Lienne
Isang linggo na ng makalabas si Mat sa ospital. Maayos na siya sa ngayon. Nung isang araw ay pumasok na siya sa opisina. Hindi nga dapat siya pupwedeng pumasok kaso mapilit. Wala naman daw siyang ginagawa rito.
"Ipasyal mo si Lienne. Mag-family bonding kayo." yun lagi ang sinasabi ng daddy niya sakanya kaso hindi siya umiimik kapag nababanggit na yung pangalan ko at nadadawit na sa usapan.
Kung sa tutuusin ay parang ayaw niya na marinig ang pangalan ko. Para akong taong may sakit na ketong na nilalayuan. Ganyan ang trato niya sa akin.
Masakit. Sobrang sakit.
Yung makikita niya ako at kaagad na iiwas. Hindi manlang kami magsabay sa hapag kainan kahit minsan. Yung kakausapin ko siya na puro tango at kung minsan pa nga ay hindi niya ako sasagutin at magdidiretso nalang sa kwarto niya.
Para lang akong hangin para sakanya.
Bumaba na ako para kumaen. Nakita ko silang lahat na andun sa hapag kainan at masayang nagkwekwentuhan.
"Gising ka na pala anak. Halika na at kumaen." yaya sa akin ni mommy. Tumingin ako kay Mat na nakakunot ang noo at diretsong nakatingin sa akin. Nagpakawala ako ng buntong-hininga tsaka yumuko. Unti nalang babagsak na yung luha ko. Nag-angat ako ng tingin sakanila tsaka ngumiti kahit sobrang hirap.
"Doon nalang po siguro ako sa garden kakaen. Gusto ko pong magpahangin tutal malamig po ang hangin doon. Kukuha nalang po ako ng pagkaen tapos dadalhin ko nalang po doon." sagot ko sakanila na ikina-tango naman nila maliban kay Mat na nakatitig lang sa bawat ginagawa ko.
Umupo ako tsaka nagsimulang kumaen. Hirap kong lunukin ang bawat pagkaen na sinusubo ko. Unti-unting pumapatak ang luha na nanggagaling sa mata ko.
Hanggang kailan Mat. Hanggang kailan yung ganitong pakikitungo mo. Ang hirap na kasi.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa garden tsaka bumalik sa kwarto namin ni Sean. Kinuha ko ang laptop tsaka sinimulan na naman ang pagtipa. Nagsusulat na naman kasi ako. Napagpasyahan ko na sumulat ulit dahil maraming nag-aantay sa muling pagbabalik ko.
Pupunta sana ako sa cr para umihi ng biglang sumakit ang tiyan ko. Humihilab na naman siya. Sa isip-isip ko mawawala rin dahil lagi ko namang nararamdaman yung ganito kaso habang tumatagal ay lalong sumasakit ang tiyan ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng tubig sa binti ko.
Jesus.
Sumigaw ako dahil sa sobrang sakit. Nakita kong pumasok sila mommy sa kwarto.
"Anak manganganak kana." sigaw ni mommy. Tinawag nito sila Nanay Rosie at inalalayan nila ako hanggang sa dalhin ako sa ospital at ipasok sa delivery room.
Iyak ako ng iyak hindi dahil sa sakit galing sa tiyan ko kundi dahil sa pangalawang pagkakataon mag-isa kong haharapin lahat ng ito. Nakaya ko naman nung una di ba kaya impossible namang hindi ko kayang ilabas si baby sa pangalawang pagkakataon.
Isipin ko nalang na andyan naman ang Diyos para sa akin.
"Handa ka naba Misis." tanong sakin ni doktora. Tumango ako. Nagsuot na siya ng gloves tsaka pumunta sa paanan ko.
Lahat kami ay napatingin sa pagpasok ng isang lalaki dito sa loob. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapahagulgol sa iyak ng malaman ko kung sino yung pumasok.
Si Mat.
"Hey baby, I'm here."yumakap ako sakanya habang umiiyak.
"Nakakainis ka. Sobra yung tampo ko sayo." nagawa ko pa siyang pingutin sa lagay na yun.
"Mamaya na kayo maglambingan baka yung anak ninyo ang magtampo kasi kanina pa niya gustong lumabas." natawa kami pareho sa sinabi ni doktora.
Ilang minuto pa ang tinagal namin sa delivery room hanggang sa narinig na namin ang iyak ng anak namin.