Chapter 12

2.8K 81 1
                                    

Lienne

Linggo ngayon.

Ginising ko na ang anak ko. Napasarap ang tulog nito dahil siguro sa panahon. Umulan kasi magdamag kaya nung mahihiga na ako kagabi pinatay ko na rin yung aircon.

Bumaba na kami at buhat ko parin siya. Sumalubong sa amin ang katahimikan ng buong bahay. Inisip ko pa na baka tulog pa si Nanay Rosie.

Nakita ko naman itong may winawalis sa labas dala siguro ng hangin kaya may nalaglag na mga dahon galing sa puno. Nilapitan ko naman ito habang buhat ko po ang anak ko.

"Lienne gising na pala kayo. Kumaen na kayo sa kusina nakahanda na ang pagkaen niyo."

"Sige po Nanay. Salamat po."

"Oo nga pala. Maagang umalis si Matias mag aalas sais palang yata nung lumabas siya. Nagkaproblema yata sa site nila. Uuwi rin naman yun baka makapanang hali yun naman ang bilin niya sa akin." sabi pa nito sa akin pagkatapos ay bumalik na ito sa ginagawa niya.

----

Kagagaling naman namin ni Sean sa simbahan. Tinanghali na kami nakauwi ng anak ko dahil nagpatila pa kami ng ulan.

Pagkauwi namin malakas parin ang ulan. May bagyo nga talaga.

Kumaen na kami pero wala parin si Mat siguro nga malaki talaga yung naging problema nila sa site nila. Hinayaan ko na at trabaho niya naman yun.

Inaliw ko nalang ang sarili ko sa paglalaba ng damit namin ng anak ko. Buti nalang at may washing at dryer sila rito kung kukusutin ko siguro ito baka abutin na ako ng gabi bago matapos.

Mag aalas sais nung nakarinig kami ng ugong ng sasakyan galing sa labas si Mat na siguro yun.

Nakita ko itong may bitbit na mga paper bags at pinatong yuon sa lamesa sa sala.

"Magbihis kayo ni Sean at sasama kayo sa akin. Pupunta tayo sa bahay namin ngayon. Duon na tayo kakaen ng hapunan. Ayun yung damit na susuotin mo." sabi lang nito sa akin at agad na umakyat sa itaas.

Kinuha ko ang mga paper bags at inakay ko na yung anak ko pataas.

"Saan po tayo pupunta mommy." tanong ng anak ko habang binibihisan ko ito.

"Pupunta tayo sa parents ni Daddy mo. They are you're grandparents."

"Are they nice." tango ko nalang ang naging sagot ko rito.

Nung nabihisan ko na ang anak ko. Pinababa ko na ito at sinabing intayin nalang ako sa baba.

Isang floral dress ang binigay sa akin ni Mat. Hindi naman ganoon kaikli at isang flat shoes na bumagay naman sa damit ko. Kinulot ko ang dulo ng aking buhok at naglagay ng konting make up at lipstick.

Pagkababa ko nakita ko si Mat na nakasandal sa sasakyan nito.

"Let's go. Baka gabihin tayo sa daan." sabi lang nito sa akin. Sumunod nalang ako rito, ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Umikot na siya sa driving seat at ako naman umupo sa gawi ng anak ko.

"Ano gagawin niyo ba akong driver niyo. Lumipat ka rito sa tabi ko." sabi nito sa akin.

Kainis .Ano na naman bang problema nito sa akin. Ang sungit na naman. Tinaasan ko ito ng kilay at inis na lumabas.

Nung makalipat ako sa passenger seat tska ko isinara ng pagkalakas lakas ang pinto. Nagulat pa si Sean sa ginawa ko.

Medyo may kalayuan rin pala ang byahe namin. Wala ni isa ang umimik habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay nila.

Nilibang ko nalang ang sarili kong panoorin ang mga tanawing nadaraanan namin. Nakita ko rin ang pagkaseryoso nito habang nagmamaneho. Si sean naman ay naglalaro sa upuan habang hawak nito ang ilan sa mga toy cars niya.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon