Chapter 34

2.4K 74 7
                                    


Lienne

Hinatid ako nila Ate Kams hanggang sa bahay. Buti nalang talaga at maaga kaming natapos ngayon. Nagbihis muna ako tsaka nagluto. Nahiga pa nga muna ako pagkatapos dahil sumasakit yung balakang ko. Naramdaman ko pa ang pagsipa ng anak ko sa loob na halos ikaiyak ko.

'Anak naman ang likot muna. Gusto mo na bang lumabas. Wag muna baby antayin na muna natin sila Nanay Lumeng at Tatay huh. Diyan ka muna loob ni mommy. Bubusugin ka ni mommy.'

Maingat akong tumayo dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. Nagdiretso ako sa kusina tsaka kumuha ng delata sa cabinet na pinaglalagyan ko. Naalala ko naman yung binilad kong damit hindi ko pa pala siya nahahango.
Nanguha ako ng bimpo tsaka itinakip sa ulo ko.



Kaso hindi ko inaasahan ang makikita ko pagkalabas ng bahay. Si Mat habang buhat nito ang anak namin na sa tingin ko ay napagod sa biyahe.

Hindi ko namamalayan na unti-unti ko na palang naihahakbang ang mga paa ko patungo sakanila.

Titig na titig sa akin si Mat lalo na ng ibaba nito ang tingin niya sa tiyan ko.

"Lienne." rinig kong sabi ni Mat sa akin. Gumalaw si Sean sa balikat niya. Nagising ito sa pagtawag ni Mat sa akin. Bumaba ito sa pagkakabuhat ng ama niya tsaka tumakbo sa akin.

Lumuhod ako para mapantayan ang anak ko. Umiiyak itong lumapit sa akin.

"Mommy I miss you." iyak na sabi nito sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya na basang-basa na ng luha tsaka ko siya hinalikan sa noo.

"Namiss rin kita baby." naiiyak na sabi ko sakanya. Yumakap ulit ito sa akin ng mahigpit na parang ayaw na nitong kumawala. Hinagod ko ang likuran niya dahil hindi parin siya mapigil sa pag-iyak.

"Mommy magbebehave na ako. Susunod narin ako sayo. Hindi na ako kakaen ng maraming chocolate. Hindi na ako po magpapasaway basta wag ka ng umalis. Wag mo na akong iwan mommy please." sabi parin nito sa akin.

"Hindi na baby. Hindi kana iiwan ni Mommy."

Kita kong lumapit sa gawi namin si Mat. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti narin ako sakanya. Pinapasok ko sila ng anak ko sa loob dahil gabi na at hindi ako pwedeng mahamugan. Malamig pa naman rito kapag gabi na.

"Pasensiya na. Maliit lang itong bahay na tinitirhan ko rito." paumanhin ko kay Mat dahil kanina pa nito nililibot ang paningin niya sa bahay tsaka nito itinuon ang atensiyon niya sa akin.

"Baby I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko. For all the hurt that I've caused on you. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako sa lahat ng katarantaduhan na ginawa ko. Gusto kong bumawi please give me a chance baby. Alam ko na lahat. Sinabi ni Vince ang totoo sa akin. Walang nangyari sa inyong dalawa. Nagpadala ako sa galit ko. Dapat nakinig ako sayo. I'm really sorry baby please give me a chance." umiiyak na sabi nito sakin. Lumuhod pa ito sa harapan ko na ikinagulat ko. Nakita ko ang sincerity sa mga mata nito habang binabanggit niya ang mga katagang iyon.

"Mat tumayo kana. Napatawad na kita matagal na." kita ko ang pagtataka sa itsura niya.

"Alam mo kasi Mat may nakapagsabi kasi saken na dapat hindi pinupuno ng galit yung puso. Dahil napakahirap at ang bigat sa pakiramdam. Ako rin yung magsisisi sa bandang huli. Kahit gaano kasakit lahat ng ginawa mo, lahat ng sinabi mo sa akin napakadaling nawala. Kahit may pagkakataong nangungulila ako sa inyo hindi ko hinayaan na pagtamnan ka ng galit sa puso ko kasi hindi ako ganung tao. Alam mong wala pang isang buwan napatawad na kita. Kaya all I have to do now is accept your sorry and look forward on what is right."

Agad itong tumayo tsaka ako niyakap. Hindi man gaano kalapit dahil baka maipit yung tyan ko. Naramdaman ko naman ang pagsipa ng anak ko na ikinalaki ng mata ni Mat.

"Goodness. Sumipa si baby." tuwang-tuwa na sabi ni Mat tsaka pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.

"Masakit ba kapag sumisipa siya sa loob." tanong nito.

"Konti lang naman. Pampagising ko nga yung sipa niya sa umaga." natatawa kong sabi sakanya.

Tinutok nito ang mukha sa tiyan ko tsaka niya hinaplos.

"Anak naman wag masyadong hyper at nasasaktan si mommy. Tsaka kana maglikot kapag nakalabas kana." akala niya naman sasagutin siya nito pero parehas kaming nanlaki ng mata ng muli kong naramdaman ang pagsipa niya.

"Gutom na siguro kaya naglilikot na siya." dumiretso na kami sa kusina. Nakita niya ang de lata sa lamesa tsaka niya kinuha.

"Sardinas." tumango ako. Sanay naman kasi akong mag-ulam niyan.

"Come on Lienne. Kakain tayo sa labas. Hindi ka na pupwedeng kumaen ng ganito." sabi niya sa akin tsaka niya binalik sa cabinet ko.

"Ano ka ba. Ayos lang naman ako sa ganyan tsaka sanay na ako. Kung wala akong maulam ganyan yung binubuksan ko tsaka ko sinasama sa kanin." nagbago ang timpla ng itsura nito dahil sa sinabi ko.

Hindi ito umimik kundi tinawag nito si Sean tsaka kami umalis.

"Mommy your tummy's swollen." pansin ni Sean habang titig na titig ito sa tiyan ko.

"Your baby brother is in there." turo ko sa tiyan ko.

"Baby brother." manghang tanong ni Mat.

"Yeah. It's a boy."

Nakita ko sa peripheral sight ko ang pag ngiti ni Mat hanggang sa makarating kame sa restaurant sa bayan.

Umorder siya ng napakaraming pagkaen. Siguro nga naisip niya na gutom kami.

"Alisin mo na lahat ng mga de lata doon. Hindi kana mag-uulam nun. Ipamigay mo nalang." sumang-ayon nalang ako sa sinabi niya. Ayoko muna siyang pansinin. Busy ako sa pagkaen ko.

Nag-angat ako ng tingin sakanilang dalawa na nakatulala at pinagmamasdan ako.

"Problema niyo." sabay naman silang umiling. Bahala nga sila.

Pagkatapos naming kumaen ay nagpunta muna kami sa grocery store para mamili ng pagkaen. Panay ang lagay ni Mat sa cart.
Gatas, gulay, prutas at kung ano pa. Si Sean naman ay panay kuha ng chichirya na sinaway naman ni Mat. Pinalitan niya ng mga cookies. Kaso nung parang iiyak na si Sean dahil naiinis na siya sa daddy niya tsaka yumakap.

Ayun. Pinagbigyan rin ni Mat. Pili nga lang talaga yung mga chichirya na nilagay ni Mat. Hinayaan ko silang dalawa. May pagkakataon naman na nakangiti ako. Ang ganda kasi nilang tignan pag nagbangayan.

Nakauwi kaming nakatulog si Sean sa backseat. Bumaba na ako tsaka ko binuhat yung magagaan na mga ecobag. Si Mat na yung nagbuhat kay Sean tsaka dinala sa kwarto. Binihisan ko muna siya ng pajama dahil masyadong malamig kapag umaga.

Humiga na ako tsaka yumakap kay Sean. Hinalikan ko siya sa tagiliran ng ulo niya. Maya-maya ay pumasok narin si Mat. Idinusog ko ng konti si Sean sa gawi ko para mabigyan ng espasyo si Mat.

"Dito nalang kaya ako sa baba."

"Tumabi kana rito. Kakasya ka naman ah. Tignan mo." lumapit siya tsaka naupo.

"Masyadong malamig Mat kapag sa baba ka natulog. Ito lang ang gamit na meron ako rito. Malamig pa naman sa madaling araw. Kaya tumabi kana rito at malaki naman yung kama."

Wala na siyang nagawa kaya tumabi na siya kay Sean na nasa gitna naming dalawa. Nakatingin lang siya sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa gawi ko tsaka hinalikan ako sa noo.

"Goodnight baby and Thank you for everything baby." nakangiting sabi saken ni Mat.

"Goodnight." nasabi ko nalang.

Gumalaw si Sean tsaka yumakap sa akin. Nakapikit narin si Mat nung tinignan ko. Nakatulog siya kaagad dala siguro ng pagod.

'Thank you Lord. You're really great. Thank you for bringing Mat and Sean in my life and for the undying love that you've given to me and my family. I will give you the highest praises and honor. I love you so much Lord.'

I silently pray and sleep.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon