Epilogue

2.5K 94 3
                                    


Mat

This is the day
That the Lord has made.
I will be joy and be glad.

This is it. I'll marry the woman I love. The love of my life.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nadarama ko ngayon. Para akong nakalutang sa alapaap. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko ngayong araw. Kanina pa ako punas ng punas ng tissue sa mga mata ko dahil sa emosyon.

Thank you Lord. You're really great.

Ngumiti ako kay Sean na nakasuot ng white tuxedo na kapareho ng suot ko ngayon. Tumakbo ito papunta sa akin tsaka humalik sa labi ko. He's really sweet pero alam kong may kapalit yun.

He is our ring bearer ofcourse.

"I love you so much daddy." sabi niya sa akin. Hinalikan ko pa siya sa noo.

"I love you too baby." ginulo ko pa ang buhok niya. Alam kong nairita siya sa ginawa ko.

He pouted. Bumalik na siya sa gawi niya tsaka inayos ang ginulo kong buhok niya. Yung bunso naming anak ay buhat ni mommy at mukhang inaantok na naman.

He's really grow up fast and now turning 9 months next month. I'll gave my smile to mom who is currently taking care of our son. Inilibot ko ang paningin sa buong simbahan. Lahat ng dumalo sa kasal namin ngayon ay ang mga taong naging malapit sa aming mga puso. Kahit malayo ang biyahe ay sinikap parin nilang makarating dahil hindi nga raw nila sasayangin na masilayan ang pinakamasayang araw sa buhay namin ni Lienne. Sila ang naging pamilya ni Lienne sa Masbate. Kumpleto sila at lahat ay abot tenga ang mga ngiti. Kasama nga ni Jeho ang girlfriend niya na isang abogada. Kanina pa nga ako tingin ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang may susunod pagkatapos namin ni Lienne. Nandito rin ang mga kaibigan ni Lienne. Yung isa nga ay kagagaling lang sa ibang bansa kasama pa nila yung mga boyfriend nila na kaclose ko narin.

Nakapokus ngayon ang atensyon ko sa pintuan ng simbahan kung saan masisilayan ko ang ganda ng babaeng pakakasalan ko. Hindi na ako mapakali sa excitement at kaba.

Hindi naman ako kinakabahan kapag nagprepresent ako ng mga plates at lay-out ng mga buildings pero bakit ganito yung kabang nararamdaman ko.

Kasal mo Mat.

Umayos na sa pwesto ang mga tao hanggang sa unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan. Doon ko nasilayan ang pinakamagandang babae sa buhay ko. Bawat hakbang nito papalapit sa akin ay siya namang pagpatak ng mga luha ko. Ngumiti ito sa akin at nakita ko ang ningning sa mata niya. Pinupunasan rin nito ang luha sa mga mata niya.

I mouthed iyakin. And she look straight at me na kala mo kakaen ng tao. Narinig ko pa ang pagtawa ng mga tao rito sa loob.

Nagbalik tanaw ako sa lahat ng nangyari sa amin ni Lienne. From a one night stand at nagkaroon kami ng Sean ngayon. Nung panahong lumapit siya sa akin at sinabi na may anak kami. Tumira kami sa iisang bahay. Inakala na hindi ako magkakagusto sakanya na ang kailangan ko lang ay sustentuhan ang anak ko. Kaso talagang trinaydor ako ng puso ko.Iba talaga pag ang puso na ang dumikta.

Sa lahat ng sakit na dinulot ko sakanya. Sa mga maling akala ko. Sa hindi ko pakikinig sa paliwanag niya na talagang pinagsisisihan ko. Kaya nung sinundan ko siya talagang hindi ko na sinayang ang pagkakataon and she just forgave me that easy.

There she is walking stunning with her elegant wedding dress.

Kahit hindi man maganda ang umpisa naming dalawa hindi pa naman huli ang lahat para baguhin ito.

Kami talaga yung pinagtagpo at itinadhana.

I smiled at myself.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon