Lienne
Hindi na muna kami kumaen after ng tapatan naming tatlo. Pinasibad ni Lana yung kotse niya tsaka kami nagpunta sa ospital tsaka kami pumunta sa clinic ng tita ni Sheen.Nang nasabi ko na lahat ang mga nararamdaman ko, agad akong pinapunta ng Doctor na'yon kay Dra. Valencia dahil siya daw ang nakakaalam kung ano talaga ang kalagayan ko...
I need obgynecologies daw.
She instructed me to do some test. Kinuhanan niya ako ng urine at iba pa. Sinabi niya na after 20 mins pwede na daw kunin yung result. Kumaen muna kami sa restaurant malapit sa ospital kasama ang tita ni Sheen.
Pagkatapos ay bumalik narin kami kaagad para makuha na yung result ng test ko.
"Congratulations Mrs. Monteclaro, positive, you're 3weeks pregnant. Normal lang lahat ng nararamdaman mo sa isang buntis wala kang dapat ipag alala."abo't tenga pa ang ngiti sakin ni doktora habang sinasabi sakin yan.
Samantalang ako na hindi kaagad nakapagsalita sa sinabi niya. Agad na nagsipatakan ang mga luha ko at pilit na nirerehistro lahat ng sinabi sakin.
"Excuse me. May aasikasuhin lang ako sandali." paalam ni Dra. sa amin.
"Ms. Monteclaro po.Thanks Dra." Si Lana na ang sumagot dahil hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.
"Letche siya" tanging nasambit ko nalang sa aking sarili.
"Ano ba yan girl nag- iwan pa ng pa-christmas gift yung nakabuntis sayo tutal malapit na pasko pa early gift niya na yan." Sabi ni Eya
"Let's celebrate." sabi ni Lana
"For what." tanong ko.
"Sa pagkabuntis mo. Ano ba naman yan. Blessing from above yan Lienne." sabi ni Lana
Hindi nalang ako umiimik dahil wala akong gana makipag usap ngayon.
"Litsi ka girl. Umiiyak na nga si Lienne eh." sabi ni Eya
"Eto naman di na mabiro. Tara na Lienne. Past 1pm narin baka pagod kana tsaka kaylangan mo ng magpahinga. Dapat isipin mo narin ngayon ang baby mo. Huwag ka ng umiyak. Baka maging chaka iyang baby mo.Hindi ako mag nininang niyan pag lumabas." aya sa akin ni Lana
Pero hindi parin ako umimik. Hinayaan ko nalang mapatianod ang sarili ko sa kaibigan ko.
Wala talaga akong gana ngayon baka mawalan narin akong mabuhay sa mga susunod. Dahil sa katangahan ko isang buhay pa ang nadamay pero anong magagawa ko andito na.
Ang hina ko naman kay Lord yung pinagprapray ko na hindi dapat mangyare, ito oh binigay niya...
Umuwe ako sa bahay na walang kabuhay buhay.Kumaen ako pero ilang subo lang. Diba dapat pag nabubuntis yung babae they must be happy pero ako ba't ganito yung feeling ko. Yung pakiramdam na parang kinabukasan gusto ko nalang mawala kasi hindi ko na alam yung mangyayari sa akin.
Pag nalaman ng magulang ko ito baka itakwil ako lalo na ang Papang ko, dahil kahihiyan yun sa pamilya ko. Ayoko ngno nadidismaya sakin yung magulang ko. Malaki pa man din yung tiwala nila saken. Ako yung inaasahan nila sa ngayon tapos ganito pa yung nangyari.
Paano na.
I decided to sleep. Baka sakaling bukas maliwanagan ako. Baka sakaling bukas matanggap ko narin ito. Baka bukas kaya ko ng harapin lahat-lahat. Malakas ako. Matatag ako.Hindi ako Monteclaro kapag hindi ko naovercome yung ganitong problema.
Unti-unti ay hinayaan ko ang sarili kong mga mata na sakupin ng dilim at hilain ng antok.
Sana paggising ko, maayos na. Sana.