Chapter 32

2.7K 88 8
                                    


Mat

It's been 8 months without her.

Akala ko masaya na ako ng mawala siya sa buhay ko kaso hindi pala. Akala ko magiging okay ako ng wala siya yun pala sa bawat araw na dumaraan mas lalo ko siyang hinahanap-hanap.

Akala ko makakahanap ako ng ibang babaeng kayang pantayan lahat ng pagmamahal ko kaso siya parin yung hinahanap-hanap ko.

Siya parin pala talaga.

Gusto ko siyang habulin nung umalis siya sa pamamahay ko kaso naging gago ako. Hinayaan ko siyang umalis. Kinain ako ng galit.

Ngayon wala na siya.

Sa tuwing darating ako sa bahay na laging hinahanap ang presensiya niya. Umaasa na may sasalubong at hahalik sa labi ko. Ngayon nama'y katahimikan ang siyang nadaratnan ko.

Hindi ko narin naasikaso si Sean. Doon na muna siya kila Mom nakatira. Ayaw niyang umuwi rito sa bahay hanggat hindi umuuwi rito ang mommy niya.

Lagi siyang umiiyak at ako ang sinisisi niya kung bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagpapakita sa amin.

After all I've done to her. I deserve all the hate that my son bestowed on me.

Nung birthday ni Sean. Alam kong hindi masaya ang anak ko dahil maghapon niya itong inabangan sa gate ng bahay namin. Umaasa siyang darating ang mommy niya kaso hindi naman ito dumating. Nakita ko ang pagkabigo nito sa mga mata niya. Nakita ko pa ang pagpatak ng ilang butil na luha na kaagad niya ring pinunasan tsaka niya ako nilagpasan.

Nung tinawag siya sa entablado kasama ako at ang kapatid ko si Sierra. Nag-aaral siya ng doktor sa ibang bansa kaya madalang ang uwi niya ng Pinas. Siya muna ang pansamantalang nag-aalaga kay Sean sa bahay nila mommy dahil hanggang ngayon galit parin ang anak ko.

Nakita ko siyang ngumiti nung hinipan niya yung birthday cake niya pero alam ko sa sarili ko na hindi siya naging masaya.

"Hi anak." sabi ko kay Sean habang naglalaro siya ng kanyang paboritong laruan na si Buzz lightyear. Inabot ko ang paper bag sakanya kaya lang hindi niya iyon tinanggap.

"I want mommy." sagot lang nito sa akin. Nagtutubig na ang mga mata nito. Kaagad ko siyang niyakap tsaka hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko.

"Bring my mommy back." paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.

"Sana kasi hindi ka nalang dumating sa buhay namin ng mommy ko. Ayos naman kasi kami ng wala ka. Hindi ako iniiwan ng mommy ko kahit wala akong toys tsaka damit. Kahit wala kaming car tsaka malaking bahay basta kasama ko lang mommy ko kumpleto na ako. Bakit kailangan pang may magbago ng dumating ka. Sana ikaw nalang ang nawala. Sana ikaw nalang ang umalis hindi ang mommy ko. Kahit wala na akong daddy basta may mommy lang ako. Lumaki naman ako ng wala ka. Please ibalik mo yung mommy ko."

"I'm sorry anak. Sorry." umiiyak na sabi ko sakanya habang hinahaplos ang likuran nito. Wala paring tigil ang pag-iyak niya.

"I don't need your sorry. I need my mommy."

"I'm sorry baby."

"I hate you so much." bigkas niya na siyang nagpatigil ng mundo ko. Unti-unti nitong dinudurog ang buong pagkatao ko.

Mas masakit pala kapag sa anak mo mismo nanggaling ang mga salitang yan. Ang bigat sa dibdib. Umiiyak ako habang hinahaplos ang likuran ni Sean. Sinilip ko ito at nakita kong nakatulog na siya.

Iniakyat ko siya sa kwarto ko. Dito ko muna siya pinapatulog. Tinabihan ko siya tsaka hinalikan ang tagiliran ng ulo niya.

"Babawi si Daddy baby. Hahanapin natin si Mommy mo. Kahit para sayo nalang."

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon