobey you kasi po I'm thirsty na kanina. Kaya lumabas ako mommy to find you tapos pagkarating ko sa c.r wala  kana dun po. Sorry mommy." Sabi nito sa akin habang pinupunasan ang mukha ko.

"Mommy there's a man na naghelp po sa akin. There he is." Sabi nito muli sa akin at tinuro ang lalaking may kausap kanina sa cellphone.

Halos nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino iyon. Bakit sa dinami rami ng lalaki sa mundo siya pa yung makikita ko. Hindi ko maihakbang yung paa ko. Hirap akong makagalaw.  Nakatitig lang ako sa lalaking nasa harapan ko habang hawak ang kamay ng anak ko.

Seeing my son holding by his father makes my heart melt. Ito yung gusto kong makita matagal na.Yung pagkakataon na gusto kong mangyari.

"So you're the mother of this child." Sabi nito sa akin na may maawtoridad na tono. Tango lang ang naging tugon ko rito. Hindi parin ako makatingin sakanya ng diretso. Ayokong salubungin ang mga mata niya.

Natatakot ako. Hinang-hina na yung mga binti ko. Pakiramdam ko ano mang oras bibigay na ako.

"Be responsible next time. Huwag mong hayaan na humiwalay sayo yang anak mo." muling wika nito saakin na medyo galit.

"Hey, mister don't talk to my mommy like that. You're scaring her. Thank you by the way for the water and burger. My mommy is responsible don't told her when she's not. Wala akong daddy but mommy is always there for me. She took care for me. Even when I'm sick. She helped me with my homeworks and told me to respect people. So don't you dare before I forgot what mommy told me not to answer a people older than me." Galit nitong saad.

Duon naman natigilan ang lalaking nasa harap namin.

"Sean don't be mad at him. Go thank him and we'll go home nalang di na maganda yung pakiramdam ni mommy." Pakiusap ko rito

"Thank you po." wika nito sa lalaki tsaka bumalik ulit sa gawi ko.

"Let's go mommy." Sabay baling nito sa akin.

Tumango ako rito. At saka lumapit sa lalaki at nakayuko paring nagpasalamat. Agad kong hinila ang anak ko atsaka nagmadali kaming umalis sa lugar na iyon.

"Mommy kala ko mabait yung lalaki na'yun hindi naman pala. Gusto ko pa man ding maging katulad niya pag lumaki ako pero inaway ka niya po. I want to punch him hard but I didn't baka magalit ka sa akin then you can't cook my favorite adobo anymore. Hindi ko na yun idol. Hahanap nalang ulit ako ng bago.Madami pa namang iba diyan." sabi nito sa akin habang naglalakad kami.

"Do you want to stay here, maglibot pa tayo." Tanong ko rito.

"But you told earlier that you're not feeling well." Sagot nito sa akin.

" Kaya naman ni Mommy eh para sa babe niya." I told him then pinched his nose. Ang tangos eh. Sarap pisilin. Hinayaan naman ako nito.

"We better go home nalang mommy just to make sure." sagot muli nito.

"Sweet baby. Yes babe. Pero daan nalang tayong Jollibee para mag take out ng lunch it's past 12 narin." Ngiti kong sabi rito.

"Aye aye mommy." Nagtatatalon na sabi nito sa akin.

Umorder nga muna kami bago kami umuwe. 1:30 na kami  nakarating sa bahay. Kumaen na agad kame ng anak ko pagkatapos nito pinagbihis ko na siya ng damit niya at sinabi niyang he'll take a nap na muna, pinayagan ko naman ito at marahil ay pagod rin ito kanina. Pagkatapos kong mag ayos ay dumiretso narin ako sa kwarto at nakita ko ang anak kong ang himbing na ng tulog. Agad akong umupo sa tabi nito at hinaplos ang kanyang buhok.

"Carbon copy mo nga baby ang tatay mo. Nakakatampo nga lang talaga minsan.Ako yung nagdala sayo ng siyam na buwan tas wala ka manlang nakuha sa akin.Lakas ng genes." I silently muttered baka kasi magising pa.

 
Nung kinagabihan ay sabay kaming kumaen habang nanunuod ng tv. Naipakita na naman kasi roon si Mr. Allegre. Tawang tawa naman ako sa mga pinagsasabi ng anak ko.

" Di naman pogi. Mas pogi naman ako hamak diyan. Carbon copy raw. Di naman totoo yun. Layo layo ng mukha namin. Mas pogi ako diyan di ba Mommy." Kumbinsi nito sa akin habang ngumunguya.

"Oo naman baby. Kamukha ka ni mommy." Sabi ko rito.

"Yes ! Right! Wala ng bawian, mamatay man babe no erase." tuwang tuwa talaga ako sa baby ko. He's my everything.

It's quarter to eleven ng pumunta na kami sa kwarto namin para matulog. Naglaba pa kasi ako after naming kumaen then tinulungan ako ng baby ko. He lead our prayer.

"Goodnight mommy. Love po kita." Then he kissed me on the lips.

"Goodnight baby. I Love you too. Ikaw lang." Tska ko hinaplos haplos ang buhok niya. Ang bilis niya makatulog.

Too much for today. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Bahala na si Lord para bukas.


I surrender all to you, Lord.
 

    

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon