Chapter 13

2.4K 48 3
                                    

Lienne

Minsan nakakaboring din kung wala kang magawa sa buhay mo eh.

Napagpasyahan kong lumabas muna. Sasamahan ko sana si Nanay sa pamamalengke ang kaso sinabihan ako nitong wag na at bantayan ko nalang si Sean na nakatulog sa sofa.

Si Mat hindi ko alam kung nasaan baka nasa library.

Pumunta muna ako sa likod ng bahay. Nakita ko itong nakaupo sa upuan at nakapikit ang mata habang ang cellphone naman nito ay nakapatong sa lamesa. Nakita ko pa ang paghilot nito sa sintido.

Naisip ko na naman yung nabasa ko kanina kaya naglakas na akong magtanong rito.

Nagmulat naman ito ng mata nung marinig ang pagtikhim ko.

"Totoo ba yung nabasa ko sa balita." tanong ko rito.

"What."

"Yung pagsabi mo sa publiko na may anak kana."

"Kung ano man yung narinig at nabasa mo totoo lahat yun."

"Pero bakit."

"Anong bakit. Kung ano man ang ginawa ko wala kana roon dahil yun ang tama. Kahit naman itago ko lalabas at lalabas rin naman kaya wag kanang magtanong pa."

"Paano yung mga magulang mo. Lalo na yung fiance mo. Hindi ba sila nagalit sayo."

"Para ano pa. Andito na yung anak ko eh. Wala na silang magagawa besides they want to meet my son tomorrow."

"Yung fiance mo."

"Fiance ko parin. Naiintindihan niya naman eh. She said she is willing to be the mother of my son. She really understand."

"Ako ang nanay ng anak ko at wala ng iba."

"It doesn't change the fact that you're the mother."

Hindi na ako nagsalita pa. Tumalikod na ako kaagad. Gusto niya talagang sabihin na hanggang dun lang ako.

Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig lalabas na sana ako ngunit hinarang ako nito.

"May gusto kana ba saken Lienne."

Hindi ako nakapagsalita. Mas lalo lang nitong nilapit ang mukha nito sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata sa pag aakalang dadampi ang labi nito sa akin subalit.

"Don't expect Lienne. I won't catch you if you fall." bulong nito sa kaliwang tenga ko.

Ang sakit pala. Yung wala kang pinanghahawakan. Oo nga naman kasi nanay lang naman ako ng anak niya. Kasi naman eh masyado akong umasa. Kala ko may special na treatment dun wala parin pala.

Yung pag aakala kong gagayahin niya si Justin Bieber at sasabihing "I will catch you if you fall."

Ang kaso kabaliktaran pala.

Kaya hangga't hindi pa lumalala dapat ng hintuan. Kasi sa dulo ako rin naman yung masasaktan.

Hindi ko na mapiligilan yung luha ko sa pagpatak. Kainis naman eh pausbong palang yung nararamdaman ko sa kanya tas ganun na agad yung magiging sakit.

Magpapakananay nalang ako sa anak ko. Hindi ko naman kailangan yung lovelife sa ngayon. Masyado pa akong maraming iniisip.

Kahit tumanda akong walang asawa it doesn't matter to me anymore basta may anak ako ayos lang.

'Iwasan si Mat project.' sabi ko nalang sa sarili ko habang paakyat ako sa kwarto namin ng anak ko.

Naligo narin ako at nagbihis. I was wearing my sando and a short. Dala ko na naman ang laptop ko pababa lilibangin ko nalang muna ang sarili ko. Makikiconnect nalang ulit ako sa wifi dito at makipag chat sa Omegle baka sakaling makahanap ako roon.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon