Chapter 39

2.2K 87 13
                                    


Lienne

Mula sa sasakyan na sinasakyan ko ay dinig ko ang ingay ng mga tao. Ang ilan ay bumaba pa sa kanilang sasakyan para tignan ang nangyari.

"May nagsalpukan na dalawang kotse sa intersection. Wasak yung sasakyan. Di nga alam kung buhay pa yung driver nung isang kotse dahil wasak yung harapan nung sasakyan." rinig kong sabi ng driver na katabi nitong taxi na sinasakyan ko.

Tinanong sa driver nitong sinasakyan ko kung ano yung plate number ng sasakyan.

Ganun nalang ang panlalambot ng tuhod ko ng sinabi ang plate number ng sasakyan ni Mat.

Agad kong pinabalik ang sasakyan doon at laking gulat ko ng makita ang duguan at walang malay na katawan ni Mat na inilalabas sa kotse ng mga tao na galing sa ambulansya at isinakay sa stretcher.

"Mat." iyak at sigaw ko tsaka ako lumapit sa kanila. Isinakay nila ito sa ambulansya at inalalayan akong makasakay rito.

"Baby open your eyes please. I'm so sorry." iyak ako ng iyak. Kasalanan ko ito lahat. Kasalanan ko.

Wala sanang mangyayaring ganito kung inantay ko siyang magpaliwanag. Umalis ako.

Kasalanan ko lahat.

"Don't leave me Mat. Wake up please." patuloy parin na sabi ko habang hawak ko ang duguang kamay nito.

Pagkarating namin sa ospital ay kaagad na isinugod si Mat sa Emergency Room. Gustuhin ko mang pumasok ay hindi nila ako pinayagan dahil sa kalagayan ko.

Sakto namang dumating ang mga magulang ni Mat at lumapit sa akin.

"Mommy sorry po. Kasalanan ko po ang nangyari." hingi ko ng paumanhin sakanila. Kaagad naman akong niyakap ng mommy ni Mat.

Patuloy parin ako sa paghingi ng tawad sakanila tutal kasalanan ko naman ang nangyari sa anak nila.

"It's going to be okay ija. Wag ka ng umiyak." alo niya sa akin. Inalalayan niya akong maupo sa upuan. Sinabi ko ang nangyari sa kanila.

"I'm sorry po. Sorry po talaga." hinagod ng mommy ni Mat ang likod ko tsaka ako nito niyakap.

All we have to do is to be strong dahil sa lagay ni Mat ngayon.

"Mga kamag-anak ng pasyente." rinig kong sabi ng doktor na kalalabas lang galing sa pintuan kung saan ipinasok si Mat kanina. Kaagad kaming lumapit at itinanong kung kamusta na ang lagay ni Mat.

"Unconscous parin ang lagay ng pasyente. Sa ngayon inoobserbahan pa namin siya. Maraming dugo ang nawala sakanya. Nagkaroon din siya ng fracture sa bungo niya. Paumanhin po sa inyo. Ginagawa po namin ang aming makakaya. Hindi pa po namin alam kung kailan siya magigising. Ang tanging magagawa lang natin ngayon ay maghintay hanggang sa umayos yung lagay ng pasyente. Excuse me po." agad akong nanlumo sa sinabi ng doktor.

Pinaupo muna ako ng mommy ni Mat. Hinang-hina na ako sa nangyayari. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi pa alam kung kailan magigising si Mat. Paano kapag hindi na siya nagising.

God. No.

"Anak wag ka ng umiyak. Tatagan nalang natin yung loob natin. Alam ko namang kaya ni Mat iyan."

"Mommy sorry po talaga. Kasalanan ko po talaga lahat."

"Anak wag mo ng sisihin yung sarili mo. Nangyari na. Siguro may rason para sa inyong dalawa kaya nangyari ito. Magpakatatag ka anak para kay Mat at sa mga anak ninyo." tumango ako sa sinabi ni mommy. Nagpaalam sa amin ang daddy ni Mat na may aasikasuhin lang siya para mailipat na si Mat sa kwarto kung saan maoobserbahan siyang maigi.

