Special Chapter

1.8K 70 5
                                    

Mat

Binisita namin kasama si Daddy at ang ibang business partner ng kompanya ang site para tignan ang lagay at ayos ng lugar. May itatayo na naman kaming isang mall na pag-aari ng mga Ongpauco. Malaking proyekto na naman ito sa kompanya na hinahawakan ko kaya hindi rin ako makatanggi sa mga kliyente na kagaya niya dahil magkaibigan ang mga pamilya namin. Ninong pa nga namin siya ng asawa ko kaya kahit gustuhin ko mang hindi nalang pumasok dahil kabuwanan naman ng asawa ko at gusto kong andoon ako sa tabi niya kaso pinapagalitan din ako ni Lienne at lagi niyang sinasabi na hindi pa lalabas ang bunso namin kaya pumapasok ako.

"Nice place Mat. You never failed to amazed me, iho." Mr. Ongpauco tapped my shoulder habang pinagmamasdan niya ang mga trabahador na gumagawa.

"Kanino pa ba magmamana yan syempre sa akin." sagot naman ni dad na nakaakbay na sa akin. Napapailing nalang ako dahil may pagka over confident din pala yung daddy ko.

Naputol lang yung tawanan namin ng tumunog yung telepono na nasa bulsa ko. Nakarehistro ang pangalan ng asawa ko kaya dumaloy na ang kaba sa katawan ko.

"Yes baby." kahit ganito yung nararamdaman ko ay inayos ko parin ang pagkalma ng boses ko dahil ayokong pagtawanan niya ako ulit.

"Daddy si Sean po ito. Mommy's going to give birth. We currently on the way na po sa hospital with Nanay Rosie. Mommy is so hurt dad. Please go to the hospital now. Mommy need you so much." narinig ko ang ungol ng asawa ko na umiiyak na buti nalang at andoon si Nanay Rosie para sakanya.

"What happen ijo." Mr. Ongpauco told me.

"Ninong, Dad manganganak na po kasi yung asawa ko. Kailangan na kailangan niya na po ako."

"Ano pang ginagawa mo. Umalis kana at ako ng bahala rito anak." nagpaalam na ako kay Dad at kay Mr. Ongpauco. Namamawis pa ang mga palad ko habang tinatahak ko ang daan papuntang ospital. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako kaagad tska ko tinungo ang silid na kinalalagyan ng asawa ko.

Nakita ko ang pawisan nitong mukha at halos madurog ang puso ko ng makita itong umiiyak.

"Shhhhhhh baby tahan na andito na ako." alo ko sakanya tsaka ko hinalikan sa noo. Hindi pa daw kasi fully dilated ang asawa ko. Ito na yata ang pinakamatagal na labor niya.

"Ang sakit na Mat." rinig ko na naman ang paghagulgol niya at pagdiin ng kapit niya sa mga kamay ko. Hinayaan ko nalang siyang gawin yun. Wala naman lahat ang sakit ng iyon. Mas masakit yung nararamdaman niya ngayon.

"Last na talaga ito baby. Ayoko ng makita kang nasasaktan." patuloy parin siya sa pagpisil sa kamay ko. Ilang beses ko na siyang hinalikan sa noo para kumalma ang pakiramdam niya.

Sampung minuto pa ang itinagal namin ng may pumasok na doktor at tinignan ang asawa ko tsaka sinabing fully dilated na siya. Kaagad naman namin siyang itinakbo sa operating room. Pinagsuot ako ng gown tsaka ko dinaluhan ang asawa ko na handa ng ilabas ang bunso namin. Panay ang pisil at karmot niya sa mga braso ko. Pati pagkurot ginawa niya narin. Hindi naman ako umangal.

Halos kalahating oras pa ang tinagal namin sa loob dahil masyadong malaki si baby kaya nahirapan ang asawa kong ilabas siya. Ilang ire pa ang ginawa ni Lienne tsaka namin narinig ang malakas na iyak ng baby namin.

"Congratulations, it's a healthy baby girl." anunsyo ng doktor sa amin.

Wala ng pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ko. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Sa bawat iyak na naririnig ay parang ritmo na inuugoy ang pakiramdam ko.

Tinignan ko ang asawa ko na hapong-hapo ang itsura. Hinalikan ko siya sa noo kasunod ay sa ilong hanggang sa labi. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya at ang nagbabadya niyang mga luha.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon