Chapter 10

3.1K 99 2
                                    

Lienne

It's been 2 weeks nung bumisita si Sean sa kompanya na pinagtratrabahuhan ko pero ang hindi mawala wala yung kilig ng mga katrabaho ko, kesyo ang gwapo raw, ang hot, laki ng katawan, perfect lips, perfect jaw..etc. siya na daw ang pinaka perpektong nilalang ng Diyos sa sangkalupaan.

This passed few weeks talagang stressed ako. Inaayos ko yung draft ko kasi malapit na yung deadline na kailangan ipass eh hanggang ngayon under revision palang yung story na ginagawa ko.

Habang nagtatype ako sa laptop ko biglang nagring yung cellphone ko at nakita ko yung pangalan ng teacher ng anak ko.

"Hello Teacher Ann, Good Afternoon. Kamusta po si Sean. Bakit po kayo na patawag." tanong ko rito.

"Maam kasi ano po.Si Sean po." rinig ko ang iyak ni Teacher Ann sa telepono.

"Bakit anong nangyare kay Sean."

"Maam dinala po namin siya sa ospital kasi po nag bleed yung ilong niya tas ang init po niya kaya tinakbo napo namin siya sa ospital." bigla nalang tumulo yung luha ko at sobrang kaba rin yung nararamdaman ko. Hindi ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyaring masama sakanya.

"Saang hospital." tanong ko rito.

"Good Samaritan Hospital po Maam."

Pagkasabi nito agad kong kinuha yung mga gamit ko. Taranta akong lumabas sa opisina. Nagpasabi narin ako kay Jackie na ipagpaalam nalang ako kay Sir dahil nasa ospital ang anak ko.

Humahangos akong nakarating roon. Nakita ko si Teacher Ann na nakaupo habang nakatakip sa mukha nito ang mga kamay na halatang kagagaling lang sa pag iyak.

"Asan ang anak ko." tanong ko rito.

"Nasa emergency room po. Sinusuri palang po siya ng mga doktor."

"Gaano na siya katagal sa emergency room."

"Mga 20 mins. na po Maam."

Hindi na ako mapakali. Sobra sobra yung kabang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang pag agos ng mga luha mula sa mata ko.

Kaya pala kanina ang tamlay ng itsura ng anak ko. Hindi na pala maganda yung nararamdaman niya.

Ang tanga kong ina.

Iyak nalang ako ng iyak dahil narealized ko na kasalanan ko lahat ng ito. I silently pray to God that keep my son safe I know this is his one obstacle to test me how big is my faith in him. My son through this. I believe in the Lord.

Bigla akong napatayo ng lumabas ang doktor mula sa emergency room. Agad ko naman itong nilapitan.

"Kamusta po ang anak ko." nanginginig kong tanong sa doktor.

"I'm sorry Misis. I'll straight you to the point. You're son is in dangered. Kailangan masalinan na siya ng dugo within 2hrs. kailangan po ninyong humanap ng mag dodonate ng dugo. You're son is in stage 2 of Dengue Misis."

"Ako po doc kahit kunin niyo na po lahat ng dugo ko mailigtas niyo lang ang anak ko." naiiyak na naman na tugon ko rito.

"Anong type po ba yung dugo niyo."

"Type B po doc."

"I'm sorry Misis pero type AB po ang anak niyo. Sa ngayon, kailangan niyo na pong tawagin ang ama ng bata dahil siya lang po ang makapagliligtas ng buhay ng anak niyo." doon na ako nawalan ng lakas.

"Naubos ang dugo namin dito sa ospital. Kailangan pa po naming mag order sa ibang lugar. Kung oorder man po tayo ngayon baka umabot pa po sa makalawa yung dating. Mamamatay po ang anak niyo. I'm sorry po misis kailangan na po talaga ng anak niyo na masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon kung ayaw niyo pong manganib yung buhay niya. Excuse me po." para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Yun ang nararamdaman ko ngayon.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon