Lienne
Monday na naman. Why I hate Monday.
Maagang gising. 5 AM palang kailangan ko ng bumangon at maghanda para sa trabaho at sa anak ko. I decided munang wag gisingin si Sean dahil late na itong natulog kagabi.
I cook his favorite breakfast hotdog and fried rice. Pinagtimpla ko narin siya ng gatas niya.
Nung natapos na akong magluto quarter to 6 na kaya pinuntahan ko na siya sa kwarto namin para gisingin. Ang tamad bumangon ng baby ko. Yung tipong magpapabuhat pa siya then ihihilig niya yung mukha niya sa leeg ko but I find it way sweet though ang bigat niya na pag binubuhat. Kaya pa naman eh.
"Baby wake up na. Kakaen ka na tayo". I kissed his cheek and he just giggled. He always like to cuddled pag ginigising ko siya. Agad naman itong bumaba sa akin at umupo. Iniabot ko rito ang gatas niya then we started to eat.
"Sean pagkatapos mo kumaen maligo kana. Maaga pa pasok mo. Nagtext saken si Teacher Ann mo siya na daw susundo sayo daanan kana lang niya ng 7 para sabay na kayo pumunta ng school." sabi ko rito.
Teacher Ann is his teacher. Minsan sinusundo niya si Sean sa bahay then sabay na silang pumapasok, minsan siya narin ang naghahatid dito pauwi. And I thank her for that. Malapit lang din naman kasi ang bahay nila Teacher Ann sa kabilang kanto lang rin naman at dito rin ang daan niya papasok ng eskwelahan.
"Yes mommy." tugon nito sa akin.
Agad naman siyang pumunta sa kwarto after niyang kumaen. Naghugas narin ako ng pinagkainan namin dahil maaga rin ang pasok ko ngayon dahil marami rin akong gagawin sa office.
Exactly 7 AM ng sinundo si Sean sa bahay at pumasok narin ako.
Pagdating ko sa office nadatnan ko ang kumpulan ng mga co-writers ko kaya agad ko namang nilapitan si Jackie na katabi ko lang ng cubicle.
"Ano ba yung pinag uusapan nila at panay kinikilig ako ang naririnig ko sa mga nakasalubong ko kanina."tanong ko habang binubuksan ko yung computer ko sa cubicle.
"Lienne dadating kasi yung pinsan ni Sir Jan bibisita raw dito sa office later balita ko sobrang gwapo daw at ang hot kaso may fiance na. Sayang naman." malungkot na sagot niya sa akin.
"Ano kaba naman Jackie mag-antay ka lang dadating din yung pag-ibig mo baka mas gwapo pa dun sa sinasabi niyo."
"Kailan pa Lienne. Yung edad ko malilipasan na ng kalendaryo. Kainis naman kasi bakit ba hindi ako kasing ganda mo?Ikaw beauty and brain. Samantalang ako, brain lang walang beauty."
"Paano ka ba naman kasi magkakaroon ng beauty kung nakatago ka diyan sa makapal mong salamin. Mag ayos ka nga. Maganda ka Jackie. May kanya kanya tayong kagandahan, hindi lang natin alam kung kailan natin ito ilalabas at ipapangalandakan."
"Kasi naman. Kaiingit ka. Ang pretty mo. How to be Lienne Monteclaro?."biro nito sa akin.
"Kain kang bubog bes." agad naman ako nitong binatukan.
"Loko ka Lienne. Hindi ko bibigyan ng regalo yung anak mo sa pasko." Panakot nito sa akin.
"As if matitiis mo?"
"Ang cute kasi ni baby Sean. Akin nalang siya Lienne." nag-mamakaawang sabi nito
"Gumawa ka ng sa'yo."
"Hehehehe." Alanganing ngiti nito sa'kin.
"Try mo naring pumunta sa mga bar. Baka sakaling may gwapo din na mag iimbak diyan sa bahay bata mo."
"B.I ka talaga." sabay hampas ng hawak niyang libro.
"Sayang ang ganda kapag hindi mo irarampa." natatawang sabi ko sakanya with paflip pa ng hair.