Chapter 14

515 28 3
                                    

Lienne

Nagising ako sa ugong ng sa sasakyan sa ibaba. Tinignan ko pa ang orasan ko sa bedside table. Alas singko ng umaga. Ngayon nga pala alis ni Mat papuntang America tapos alas otso pa pala ang flight niya kaya siguro maaga umalis.

Baka nga sabik niyang makita yung fiancee niya.

Napabuntong-hininga nalang ako tsaka bumangon tutal ganitong oras naman ay gising na si Nanay at nagluluto na ng agahan.

"Anak gising kana pala. Kaalis lang ni Mat. Ngayon pala ang lipad niya papuntang America hindi manlang nagsabi para nagising ako ng mas maaga at makapagluto para naman sana magkalaman ang tiyan niya bago umalis."

"Ganun po ba 'nay."sabi ko habang nagtitimpla ng gatas.

"Oo anak. Mukhang madaling-madali umalis. Sinabihan ko na nga na kumaen lang ng pandesal at magkape. Sinabi na doon nalang daw siya kakaen sa eroplano.Yung bata talagang yun."

"Hayaan niyo na 'nay. Matanda na yun. Kayang-kaya niya na yung sarili niya. Huwag niyo ng isipin yun."

"Aba'y nakapag-paalam naman ba sayo." diretsang tanong niya sa akin.

"Sinabi niya lang naman po sakin na aalis siya at pupuntang America pero hindi ko naman po alam kung kailan."

"Malalagot talaga saken yung batang yun kapag dumating."

"Hayaan niyo na po. Tsaka ayos lang naman po kung hindi niya naman po sabihin saken.Bahala naman po siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Wala rin naman po akong karapatan." nakita ko ang pagkadismaya sa itsura ni Nanay.

Ininom ko nalang yung natitirang gatas sa baso tsaka umakyat ulit sa kwarto para makapag-ayos para sa trabaho tsaka si Sean na dapat ko pang gisingin.

It's another day to begin with.

------------

Mat

Spending almost 7 hours of travel. Finally, it's been months and I'm totally back.

Nagpasundo ako sa company driver from airport then dumiretso kami sa flower shop to buy flower. Gustong gusto kasi ni Psyche ng roses. Pagkatapos bumili ako ng singsing sa mall tsaka dumiretso sa condo niya.

I know masusurprise siya sa pagdating ko.

Ini-enter ko ang passcode na anniversary naming dalawa. Pagkapasok ko sa sala wala siya. Kaya tinignan ko yung kitchen baka kasi andun at nagluluto dahil malapit na mag-dinner.

Knowing her. Hobby niya talaga ang magluto. Kaso wala din siya.

Dumiretso ako sa kwarto niya. Hindi pa ako masyadong nakakalapit ng makarinig ako ng ingay mula sa loob.

I'll took the courage to open her door. And to my surprised.

Seeing her making out to a man.

Hindi ko masyadong nakita yung mukha nung lalaki pero sapat na yun para malaman na nagtaksil yung babaeng minahal ko. Umalis ako sa doon. Tinungo ko yung pinto palabas ng condo unit niya.

"Mat please let me explain."habol niya parin ako.

"Ano pang ieexplain mo. Di pa ba sapat yung nakita ko. Hanggang kailan pa."matapang ako. Hindi ako umiiyak. Pero ganito pala yung pakiramdam.

Ang sakit.

Pinangako ko nung una na siya na. Yung babae na makakasama ko sa tanang buhay ko. Yung babae na ihaharap ko sa altar. Simula ng umalis ako sa Pilipinas limang taon ang nakalipas. Sinabi ko sa sarili ko na kung sino man yung babae na makakasama ko. Yung babae na andiyan para sa akin.

AftermathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon