Special Chapter

1.9K 58 4
                                    

Mat

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang asawa ko sa banyo. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakasubsob na naman ang mukha ss lababo. Hinang-hina ang itsura at namumutla. Lumapit kaagad ako sakanya para hilamusan ang mukha niya.

"Are you okay." tanong ko sakanya tsaka naman siya tumango. Yumakap siya sa akin tsaka niya isiniksik ang mukha sa dibdib ko. Inakay ko siya pabalik ng higaan namin. Ganito na siya nung nakaraang linggo pa. Alam ko naman na yung ibig sabihin nun.

It's been 4 years narin nung kinasal kami. At sa araw-araw na dumaraan ay wala akong palya sa pagpapakita kung gaano ko kamahal ang asawa ko at ang pamilya ko kahit sobrang tigas ng ulo nung dalawang anak namin.

All that they want, they easily get lalo na kapag naglambing na sa akin yung dalawang yun, wala na akong magagawa para hindi sundin kung anong gusto nila. Kaya lagi akong may sermon sa asawa ko kapag may nakikita siya na bagong hawak nung dalawa. Palagi ko nalang daw iniispoiled yung mga anak namin.

Siya kasi sobrang strict sa dalawang bata. She always reminded the two on what they need versus what they want which is good naman. Yung mga binibigay kasi ng asawa ko sakanilang dalawa ay yung talagang kailangan nila. Kahit marami kaming pera ay hindi niya sinasanay sa luho ang dalawa. Kaya talaga naman kapag yung dalawang anak namin kung may gusto sila at hindi binili ng mommy nila sa akin ang takbuhan nilang dalawa kaya kapag pauwi na kami sa bahay talaga naman sobra ang sermon na abot ko sa asawa ko.

Para naman mawala ang inis niya sa akin eh lambing lang naman ang katapat niyan.

Bumaba na kaming dalawa ng maging maayos na ang pakiramdam ni Lienne. Yung dalawa nasa lamesa na at umiinom na ng gatas habang may tig-isang supot ng pandesal sa tapat nila.

"Good morning Nanay and Tatay." Laslo greeted habang may nginunguya itong pandesal sa bibig.

"Don't talk when you're mouth is full. Lunukin mo muna iyang kinakaen mo bago ka magsalita." sabi ko rito.

"I'm sorry, Tatay." I patted his head. He used to call me tatay instead of daddy. Ayaw niya raw kasing gumaya sa kuya niya na daddy ang tawag sa akin which is I found it cute.

"Good morning daddy and mommy." sabi naman ng panganay namin.

"You're done with your homework anak. I'm sorry hindi ka natulungan ni mommy kasi maagang nakatulog si mommy kagabi."

"It's okay mommy. Tinulungan naman po ako ni daddy na gawin yun kagabi." ngumiti ako sakanya tsaka siya lumapit sa akin.

She gave me a kiss. Heaven.

"Kiss si Nanay at Tatay." hagikgik ng bunso namin na nakatingin na pala sa aming dalawa.

"Mat may book signing ako mamayang 2pm sa Trinoma. Hatid mo naman ako tutal wala ka namang pasok ngayon."

"Sure baby. Sama na kami ni Laslo tas ni Sean. Wala naman daw siyang pasok mamayang hapon. Doon na tayo kumaen tuloy." tumango naman siya bilang sagot tska ibinalik ang tingin sa pagkaen. Medyo tumatakaw na ngang kumaen ang asawa ko hindi ko lang sinasabi baka hindi ako patulugin sa kwarto mahirap na. Tsaka dalawa na silang kumakaen ngayon. Kahit na ba tumaba siya eh siya lang naman ang pinakasexy na babae para sa akin.

Pagkatapos naming kumaen ay pinaakyat ko na sa taas si Sean para makaligo na at magbihis. On his age, marunong na siyang mag-ayos ng sarili niya. Hindi na siya nagpapaasikaso sa amin dahil kaya niya naman na yung sarili niya. Hinayaan nalang din namin. Lumalaki na talaga yung panganay namin.

"Nanay when can I go to school like Kuya." rinig kong tanong ni Laslo sa asawa ko. Napangiti naman ako. Talagang gustong-gusto niya ng pumasok. Tuwing gabi nga kapag gumagawa kami ng assignment ng kuya niya andun din siya. He knows how to write his name.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon