Lienne
Ngayon ang balik namin sa Maynila. Naiayos ko na kagabi yung mga gamit namin. Nagpaalam narin ako sa mga katrabaho ko sa habihan na babalik na ako ng Maynila. Nagkaroon pa nga kami ng crying session ng mga kasama ko lalo na yung mga matatanda na naging malapit na sa akin.
Sinamahan ako ni Mat tsaka ni Sean. Naging center of attraction na naman si Mat doon lalo na sa mga kababaihan na kasama ko. Pati nga sila nanay na may mga edad na nagkakagusto pa sakanya.
"Anong nangyari." pinatawag kasi siya kanina tsaka pumasok sa isang office malapit lang sa inuupuan namin.
"Delay daw ng isang oras yung flight natin. Nagkaproblema daw sa runaway kaya nagcancel sila ng flights."
"Hayaan muna." tumabi siya sa anak niya na busy na naman sa ipad.
"Daddy lowbat na."sumimangot si Sean ng mamatay yung hawak nitong ipad tsaka binigay sa daddy niya.
"Hindi muna kasi tinigilan. Sinukuan ka tuloy." napakunot naman ang noo sa sinabi ni Mat.
Hugot ba yun.
Binigay ni Mat yung sakanya tsaka nilagay sa bag ang kay Sean. Maya-maya pa ay tinawag na kami dahil naayos na daw yung problema. Hindi rin naman umabot ng isang oras.
Ilang minuto lang nasa Maynila na ako. Sa totoo lang namiss ko rin naman ang siyudad. Sa ilang buwan kong nawala ay grabe rin naman ang pangungulila ko.
---
Naramdaman ko nalang ang pagtapik ni Mat sa akin. Ibig sabihin nasa Maynila na kami.Binuhat niya si Sean na nakatulog rin pala. Pagkababa namin ay andun na kaagad ang sasakyan ni Mat.
Dumiretso kami sa bahay ng mga magulang niya. Pagkapasok palang sa gate nila ay nakaramdam na ako ng kaba. Nakita ko narin ang mommy ni Mat na nakaantabay na si mismong pinto.
Unang bumaba si Mat tsaka ako inalalayan na makababa sa sasakyan dahil medyo hirap na nga akong makababa. Halos mapaiyak na ako ng bigla akong yakapin ng mommy ni Mat.
"Namiss kita ng sobra anak."sabi sakin ng mommy ni Mat habang yakap ako ng mahigpit.
"I'm sorry po."
"Okay lang yun basta sa susunod mag-usap nga muna kayo. Kainis kayo pati ako naloka sa inyong dalawa. Ewan ko naman sa anak ko.Hindi kasi talaga minsan nakikinig yan. Minsan pa at baka maitakwil na anak ko yang si Mat. Andaming sinayang na panahon. Tignan niya at may apo na naman pala akong paparating." hinaplos niya ang tiyan ko.
Pumasok na kami sa loob. Nandito rin pala sila Tita Miranda at ilang pinsan ni Mat. Panay ang kantyaw sakanya kaya ang labas siya ang bida kasi siya ang pinagtatawanan.
"Kung mahal mo susundan mo."rinig kong sigaw ni Mat sa mga pinsan niya.
"Gago ka kasi. Tigas din kasi ng ulo mo. Matuto ka kasing makinig sa paliwanag."
"Oo na."suko na wika niya tska siya nakatanggap ng batok sa mga pinsan niyang babae.
"Tawa ka pa. Maganda ka na niyan."bwisit talaga nito.
"Maganda ako kahit hindi ako tumatawa kaya nga mahal mo ako di ba."
"Hindi kita mahal."sumeryoso naman ang mukha ko sa sinabi niya.
Ano na naman ba Mat.
"Kasi mahal na mahal ng sobra. Hindi lang mahal basta sobra pa sa mahal. Basta ikaw lang ang aking mahal ng sobra."
"Oo na.Daming knows."hinalikan niya naman ako sa sintido ko. Ramdam ko rin ang pagyakap niya sa akin.
Gabi na ng makauwi sila Tita Miranda at mga pinsan ni Mat.Dito raw muna kami ng ilang araw dahil may pinapaayos pa daw si Mat sa bahay niya. Hindi ko pa kasi talaga masabi na saamin.