Chapter 35

2K 43 5
                                    


Lienne

Pagkagising ko si Sean nalang ang katabi ko sa higaan. Inayos ko ang kumot dahil nasa bandang paa niya na ito. Mukhang napasarap ang tulog niya dahil masyadong malamig rito kapag umaga.

Naghilamos muna ako ng mukha tsaka lumabas. Nakita ko si Mat na may kausap sa telepono. Kahit hindi ko gaanong marinig ang pinag-uusapan nila ay nakita kong panay ang ngiti nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit at makinig sa pinag-uusapan nila.

"Yeah. Malapit na. Sige I'll buy you a pasalubong. I love you too. Bye." rinig kong sabi niya tsaka pinatay ang tawag.

"Good morning." nagulat pa yata siya sa presensiya ko.

"Good morning too." hindi ko nalang tinanong kung sino yung kausap niya. Baka naman yung babaeng kasama niya nung birthday ni Sean.

May nalalaman pa siyang second chance. Mukha namang masaya na siya sa bago niya.

Siya na ang nagluto ng agahan. Hindi niya ako hinayaang gumalaw dahil baka mahirapan lang raw ako. Hindi niya manlang ako paghawakin ng sandok at kawali.

Bahala siya.

Umalis nalang ako doon dahil medyo naiirita ako kay Mat ngayong araw. Tinignan ko nalang si Sean sa kwarto na mukhang kagigising lang.

"Kakain na baby. Tara na rito." sigaw ni Sean mula sa kusina.

Baby niya mukha niya. Nakakainis talaga.

"Inaaya tayo ni Mang Ben sakanila. Kasal kasi ng anak niya. Doon lang yung bahay nila sa kabilang barangay. Nagpunta siya kanina rito."

"Sige. Sabihin mo pupunta tayo."

Pagkatapos naming kumaen ay binihisan ko na si Sean. Naligo narin ako tsaka nagbihis ng floral dress na binili ni Mat kagabi. Iniabot niya lang kanina saken kanina nung naliligo ako. Naglagay lang ako ng konting make-up tsaka pinusod ng messy bun ang buhok ko na bumagay naman sa akin.

Wala na si Mat sa loob kaya lumabas na ako. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sakanya kasi naman eh.

Bakit kasi ang gwapo ni Mat.

Nang makarating ako sa gawi niya pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay. Si Sean ay busy na sa ipad na binigay sakanya ni Mat.

"Baby ang gwapo ako ano. Ang tagal mong makatitig." ngisi nito sa akin. Piningot ko nga sa tenga.

"Lakas mo naman po." sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang amasona mo talaga. Ang sakit ng tenga ko." reklamo niya.

"Pwede maging humble minsan Mat. Masyadong mataas ang compusure sa sarili." inis kong sabi sakanya.

Nakarating kami kila Manong Ben na hindi mawala ng ngisi ni Mat. Sasapukin ko itong katabi ko pag ako kinilig.

Sinalubong kami ni Manong Ben ng makababa kami. Saktong kadarating lang ng bagong kasal. Inanyayahan niya kami sa bulwagan kung nasaan ang kainan. Siyempre agaw atensyon na naman si Mat. Nahuhuli pa man rin ako sa paglalakad. Uwi nalang kaya kami at doon nalang kami sa bahay.

Makatingin kasi yung mga kababaihan rito. Sana may baon akong tinidor sa bag ko.

"Baby dito raw tayo." tawag sa akin ni Mat tsaka lumapit sa akin at inalalayan ako. Salamat naman at nakaramdam din ang damuho.

Habang tinitignan ko ang anak ni Manong Ben at ang asawa nito ay hindi ko maiwasang mainggit. Pinangarap ko rin kasi yung ganito. Kasalan sa nayon. Yung sa probinsiya kasi namin ganitong-ganito.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon