Lienne
Limang taon.
Daming nangyari. Daming nagbago. Noong una hindi ko alam ang gagawin ko. Yung dating hindi pala punta sa bar gabi-gabi nagpupunta ako. Walang nakakaalam nun pati mga kaibigan ko. Kasi noong una I want to get rid of this. Halos gabi- gabi akong umiiyak . Sinubukan ko pa ngang uminom ng pampalaglag para mawala lang ito.
Ang babaw ko di ba?Sinubukan kong kumitil ng buhay ng bata na wala namang kasalanan.
Nawalan ako ng trabaho. Hindi na ako nakakapasok kinaumagan dahil hirap na akong bumangon at dala narin ng hang over. Pinag resign na ako ng boss ko.
My life is wasted since then.
Hanggang ngayon hindi parin ako kinakausap ng mga magulang ko. Huwag daw akong magpapakita sa kanila hangga't hindi ko kasama ang tatay ng pinagbubuntis ko.
Sobra ang galit ng Papang ko sa akin. Hindi ito alam ng mga kapatid ko. Sabi ko sakanila na ako yung magpapaaral hanggang sa makatapos sila pati sa mga magulang ko, pangako ko rin sakanila na bibilhin ko yung lupang sinasaka ni Papang sa Ilocos kasi nakadepende lang siya sa amo niya. "Samak " kung tawagin sa amin . Pangako ko rin sa kanila na magpapatayo kami ng malaking bahay .
But promise is really made to be broken. I make my parents dissappointed by me. Such a disgrace.
I want to give up that time, I fell hopeless, but Jesus is really great. Nung panahong depressed ako pinatunayan niyang andyan siya kahit anong mangyare. Pinagpatuloy ko yung pagbubuntis ko. Sinuko ko muna kung ano yung propesyon na kinuha ko.
Ngayon isa na akong romance writer, hindi pa naman ako masyadong kilala sa larangan ko. Tatlong taon palang ako exactly at nagbabake rin ako ng mga cakes, cupcakes at mga cookies pandagdag kita kumbaga.
Kailangan ko na kasing mag doble kayod sa totoo lang minsan nasosort rin kami ng anak ko . Di naman kalakihan ang sweldo ko sa pagsusulat at sa pagbabake okay naman ang kita.
Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong taga ubos ng tinda ko kasi minsan mahina ang benta. Nagpapa order ako sa mga kaibigan sa mga kakilala ko. I was really more matured now. I really focused on what I have. Hindi na madali ang buhay ko ngayon.
"Mommy, I'm home." Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng narinig ko ang baby ko. He's my source of happiness and strength now. All of the pain that I experience is now all worth because of him.
Ngayon hindi na ako nagsisisi na pinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko.
He's Sean Azikiel Monteclaro. He's going 5. Nag aaral na siya dito lang sa loob ng subdivision. May maliit na pre-school dito pero nakakasiguro ka naman sa kalidad ng eskwelahan at pagtuturo kaya komportable naman ako . Hanggang half day lang ang pasok niya.Walking distance lang naman siya.Kaya minsan pag hindi ko siya nasusundo after ng class niya magugulat nalang ako pag uwi ko nakabihis na ang bulinggit.
"How's school babe?." Tanong ko sakanya.
Babe ang endearment ko sakanya tapos love naman ang sa akin. Ayaw patawag ng baby.Big boy na daw kasi siya . Lagi niyang pinapakita yung muscle niya kunno sa akin. Hinahayaan ko nalang. Mukha yatang may pinagmanahan yung baby ko.
"It's okay love. Look I have a plenty stars on my arms. It was given by me because I'll always raised my hand."Pagmamayabang nito sa akin.
"You always raised your hand may stars kana?galing mo pala." Sarcastic kong tugon.
"Luh? syempre mommy sasagot ako ano. Matik na yun na kapag nagtaas ng kamay sasagot. Tsk." sabay irap na wika nito. Aakyat na sana siya sa taas para magbihis.
"Hey,comeback here you forgot something baby." Sigaw ko rito
"I'm not a baby anymore mom. How many times did I told you that. No kiss for today." sabay takbo niya sa pinto ng kwarto.
See?
"Hey come back here." Sigaw ko pa sakanya.
"I don't want." Balik nito sa akin.
"Nagmana ka talaga sa pinagmanahan mo." Sigaw ko sakanya mula dito sa kusina. Agad naman niya akong pinagsaraduhan ng pinto ng kwarto namin.
Oo kwarto namin . Magkatabi parin kami kung matulog. Yung kwarto dapat niya ginagamit lang pag minsan dumadalaw yung mga kapatid ko. Tumatakas sila kay Papang. Nagkukunwari silang may aayusin dito sa Maynila. Ang totoo niyan wala na akong koneksyon sa pamilya ko sa probinsiya. Miss na miss ko na ang Mamang ko. Ang malamig na simoy ng hangin ng probinsiya. Pero ganun talaga.
All I have to do now is to focus on what I have.