Lienne
Isang linggo na ang nakalipas nung nailabas yung anak ko ng ospital. Ngayon okay na siya o mas dumomble pa yata yung kulit niya after niyang masalinan ng dugo ng tatay niyang damuho.
Isang linggo naring hindi nagpapakita yun eh, simula ng umalis siya ng ospital na sinabi niyang babalik pero ang magaling na lalaki ni anino nito wala. Hindi naman sa namimiss ko siya ano.
Naghahanda na ako para sa hapunan namin ng anak ko na may narinig akong ugong ng sasakyan sa labas ng bahay namin.
"Sean may tao yata sa labas silipin mo nga." utos ko rito. Agad naman siyang sumunod at nagulat ako ng bigla niya agad isara ang pinto.
"Anong nangyari. Bakit ganyan yung itsura mo. Ayusin mo nga yang pagkakakunot ng noo mo. Plaplantsahin ko yan." biro kong sabi rito.
"Andyan si Panget sa labas."
Nagulat nalang kami ng bigla may pumasok sa bahay namin. Yung damuho pala.
"Who gave you the permission to enter someones house. I'll sue you on court. You trespasser." gigil na sabi ng anak ko rito.
"I'm here to talk to you." Diretsong sabi nito sa akin. Agad ko namang muna pinapasok yung anak ko sa kwarto at binilinan kong wag munang lumabas hanggat hindi ko sinabi.
"Bukas na bukas rin lilipat na kayo sa bahay ko. Ayusin niyo na ang mga gamit niyo. Susunduin ko kayo bukas naiintindihan mo ba." mariing wika nito sa akin.
"Saglit parang ang bilis naman yata."
"Dahil yun ang gusto ko. Ayokong nakatira ang anak ko sa ganitong lugar. I want him to experience what he is at kung ano ang dapat na meron siya."
"Per--"
"Wala ng pero pero Lienne. Ayaw mo naman sigurong magkasubukan tayo sa korte. Alam mong wala kang laban sa akin. Kaya kong kunin sayo ang anak ko sa isang iglap lang. You know what money can do. Ano mag aayos ka ng mga gamit niyo at titira sa bahay ko o kukunin ko ang anak ko bukas na bukas rin." seryoso ang mukha nito habang sinasabi niya sa akin ang katagang iyon.
Hindi na lang muna ako umimik alam ko rin namang matatalo lang rin ako pag nagdiskusyon pa.
Hinayaan ko na siyang umalis pagkatapos nun. Hinang hina akong napaupo sa sofa. Nakita ko ang anak kong papalapit sa akin. Agad naman itong lumapit sa akin. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at pinupunasan ang mga takas ng luha na nanggagaling sa aking mga mata.
"You're crying again mommy. I hate when I see you cry. Si panget na naman ba may kagagawan nito. Sasapakin ko na yun tska sisipain eh." natatawa nalang ako habang sinasabi niya yun and I know talagang ginagawa niya lang yun para patawanin ako para hindi na ako umiyak. He always like that. Too lucky to have him as my son.
"Baby diba sabi mo gusto mo ng big house tapos maraming toys and cars. Di ba you told mommy gusto mo rin ng maraming dress tas malaking malaking tv."
"Yes mommy." nakangiting sabi saken nito.
"Tomorrow lilipat na tayo dun sa big house." nakita ko ang pagkinang sa mga mata nito.
"Talaga mommy. Yeheeey ! kasi mommy naiinggit ako sa mga classmates ko malalaki po yung bahay tas may car na naghahatid tas susundo sa kanila samantalang ako lakad lang po." sabi nito sa akin.
"Sorry baby kasi hindi ka kayang bigyan ni mommy ng malaking house tas car kasi hindi pa kaya ni mommy eh. Wala pa kasing masyadong pera si mommy." hingi ko ng tawad rito. Nakita ko naman ang pag ngiti nito sa akin.
"It's okay mommy. I'll understand you po. Sobra sobra na nga po naibigay mo sa akin eh. You sacrifice alot because of me. I love you mommy. You're the best mommy in the whole wide world. I'm lucky to have you as my mom." dahil sa sinabi nito naging masagana muli ang mga luhang umagos sa aking mga mata.