"Mommy anong nangyari kay Kuya." nag-angat ako ng tingin. Ito yung babae na nakita ko sa birthday ni Sean.

Kuya. Magkapatid sila. Siya yung kapatid niya sa ibang bansa.

"Naaksidente. Hanggang ngayon wala paring malay. Inoobserbahan pa siya ng mga doktor." sagot naman ng mommy nito. Agad siyang naglipat ng tingin sa akin.

"You must be Ate Lienne." tumango ako sa sinabi niya. Tumabi siya sa akin.

"You know what. Ang daming kwento ni Kuya tungkol sayo simula ng dumating ako. Napaka ideal mo para sakanya. Sinasabi niya lagi sakin kapag nalalasing siya na mahal na mahal ka niya. Sinasabi niya yun hanggang sa makatulog siya sa sobrang kalasingan. Sinabi niya na mahanap ka lang niya hindi ka na niya papakawalan. Wag kang mag-alala malakas si Kuya kaya kayang-kaya niya yan." niyakap niya ako. Alam kong pinapalakas niya yung loob ko.

Kumaen muna kami. Kahit wala akong gana ay kumaen ako para sa anak ko. Kung ako lang hindi ako kakaen kaso kawawa yung bata na nasa loob ko. Hindi naman pupwede na yung sarili ko lang isipin ko.

Pagkabalik namin nailipat na raw si Mat sa kwarto kaya naman kaagad namin siyang pinuntahan pagkatapos naming kumaen. Umalis narin kaagad si Sierra dahil may pasyente siya ngayon. Dito rin kasi siya nagtratrabaho.

Maraming makina ang nakakabit sa katawan ni Mat. May benda rin ang ulo niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak dahil hindi ko kayang nakikita si Mat na ganito. Puro pasa ang mukha at sugat ang ibang parte ng kanyang katawan. Lahat ng nakikita ko sakanya lahat ng iyon ay kagagawan ko.

Sinabihan nila akong umuwi muna ng bahay at magpahinga. Kahit gustuhin ko mang maiwan nalang rito at bantayan si Mat kaso sinabi sa akin ng mommy niya na kailangan ko. Isipin ko nalang daw muna yung batang nasa sinapupunan ko tsaka sila munang bahala kay Mat. Wala narin akong nagawa.

"Mommy what happen to daddy." salubong ni Sean sa akin tsaka yumakap.

"Don't worry about your daddy baby. He's okay. Pray tayo always para magising na si daddy mo. Malakas tayo kay Lord." ngiting sabi ko sakanya.

Pagkatapos naming kumaen ay nagdiretso na kaagad ako sa kwarto. Nauna na akong natulog kaysa kay Sean. Sigurado naman akong mamaya pa yun aakyat ng kwarto. Hinayaan ko nalang ang sarili kong dalhin ng antok.

---------

Kinabukasan maaga akong nagpunta ng ospital. Nagdala ako ng pagkaen para kila mommy tsaka damit.

"Kamusta po si Mat." tanong ko kay mommy.

"Wala paring pinagbago anak. Ganun parin." malungkot na sabi ni mommy sa akin.

Lumapit ako sa gawi ni Mat tsaka hinawakan ang kamay nito. Hanggang ngayon talaga andito parin yung pagsisisi sakin.

"Baby gising kana. Namimiss na kita ng sobra. Namimiss kana ng panganay natin. Sorry baby kasalanan ko lahat kung bakit nasa ganyang kalagayan ka. Sana pinakinggan kita. Sana hindi ako umalis at hinayaan kang magsalita. Patawarin mo ako baby. I'm really sorry." umiiyak na sabi ko. Alam kong nakikinig siya sa sinasabi ko.

Naniniwala ako isang araw magigising rin siya. Hindi man ngayon alam kong magiging maayos din ang lahat.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon