MatBumaba akong nakita ang anak ko na kumakaen mag-isa. Bakit wala si Lienne. May pasok rin yun ngayon.
"Good morning son." bati ko sakanya habang busy ito sa pagnguya.
"Morning panget." sagot naman nito sa akin. Umupo na ako at humigop na ng aking kape.
"Where's your mom. Is she left early."
"No. She said he doesn't want to stand. She's in pain. You know red flag up." nakuha ko na kaagad ang ibig nitong sabihin. Kaya tumango nalang ako sakanya bilang sagot.
Pagkatapos naming kumaen ako na ang nagpasyang maghatid kay Sean dahil on the way lang rin naman. Pero bago kami umalis ay sinabihan ko muna itong antayin ako at may kukunin lang ako sa taas.
Dumiretso ako sa kwarto nila ng anak namin at nakita ko itong nakabaluktot sa kama habang hawak nito ang unan na nakapatong sa gawing puson niya. Umupo ako sa gilid ng kama at siya namang pagdilat ng mga mata niya. Naawa ako sa lagay at itsura niya ngayon. Ganun ba talaga. Sobrang sakit ba pag meron.
"Bakit hindi pa kayo pumasok baka malate kayo ni Sean." hinaplos ko ang buhok nito at inayos ang mga takas nitong buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha.
"Sabi ni Sean ok lang naman na malate dahil nagpreprepare nalang sila for christmas party." hindi na siya kumibo tsaka siya pumikit.
"Ayos ka lang ba. Masakit pa ba yung puson mo. Sasabihin ko kay Nanay na magdala ng pagkaen rito dahil hindi ka makatayo."
"Mamaya ok na ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kasakit pero mawawala rin siguro mamaya." pinunasan ko pa ang luha nito dahil naiiyak na siya sa sakit.
"Patitignan kita kay Nanay. Baka mamaya kung ano ng mangyare sayo. Maaga akong uuwi. Aalis na kami. Ako ng bahala sa pinsan ko sasabihin ko na hindi ka makakapasok. Ako ng bahala sakanya. Basta magpahinga ka lang diyan. Tawagan mo ako kung may kailangan ka. Ok ba yun baby." tska ko inalapit ang cellphone nito sa tabi niya para hindi na siya tumayo. Nakita ko naman siyang nakapikit. Pumunta na ako sa gawi nito at hinalikan siya sa noo tska ako lumabas.
Sinabihan ko narin si Nanay na tignan si Lienne. Lumabas na ako at sumakay sa kotse.
"Is mom ok." tanong ng anak ko saken.
"She said she will." pinaandar ko na yung kotse at tska ko siya hinatid sa school nila. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa opisina.
--
Katatapos lang ng lunch meeting ko sa isang architech dahil may kailangan lang kaming ayusin sa plano at design ng itatayong hotel and resort. Ngayon naman ay pipirma na naman ako ng kontrata sa panibagong project.
"Gin pag meron yung asawa mo, you know red days. Anong madalas mong binibigay or pinapainom na gamot sakanya." tanong ko sa secretary ko. May asawa na kasi ito at may isang anak narin na babae. Ninong pa nga ako ng anak niya.
"Para po ba kay Maam Lienne." tumango naman ako sakanya. Kilala niya si Lienne dahil nitong nakaraang araw taga dala ko siya ng mga papeles sa bahay. Naipakilala ko naman na siya bilang secretary ko.
"Binibilan ko lang Sir ng maraming chocolates tapos pinapainom ko rin po ng Buscopan. Masakit daw po kasi talaga pag unang araw. Yung asawa ko nga po halos hindi makatayo at makalakad sa sobrang sakit."
"Sige salamat."
"Wala po yun Sir." tska ito lumabas sa opisina ko. Dinukot ko yung cellphone ko kung may reply si Lienne kaso wala. Tinext ko kasi siya kanina na kumaen na.
Tinawagan ko pa yung number niya kaso hindi rin sinasagot baka nagpapahinga lang. Inayos ko yung mga papeles at kontrata na pinirmahan ko narin. Tinignan ko ang orasan sa relo ko at 3:30 palang.
